Kabanata 63.

856 Words

"Magandang buhay!" Natigil sa pag-inom ng tubig si Ginang Luz nang bumulaga sa pinto ng dining room si Sugar. Abot-tainga ang pagngiti nito habang hawak ang isang malaking food container. "Hello, Prof! Nagdala ako ng tinolang manok, your favorite. Sobrang init pa nito." "Oh, tamang-tama!" galak na wika ni Ginang Luz. Itinuro niya si Sugar sa mesa. "You're just right in time. Magsisimula pa lang akong kumain." "Alam ko, Prof. Sinakto ko talagang pumunta nang ganitong oras para naman makasabay kita. Nakaka-sad lang kasing kumain mag-isa sa bahay." Binuksan ni Sugar ang ulam. Nilanghap muna niya ito bago maglagay sa bukod na bowl para sa ginang. "This is for you. Alam ko namang miss na miss mo na ang luto ko eh." "Tama ka diyan," ani Ginang Luz. Matapos tikman ang sabaw ay napatango siya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD