Ilang araw na ang nakalipas nang matagpuan ni irish ang website ng Strings of Fate Dating Agency. Hindi man niya trip ang mga ganitong site ngunit hanggang ngayon ay nananatiling nakadikit ito sa isipan niya. Maaaring ganoon na siya ka-desperada na makakuha ng lalaking ipapakilala sa kanyang mommy.
Kahit nga ngayong nakalapag na siya sa Pilipinas ay ang site pa rin ang laman ng kanyang utak partikular ang nabasa niyang Husband for Hire. Sa kasamaang palad, hindi na niya muling nakita pa ang impormayong iyon. Sa tuwing pupunta siya sa site ng Strings of Fate ay bumubulaga lang ang mukha ng iba't ibang lalaki at babae na naghahanap ng ‘kaibigan’.
But at least, I got the address of Strings of Fate. This week pupuntahan ko kaagad ‘yon.
“Is there something bothering you, Irish?” usisa ni Jared habang papasok sila ng kotse. Nagbilin muna ito sa driver bago lumingon sa kanya. “Did you get upset with the flight?”
Umiling si Irish. “No, it’s fine. Maybe I'm a bit tired and I’m beginning to adjust to the weather again.”
“I see. That naturally happens since we just got out of a cold climate. And now, it’s humid again.”
“I’ll just get used to this setting because I’ll be going back a few months from now.” Lumingon si Irish sa bintana.
“If you’ll agree, can you come with me before I send you home?” Biglang tanong ni Jared. “It’s my brother’s event. Don’t worry, I’ll just say hi. We won’t take longer than ten minutes.”
Kilala ni Irish ang tinutukoy ni Jared. Sa ilang taon nilang magkakilala, kilala nito ang mga kamag-anak ng lalaki.
“Of course,” ani Irish at nakangiting bumaling sa binata. “I’d like to. I'm sure Duke will be glad to see you."
Maaaring medyo pagod na siya. Ngunit kung isa ito sa mga bagay na maaari niyang gawin para kay Jared, gagawin niya. Maliit na pabor lang naman ito kumpara sa pag-agapay nito sa kompanya niya.
o0o
“Dapat masaya ka dahil nakuha ng iba ang dapat escort ko ngayong gabi,” malambing na pagkakasabi ni La Diva. Naka-dekuwatro pa itong nakaupo sa tabi ng driver seat at pinapaikot sa kanyang daliri ang dulo ng mahabang buhok.
“Dapat ba magpasalamat pa ako sa ‘yo?” Lihim namang nagngingitngit si Keith habang nagmamaneho. Sa inis ay namumuti na ang mga kamao dahil sa higpit ng pagkakahawak sa steering wheel. “Hindi ka na dapat nag-aksaya ng gano’ng kalaking pera.”
“Concern?” Kinindatan siya ni La Diva at sinuklay ng mga daliri niya ang buhok ng binata. “Don’t worry, darlin’. Nakalaan talaga sa iyo ang halagang ‘yon. So instead of throwing a tantrum like a child, just bear with me. O baka naman kaya ka galit na galit d’yan dahil desperado ka na ring makuha ako. Sad to say, I’m your client for twenty-four hours. Meaning RnJ rules still exist so we’re not going to…” hinaplos niya ang matigas na braso ng binata at bumulong,” ...make love.”
"Kung may gusto akong gawin, 'yon ay makaiwas na sa 'yo." Marahas na bumuga ng hangin si Keith habang nakapako ang mga mata sa daan. Simula nang paandarin ang kanyang kotse ay hindi niya nililingon ang kasama. “Ang gusto ko lang, lumipas ang araw na ‘to nang hindi ako nagkakaroon ng problema. Marami na akong iniisip. Hindi na kita idadagdag doon.”
“Oh, come on. I’m not that bad. Don’t talk as if I just ruined your life.” Umirap ang dalaga. “By the way, call me Ladine when we get to our event. Kakasabi mo ng ma’am, baka isipin ng mga friends ko, driver kita. Well, napaka-guwapong driver.”
“Bahala ka,” bulong ni Keith habang sumusulyap sa rearview mirror. Kung nakikita lang ang pag-usok ng kanyang mga tainga ay kanina pa namumuti sa hamog ang loob ng kanyang sasakyan. At kung saan man sila pupunta ay wala siyang pakialam. Wala rin naman siyang magagawa dahil bayad nito ang isang araw niya.
Basta hindi na lang ako magsasalita. Wala akong pakialam kung ma-bored siya.
Ilang sandali pa at umangat ang likod ni La Diva sa upuan at itinuro ang maliwanag na building. “Oh, narito na tayo!”
Sinulyapan ni Keith ang gusali nang huminto sila sa tapat nito. “Saan ang parking area?”
Agad namang kinalas ni La Diva ang seatbealt at dinampot ang kanyang purse. “Just pull over here. Butler ko na ang bahala para i-park sa ligtas na lugar.”
“Ligtas na lugar?” Napanguso si Keith nang tanggalin ang susi sa igniton. “Sigurado ka bang ligtas ‘yon? At anong kalokohan naman ‘tong pagdadalhan mo sa ‘kin?”
“Kalokohan agad?” Tinawanan siya ni La Diva habang hinahagod nito ang buhok. “Alam mo, huwag ka nang masyadong maarte. Makibagay ka na lang, okay? Kung dito pa lang, naiilang ka na, paano pa kaya ang kliyenteng ibibigay sa ‘yo?”
Ayaw mang tanggapin ngunit batid ni Keith na tama si La Diva. Pinili niyang pumasok sa RnJ kaya ibig sabihin lahat ng tungkol dito ay dapat niyang tanggapin. Ano ba namang lunukin niya nang ilang sandali ang kanyang pride? Kung sa bagay ay batid niyang hindi naman siya mapapasama dahil wala namang exploitation na nagaganap sa kompanya. Protektado pa nga sila at suportado sa financial na aspekto. Dahil din sa RnJ, nabigyan niya ng kaukulang pansin ang kanyang pisikal na kaanyuan at kalusugan. Kaya ano ba ang dahilan at nagrereklamo pa siya?
Ilang sandali lang at natagpuan niya ang sarili na ipinakikilala ni La Diva sa mga taong tila ginto ang pananamit. Dito niya napagtanto na isa itong Hotel and Restaurant at naroon sila sa mala-stadium na function hall. Sa malawak na stage ay may bandang kumakanta habang malugod silang pinapanood ng mga bisita na nakaupo sa kani-kanilang table.
Pinisil ni La Diva ang kamay ni Keith nang mapansin nitong may papalapit na naman sa kanila.
“Finally, you’re here, Ladine!”
“Oh, hi Duke!”
Pormal na nakipagbeso si La Diva sa lalaking nakasuot ng makinis na blacksuit. Matangkad ito at payat. Makinis ang mukha ngunit kumakalat na ang mga puting hibla ng buhok. Matapos batiin ang lalaki ay yumakap ang dalaga sa isang braso ni Keith. “By the way, meet Kanye Gomez. My boyfriend.” Bumaling naman siya sa binata. Malawak ang pagkakangiti niya ngunit nanlalaki naman ang mga mata, tila may ibinababatid dito. “Darlin’, he’s Mr. Duke Thompson. He’s the owner of Royal Empire Hotel. Today, they’re celebrating the twentieth aniversary.”
Sinserong ngumiti si Keith sa nakatatandang lalaki at inihayag ang kanyang kamay. Kahit na nagpapanggap lang siya’y tunay naman ang nais niyang ipaabot na pagbati. Kahit sino namang negosyante ay natutuwa sa tuwing sasapit ang anibersaryo ng kanilang kompanya. Batid niya iyon dahil bago siya umakyat sa puwesto bilang chairman ng De Asis Construction ay ginanap din ang kaarawan ng kompanya.
“Happy anniversary, sir. Masaya ako at naging bahagi ako nito.”
Malugod na tinanggap ni Duke ang pagbati. Dalawang kamay pa nga ang itinugon niya sa pakikipagkamay ni Keith. “Thank you, Keith. But please, just call me Duke because I call my business partners by their first names as well.” Ngumiti siya kay La Diva at tinapunan ulit ang binata ng tingin. “If you don’t mind me asking, what business are you in, Keith?”
Itinaas niya ang mukha. “Sa ngayon, chairman ako sa De–”
“Devereux Gaming Company,” sabat ni La Diva at palihim na pinisil ang kamay ni Keith.
Napalunok ang binata. Doon niya naalala na hindi nga pala siya si Keith. Bilang husbando, ang gagamitin nilang pagkatao ay ang nakarehistro sa database ng RnJ. “T-tama. Devereux Gaming Company. Sa ngayon, may bago kaming dini-develop na version ng League of Gods para ma-introduce na sa merkado.”
“Wow,” humahangang tumatango si Duke. “Well, you are more of a modern businessman, Keith. I think I like you already as we are not in the same field. Hindi tayo magka-kompitensya.”
“I know right. That makes us all friends,” ani La Diva at pasimpleng kumindat kay Keith.
“Well, I’m afraid I have to leave you two for a while. I’m still waiting for my brother to come. Ngayon ang dating niya galing New York at nangako siyang dadaan dito.”
“Walang problema,” ani Keith at muling kinamayan si Duke.
“Please enjoy the night. Just approach me if you have concerns, okay?” Tumango si Duke sa dalawa at umalis na. Hindi pa man ganap na nakakalayo ay may kausap na naman ito.
“We’ll definitely enjoy this night,” bulong ni La Diva at gumapang ang kamay niya sa likod ni Keith. “Muntik ka na doon, Darling Kanye. Pero hanga ako sa ‘yo at nalusutan mo agad.”
“Oo nga, eh. Kaya nga naisip ko na tama ka. Kailangan ko talagang makihalubilo muna sa iba gamit ang bago kong pagkatao.” Luminga siya at napangiti. “Disente naman pala itong pagdadalhan mo sa akin. Hinayaan mo pa akong mag-alala kanina.”
“Ano bang akala mo? Dadalhin kita sa stripper’s party? Tara na nga!” natatawang tanong ni La Diva at hinila si Keith papunta sa bakanteng upuan na itinuro ng receptionist sa kanila. Pagkaupo nila'y sinalinan niya agad ng red wine ang baso ni Keith. Pagkatapos ay pinuno niya ang sariling baso. "Cheers?"
"Cheers."
Inilapit ni Keith ang wine sa kanyang bibig ngunit bigla siyang natigilan nang hindi sinasadyang mapatanaw sa front door. Lumukot ang kanyang mukha. Kahit may kalayuan ay nakikilala niya ang bagong dating.
Si Irish?
Lalo siyang napasimangot nang makitang may kasama ito. Nakahawak ang lalaki sa ibabang bahagi ng likod ni Irish habang masayang nakikipag-usap kay Duke. Doon niya napagtanto na sina Irish at ang kasama nito ang bisitang hinihintay ng hotel chairman.
Napansin naman agad ni La Diva na biglang nagbago ang mood ni Keith. Sinundan niya ang landas ng mga mata ng binata. "Oh, dumating na pala si Jared," anya at napataas ng kilay. "At mukhang girlfriend niya 'yong isa. Hm…"
Si Irish? May boyfriend na?
Batid niyang dapat ay hindi siya apektado. Ngunit bakit sa hindi maipaliwanag na kadahilanan ay kumirot ang dibdib ni Keith?