Kabanata 15

2165 Words
Kagabi pa hinanda ni Irish ang sasabihin niya kay Mr.Thompson. Ngunit tila umurong ang kanyang dila ngayong kasama niya ang business partner habang nakaharap sila sa makapigil-hiningang view ng NYC skyline. Hindi niya inakalang may romantikong side din pala si Jared. Dati kasi puro sales at negosyo na lang ang usapan nila. Ngunit ngayon, wala itong bukambibig kundi siya at lahat ng gusto nito sa kanya. “You should keep on smiling more often, Irish,” ani Mr. Thompson at sinalinan ang wine glass ng dalaga. “It’s not just to attract the clients but for you. You are more beautiful when you smile.” Napangiti si Irish hindi dahil gusto niyang pagbigyan ang lalaki kundi dahil gumagaan ang pakiramdam niya kapag kausap ito. Kung sa mga mata ng ibang tao roon sa restaurant, isa silang masaya at sweet na couple. Ngunit para sa kanya’y isa pa rin itong business proposal. Tumikim ng kaunting wine si irish at mabining pinunasan ang mga gilid ng bibig. “Um, if you don’t mind, Mr. Thompson… what made you like me?”  Ngumiti si Mr. Thompson at kinuha ang kamay ni Irish, bagay na ikinagulat ng dalaga. “That’s a nice question, Irish. But I couldn't tell exactly.” Nagkibit balikat siya. “Maybe because of the overall you. To be honest, you are more than a pretty face, Irish. I like your exceptional exceptional talent and courage and wit. The first time I saw you I knew I needed to help you because of your potential in the business world. But as the years passed by, I realized you are deeper than I thought. Forgive me but… I think this is more than liking you.” Pinisil niya ang mga kamay ng dalaga. “So what do you propose, Mr. Thompson…” “Call me Jared.” Binitiwan na ni Mr. Thompson ang kamay ng dalaga nang madama niyang nanlamig ito. “And about your question, if you will agree I want us to have a formal relationship. I want you to be my girlfriend, and not just a business partner.” Unti-unting bumibilis ang kabog ng dibdib ni Irish. Paano nangyaring napunta sila sa ganito? Paano siya tutugon dito? Sa mga mata at puso  niya, ito ang lalaking nagsalba sa kanya noong siya’y nasa rock bottom pabottom. Mas itinuturing niyang personal na bayani ito kaysa sa lalaking makakasama sa loob ng isang relasyon. Pinilit niyang ngitian ang lalaki. “You are an amazing man, Mr… I mean Jared. Any woman can fall in love with you.” Ilang sandali siyang napatulala sa mukha ng lalaki. Tila tagus-tagusan ang paningin niya rito. “But being in a relationship you particularly want isn't my priority as of now. I still have bigger plans for the jewelry business. Unfortunately, commiting to someone isn’t part of it.” Nakagat niya ang labi habang hinihintay ang sagot nito. Batid niyang malaki ang epekto ng kanyang pahayag sa pagiging investor nito sa kanyang kompanya. Kung mamalasin pa’y maaari nitong bawiin ang mga stock sa kanya. Ngunit mas nanaisin pa niyang bumagsak ito kaysa sa magpatali sa kasunduan na wala pa siyang amor.   Patingala na ininom ni Jared ang natitirang alak sa kanyang baso. Pagkatapos nito’y nagbuntong-hininga siya habang hinahagod ang dirty blond na buhok. Lalo tuloy sumibol ang pag-aalala sa puso ni Irish. Batid niyang kapag ganito ang lalaki ay frustrated ito. Ilang taon na silang magkasama kaya alam niya ang iniisip nito sa bawat gawi.  Busted mang maituturing ngunit kahit papaano’y nag-aalala pa rin siya sa itinuturing na kaibigan. Babawiin ko ba ang sinabi ko? Pero ano naman ang magagawa ko kung talagang hindi ko siya gusto? Sayang lang kasi siya pa naman ang pwedeng i-front kong pekeng asawa kay Mommy. Ang problema, lalo siyang maa-attach. Baka umasa siya na magiging totoo ang relasyon namin. Mas hindi ko kakayanin ‘yon! Napapikit si Irish. “O-okay, I will understand if you are going to pull out your stocks in Love’s World Jewelry. You have all the right to be mad at me because I just failed you bigtime.” “What are you saying?” Napakunot ng noo si Jared. Hindi mawari kung matutuwa siya o magagalit sa narinig. “I don’t remember even a single chance that you have failed me.” Namumulang yumuko si Irish at pinagmasdan niyang lukutin ng kanyang mga kamay ang kanyang palda. “Well because…. because… I just…” “Because you just dumped me? That’s what you want to say?”  Pagtango lang ang isinagot ng dalaga. “You’re right then. You just rejected one of the richest businessmen in the Philippines.” Natawa si Jared sa sarili niyang deklarasyon.  Dahil dito’y lalong bumaon ang guilt sa dibdib ni Irish. Ni Hindi na siya makatingin sa kaharap. Tama naman ang ipinamumuka nito sa kanya.  “But you didn’t fail me, Irish. As long as you continue working hard for the company. Don’t feel sorry if you can’t reciprocate what I feel for you. The problem’s in me, not you. I’ve crossed the line between business and something else. PleasePlease don’t feel bad about it. It’s my fault if you choose to reject me.” Nahihiyang nag-angat ng mukha si Irish kay Jared. Kung pwede lang na diktahan niya ang puso niya, baka siya pa mismo ang umamin kapag nakaramdam ng pagtangi rito. Ngunit talagang wala.  Patay na ba talaga ang pusi niya? O sadyang hindi pa niya nakakalimutan ang unang pag-ibig sa katauhan ni Julio. Tila nabunutan ng tinik si Irish nang bumalik na siya sa hotel room. Ang buong akala niya’y mawawala na sa kanya ang kompanya dahil sa pagtanggi kay Jared. Ngunit laking tuwa niya nang sinabi nitong patuloy na susuporta hanggang maaari.  Sa kabilang banda, nag-aalala pa rin siya dahil sa kondisyong binitiwan ng kanyang mommy kapag uuwi.  “Paano na ako nito?” Pabagsak siyang humiga sa kama. “Kapag umuwi akong single pa rin, ipagtutulakan niya ako kay Keith!” Tinakpan niya ng unan ang mukha at doon tumili.  Bakit parang wala akong boses pagdating sa pagpili ng makakasama ko? Hindi naman ako pwedeng tumanggi kay Mommy dahil baka ikasama ng loob niya. Mahina pa naman ang puso niya. Baka kapag inayawan ko si Keith, atakihin na siya!   Gusto na lang niyang lamunin siya ng malambot na kama at mawala sa daigdig panandalian. Kung mayroon lang sanang  isang tao na pwedeng ipasak sa problema, hahanapin niya ito. Iyong hindi maa-attach sa kanya. Iyong tao na papayag sa professional level na pakikipag-ugnayan at hindi katulad ni Jared at ng iba pa niyang suitors na nagpaparinig ng pag-ibig sa kanya. Handa naman siyang magbayad kung kinakailangan.  Hindi bale, may ilang araw pa ako para mag-isip ng paraan. For now, I’ll leave it hanging dahil baka maapektuhan naman ang performance ko.  Upang makalimot ay nagdesisyon siyang buksan ang laptop. “Oh, God I forgot. May iniwan pala akong draft!” Dali-dali niyang binuksan ang icon ng Computer Aided Design kung saan siya gumuguhit ng pattern. Noong nag-uumpisa pa lang siya ay solo pa lang siyang jewelry designer. Ngunit dahil maunlad na ang kompanya ay kasabay ng pagtanggap niya ng mga empleyado ay nag-hire na rin siya ng mga katulad niya. Karamihan sa mga ito’y mga nagtapos o may certificate sa interior designing. Bukod dito’y pinasusuong niya sa isang linggo na training bago papirmahin ng kontrata. Makalipas ang isang oras ay natapos na niya ang design ng pinaka-latest niyang obra. Ito ang earring version ng kanyang diamond necklace na kamakailan lang na lumabas sa merkado. Limited time edition lang ito kaya marami ang naghinayang na hindi nakabili. Dalawang linggo lang simula nang mai-launch ang alahas ay kumita na agad ito ng hindi bababa sa anim na milyong piso. Paano’y mga dalisay na gems ang sangkap nito bukod pa sa maliliit na dyamante. Pagkatapos ng disenyo ay ipapasa naman niya ito sa tagagawa. Isa itong matandang lalaki na ngayon ay nasa Pilipinas. Ilang taon na rin silang magkatrabaho at masasabi niyang hindi matatawaran ang kakahanan nito. Itinuturing niyang isa ito sa mga iniingatan niyang diyamante sa kompanya. “Sent,” bulong niya at isinara na ang kanyang sss. Pipindutin na sana niya ang exit button nang aksidenteng mapindot ang biglang nag-pop up na advertisement. Napanguso tuloy siya. “May virus na yata ang laptop ko.” Handa na siyang balewalain ito ngunit napako ang atensyon niya sa pangalan ng ad. “Ano ‘to? String of Fate Dating Agency?” Dahil sa curiosity ay pinindot niya ang site.  Makailang beses siyang kumurap. May parte kasi sa isip niya na nagdidikta na halungkatin pa ito. Mayamaya’y lumabas ang isa pang site sa ilalim ng dating agency. Walang tinutukoy na pangalan ng kompanya kahit litrato. Ngunit napukaw ang atensyon niya sa sinasabi nitong serbisyo. “Husband for Hire?” o0o “Anong kalokohan ba ‘tong pinirmahan ko?” Napapahampas na lang sa armrest si Keith habang pinapakinggan ang nagaganap na auction sa stage. Hindi mga vintage na milyones ang halaga ang mga isinusubasta sa labas kundi mismong sila na mga husbando. Kung paano siya napunta sa sitwasyong ito ay hindi siya sigurado. Ang iniisip na lang niya ay kasama ito sa mga task na kailangan niyang pagdaanan bago ma-deploy sa kung sino mang kliyente. Ang buong akala niya’y ang dadaluhang Adonis Gala ay victory party ng mga nakapasang husbando. Iyong may disenteng program. Iyong may nakahandang speech ng pamunuan ng RnJ. Hindi niya naisip na sa event na ito ay pag-aagawan sila na parang lollipops. Gayunman, sang-ayon na rin siya dahil ayon sa Councils, isa itong charity event na sumusuporta sa mga tao ng RnJ sa gobyerno. Nilingon niya ang mga kasamang husbando. Habang unti-unti silang nauubos doon sa holding area ay lalong lumalakas ang kabog ng kanyang dibdib.  “Hi, my darlings!”  Lahat sila ay napalingon sa malambing na tinig. Ito’y walang iba kundi si La Diva na nakapulupot na parang ahas sa isang husbandong nagngangalang Jude. Naka-black suit ito at nagliliwanag ang kakisigan. Nakasuot naman si La Diva ng pulang evening gown. Sa sobrang baba ng neckline nito’y halos makita na ang kabuuan ng dibdib. Sa sobrang taas naman ng slit ay halos makita na ang singit. Ayaw nang isipin ni Keith kung may suot ito sa loob. Napailing na lang siya nang tumingin sa kanyang relo.  Mabuti na lang, may iba siyang kasama. Hindi niya ako kukulitin. Hindi na niya pinansin ang sumunod na sinabi ni La Diva. Kahit ang pag-walk out ng isang husbandong si Raven na dumating sa puntong habulin na ito ni La Diva. Bumaling lang ang atensyon niya sa flat screen nang tawagin ang husbandong si Pedro. Hindi siya makapaniwala na umabot hanggang eight million ang bid dito para sa isang araw na contract. Ilang sandali pa’y ang husbandong si Rico ay nai-bid naman sa halagang twelve million pesos, sunod si Jude sa halagang fifteen million. “Mabuti pa ang mga kliyente, handang maglabas ng ganoong kalaking pera para lamang makakuha ng panandaliang kasiyahan,” bulong niya at minasahe ang sentido.  “Mr. Kanye Gomez is next on the list!” Humigpit ang kapit ni Keith sa kanyang upuan. Tila gusto niyang paliparin ito at hangga’t maaari lumayo sa lugar na iyon. Ngunit huli na nang ilang saglit pa’y napagtanto niya’y nakatayo siya sa stage. Sa ibaba ay naroon ang mga kababaihan na nakasuot ng mga sexy at magagarang damit. Napakarami nila ngunit iisa ang reaksyon ng mukha-- nanlalaki ang mga mata sa pagkasabik. “Alright we’ll start at five million. Who’s going with five million?” “Eight million.” “Ten million!’ “Twelve million!” Tila may dumaan na anghel sa katahimikan matapos ang huling bid na iyon. Nakangiting tumuro sa audience si Council Xean. “Kanye for Twelve million. Wait, do I hear fourteen million?” Halos mamaos ito ngunit halata pa rin ang kasiglahan sa malambot na boses. Samantalang ang hiling na lang ni Keith ay matapos na ang gabing ito. At kung sino man ang huling mag-bid ay papatusin na rin niya. “Sixteen million!” “Do I hear seventeen million?” tanong ni Council Xean.  Walang tumugon. “Alright, Kanye Gomez for sixteen million!” Umangat ang mukha ni Keith sa babaeng huling nagtaas ng kanyang placard. Kahit nanliliit ang mga mata niya dahil sa liwanag ng spotlight ay naaaninag niya ang itsura nito. Biglang pinawisan siya ng malamig. Sadya ba talagang daraanan niya ang babaeng iyon bago siya ma-deploy?  “Buwisit, bakit si La Diva pa.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD