Kulang na lang ay itali si Keith ng kanyang ama, mapigilan lang siya sa balak na pagpunta sa New York. Ngunit heto siya, nakatayo sa tapat ng two-storey home sa isang exclusive village. Mataas ang sikat ng araw ngunit nanunuot pa rin sa makapal niyang jacket ang lamig, tila may invincible na mga niyebe ang nakakalat kung saan. Buo na ang kanyang loob bagaman hindi niya batid kung ano ang mangyayari matapos niyang makaharap si Irish. Wala rin siyang ideya kung ano ang mararamdaman kapag nakita ang dalaga. Isa ang sigurado niya, na magbabago ang kanyang buhay pagkatapos ng araw na ito. Ilang saglit pa at natagpuan niya ang sariling nagdo-doorbell sa main door. Mayamaya’y bumukas ito at inihayag ang pamilyar na babae. Yumuko si Keith. “Sugar.” Walang emosyon ang kanyang tinig. “Hindi na ak

