"Nang buksan ni La Diva ang pinto ng cottage, maingat na pumasok si Gabe, akay-akay si Keith. Inihiga niya sa kama ang lantang-gulay na binata. Nang umatras siya'y saka naman lumundag si La Diva na parang pusa sa tabi nito. "Iinom-inom, hindi naman pala kaya!" natatawang wika ni La Diva. Isa-isa niyang tinanggal sa pagkakabutones ang shirt ni Keith. Napakagat siya ng labi habang nahahayag sa kanyang mga mata ang matipunong dibdib ng binata hanggang sa pormado nitong tiyan. "Oh, Darling Kanye. Na-missed kita, sobra. When I was your client, busog ako lagi sa view ng katawan mo. I hope, pwede pang maulit 'yon." Naputol ang kanyang pantasya nang magpeke ng ubo si Gabe upang kunin ang kanyang pansin. “What?” Pinandilatan niya ang lalaki na nakapamulsa. “We should go. Bahala na ang asawa ni K

