Pinilit ni Keith na tingnan si Jude at pakinggan ito. “Ang babaeng iyon, lalandiin ako tapos bigla na lang akong ipinakilalang secretary niya nang makita niya ang crush niyang iyon. Wala na siyang bukang-bibig kundi ang crush niyang ’yon! Hindi na lang siya sana nag-hire ng husband kung ikukumpara lang naman niya ako sa crush niya! Do’n na lang sana siya sa crush niya.” Sa sabog niyang isipan ay ganoon na lang ang pagtataka. Hindi niya akalaing malalim din pala ang suliranin nito sa kliyente. Samantalang noong makasalubong niya ang mga ito doon sa beach, kulang na lang ay langgamin sa sobrang sweet sa isa’t isa. Muling nadama ni Keith ang pagbigat ng ulo. Pagmasdan man niya ang mga kasama, ang tingin niya sa mga ito’y mga ibang tao na. Kasabay ng panlalabo ng kanyang mga mata ang pagp

