Kabanata 21

2302 Words
“Six months,” bulong ni Irish. Silang dalawa lang sa opisina ngunit mas pinili niyang hinaan pa ang boses. “Sa loob ng anim na buwan, magpapanggap tayong mag-asawa. I suppose you have enough time to talk about our arrangement?” Tumango si Keith. “”Yan ang dahilan kaya ako nandito.”  “Alright then…” Mabining tumayo si Irish. Magkasalikop ang kanyang mga braso nang humarap siya sa picture frame nila ng kanyang ina. “Payag ka bang ipakilala na kita sa mommy ko bukas na bukas din?” “Walang problema.” Tumindig si Keith sa likod ni Irish. Nakasuksok ang mga kamay niya sa mga bulsa ng trousers dahil doon lamang pinakaligtas sa tukso. Kung hindi, baka yakapin niya ang nakaka-distract nitong katawan. Bakit mo ba kailangang gawin ito, Irish? Bakit kailangan mong mag-hire? Mabuti na lang at ako ang napili mo dahil hindi ako mapapakali kung iba ang napunta sa ‘yo. “Ikaw ang pumili ng meeting place. Pero wala namang problema kung sa bahay ninyo na lang.” “H-hindi. Hindi mo kailangang pumunta sa bahay namin.” Pumihit si Irish. Dahil sa hindi naman niya napansin na nasa likod niya si Keith, nasagi niya ito ngunit siya ang nabuwal sa kanyang heels.  Mabilis na nasalo ni Keith ang katawan ng dalaga. Mabuti na lamang at alerto ang mga reflexes niya. Sabagay ay sanay ito sa mabibigat na equipments sa gym. “Okay ka lang ba?” nag-aalala niyang tanong. Maingat niya itong itinayo ngunit nasa baywang pa rin nito ang kanyang mga kamay.  “Y-yes, I’m okay.” Tila napaso ang dalaga nang umatras siya. Yumuko siya upang takpan ang pamumula ng mukha. “Mabuti pa, umupo na lang tayo.” Bumalik siya sa sofa ngunit hindi pa rin makatingin nang diretso sa binata. Batid ni Keith na hindi pa siya nakikilala ni Irish. Gayunman, ramdam din niya ang paninibago nito sa kanya, bagay na ayaw niyang mangyari. Kung sumuong ang dalaga sa isang kontrata na hindi siya lubos na sigurado, baka pareho silang mahirapan.  Bumalik si Keith sa puwesto niya, kalmado ang dibdib at matayog ang postura. “Huwag kang mailang sa ‘kin, Irish. Handa naman akong makipag-cooperate sa gusto mong arrangement. Kung anuman ang dahilan ng pagpasok mo sa RnJ, hindi ko naman kukwestyunin. Ang mahalaga, magawa natin pareho ang napagkasunduan hanggang sa matapos nang maayos ang kontrata.” Umangat ang mukha ni Irish sa binata. Dama niya ang pagluwag ng dibdib. “I’m so happy I chose the right man. Thank you, ha. Pasensya na rin dahil medyo na-pressure ako. Tama ka. Ang dapat lang nating gawin ay sumunod sa kontrata para walang maging problema.” “Ganyan nga.” Umupo si Keith na tila nasa sariling tahanan. Inunat niya ang mga braso sa itaas ng backrest. Kulang na lang ay hawakan sa balikat ang dalaga. “Sige ganito. Sabihan mo lang ako kung saan kayo pupuntahan ng mommy mo. Kapag okay na tayo sa kanya, kukunin na kita at isasama sa bahay ko.” Nanlaki ang mga mata ni Irish. “Wait, w-we will live under one roof?” “Mag-asawa tayo, hindi ba? Huwag kang mag-alala, magkahiwalay naman ang mga kwarto natin. Pero kung sakaling dadalaw ang mommy mo, magpapanggap tayong natutulog sa iisang kwarto.” Lihim na napangiti si Keith sa huling tinuran. Batid niya ang komplikasyon ng kanyang plano. Ngunit isinantabi muna niya ito. “Ano sa tingin mo? May idadagdag ka pa ba?” “I agree with you.” Tipid na ngumiti si Irish. Unti-unti niyang nadarama na nababawasan na ang kanyang hiya sa kausap. Sabagay ay kailangan niyang maging kampante na sa binata. Kahit peke ang kanilang samahan, kailangan pa ring magkasundo sila na parang mag-business partners. “I think we just need to talk about the made up information about us. Katulad ng kung paano tayo nagkakilala… etcetera.” Nagkibit-balikat si Irish. “You know what I mean, right?” “Maaasahan mo ako diyan. Magaling naman akong mag-memorize,” ani Keith.  “Great. Okay, kukuha lang ako ng papel. I’ll jot down the details that we need to remember." “Sige lang.” Habang pinagmamasdan ni Keith na kumuha ng notebook si Irish sa drawer nito, hindi niya mapigilang alalahanin ang una nilang pagkikita. Kahit na takpan pa ito ng pekeng memorya, mananatili iyon sa isip niya. Martes ng gabi, buwan ng Mayo nang unang masilayan niya ang dalaga. Noong gabing iyon ay tila nakita niya ang pinakamagandang variety ng rosas. Sapat na ang tanawing iyon upang matulala siya nang ilang sandali.  “Um… Kanye, are you listening?” Kumurap si Keith nang bumalik siya galing sa paglalayag ng isipan. “Ano nga uli ‘yon?” “I’m asking about your favorite color, pastime, and food.” “Kailangan pa ba ‘yon?” “Of course. What if tanungin ako ni Mommy tapos nagkaroon ng conflict ang sagot natin? I’m sure magdududa siya. You don’t know her, Kanye.” Ibinigay niya ang notebook kay Keith kasama ng isang ballpen. “Just fill up.” Binasa ni Keith ang mga sinulat ni Irish. Bago punan ang mga tanong ay napangisi siya. “Kailangan ko pa bang sagutan ‘to? Pareho naman tayo ng mga paborito?” “What do you mean?” Ilang saglit lang at ibinalik ng binata ang notebook kay Irish. Agad naman niya itong binasa. “Favorite color is blue. Favorite food is… Chicken Alfredo? Favorite pastime is gym." Kumunot ang noo niya. “Seryoso ka?” Inilayo ni Keith ang notebook at tumabi sa dalaga. Bahala na ito sa kung anong gustong isipin. Basta gusto niyang akbayan nang sa gayon ay pumanatag ang loob nito sa kanya. “Sabi ko sa ‘yo, hindi na kailangan niyan. Compatible naman na tayo.” Ipinikit niya ang mga mata upang damahin ang sandaling iyon.  0o0 Alas-diyes pa lang nang lumabas si Keith sa opisina. Mabuti na lang at wala siyang naka-schedule na appointment at ocular inspection sa araw na iyon. Paperworks lang ang kanyang hinarap na natapos niya nang ilang oras lang. Kaya matapos magbilin sa assistant na si Oswald, dumiretso na siya sa restaurant na sinabi ni Irish. Samu’t sari ang kanyang nasa isip habang papunta roon. Paano niya itatago sa dalaga ang tunay na pagkatao? Kailangan pa ba niyang sabihin kung sino talaga siya? Maikukubli rin ba niya sa sariling mga magulang ang tungkol sa pinasok na gusot? Napailing na lamang siya nang makadama ng pagkirot ng ulo. “Bahala na. Sa ngayon, kailangan muna naming harapin ang mommy niya. Saka ko na iisipin ang tungkol kina Mama.” Halos isang oras ang lumipas nang mag-park si Keith sa harap ng Garden Parkway Restaurant. Nang tunguhin niya ang gusali ay kasa-kasama ng kanyang sistema ang magkahalong pananabik at pag-aalala. Kahit na pekeng-asawa ang pagpapakilala sa kanya’y pakiramdam niya’y totoo ang lahat. Sabagay, kung hindi sila nagkaroon ng problema sa unang pagtatagpo, kung natuloy ang kasunduan ng mga pamilya nila’y ganito rin naman ang gagawin niya. Haharap pa rin siya sa ina ni Irish upang hingin ito at isama.  Awtomatikong bumukas ang restaurant nang tumuloy siya sa entrance. Luminga-linga siya upang hanapin ang pinakamagandang babae roon at wala pang ilang segundo’y namatan na niya si Irish. Lutang ang kariktan nito sa suot na pulang bestida habang nakalugay ang mahabang buhok.  Napangiti siya nang kumaway ito. Nang humakbang siya’y pakiramdam niya’y sila na lamang dalawa ang naroon sa restaurant. Wala nang atrasan ‘to. Kahit kunwari lang, kailangan kong panindigan ang relasyon namin. “Hello, Irish.” Yumuko si Keith upang humalik sa pisngi ng dalaga, bagay na ikinagulat nito. Oo’t hindi nila napag-sapan ‘yon ngunit batid naman niyang hindi ito sasalungat.  “H-hi,” nahihiyang tugon ni Irish. Pinilit niyang ngumiti nang tumingin siya sa kanyang ina. “Um… Mommy, I’d like you to meet Kanye Gomez, my husband.” Nakatayo pa rin si Keith sa tabi ng upuan ni Irish nang ialok nito ang kamay niya. “Kumusta po, ma’am?” Makailang beses na kumurap si Ginang Luz, tila inaalisa ang kaharap. Mayamayang lumawak ang pagkakangiti niya nang tanggapin ang kamay ng binata. “Oh, my goodness, it’s you!” Hindi pa nasiyahan ang ginang at tumayo pa siya upang yakapin ang binata. “Keith Levi, it’s you! Akala mo hindi kita makikilala? Ilang beses kang naikwento sa akin ni Imelda kaya alam kong ikaw 'yan!" Tila tinakasan ng kulay ang mukha ni Irish nang masaksihan niyang yakapin ng kanyang ina si Keith. Lalo na nang pinaupo nito ang binata sa tabi niya saka masiglang tinawag ang waiter. Nang lumapit ang babaeng serbidora ay tumayo pa siya upang sabihin ang mga bilin. “Please provide us another table. Iyong magkakasya ang anim na tao, okay? Then wait… ito ang order namin…” Nakaukit pa rin ang matamis na ngiti sa mukha niya habang tinuturo ang mga pagkain sa menu book.  Matapos isulat ang order ay tumango ang waitress. “Right away, madam. Ipapahanda ko na rin po ang bago n’yong pwesto.” “Thank you,” ani Ginang Luz. Ilang sandali pa at kinuha niya ang cellphone sa bag at nag-text. “M-mommy?” Mabagal na lumingon si Irish sa naguguluhang si Keith at sa kanyang ina. “A-ano bang sinasabi mo? Nakakahiya naman kay Kanye.” Nag-angat ng mukha si Ginang Luz at salit-salitang tumingin kina Keith at Irish. Nagtataka man siya sa reaksyon ng dalawa, hindi niya napigilang matawa. “Oh, come on. Kayong dalawa, ha. Hindi ko alam na isu-surpresa ninyo ako!” Napapa-palakpak pa siya, hindi iniinda na pinagtitinginan ng ibang customers. “But you know what, I’m so so happy for the two of you! Hindi ninyo alam, sobrang saya ko at kayong dalawa ang nagkatuluyan.” Muli siyang yumuko sa phone. Sandaling natigilan nang binasa ang pumasok na mensahe. Mayamaya’y tumayo siya habang nasa kanyang tainga ang cellphone. “On the way na sina Horacio at Imelda kaya diyan muna kayo, okay? May tatawagan pa ako na makakasama natin.” “W-wait, mom!” Nais tumayo ni Irish ngunit mabilis na naglaho ang kanyang ina. Pansin niyang tila sumigla ang katawan nito nang ilang beses, gayunman hindi niya gusto ang mga nangyayari. Lumalim ang kanyang paghinga at bagaman air conditioned ang paligid ay tumatagaktak ang kanyang pawis. Nais din niya sanang matunaw na lamang dahil sa pagkapahiya sa kasama. Ni hindi siya makatingin dito. “I’m… I’m so sorry, Kanye. Hin… hindi ko ini-expect na-” “Ako ang dapat mag-sorry.” “W-what?” Marahan niyang nilingon ang katabi at napako sa isa’t isa ang kanilang mga mata. Bigla na lang nanindig ang kanyang mga balahibo nang ilang sandali pa’y pagmasdan niyang maigi ang mukha ng binata. Minsan na niyang nasilayan ang nangungusap at malalim nitong mga mata. Batid niyang noong muli itong masilayan doon sa hotel ay tila pamilyar ang itsura ngunit pinili niyang hindi pansinin.  Ngunit ngayon… Ngayong hinahaplos ng binata ang kanyang malamig na mukha ay unti-unting namumulat ang kamalayan niya sa pinasok na sitwasyon. “Ako ito. Si Keith.” Batid niyang labag sa kontrata ang sabihin ang totoong pagkatao. Ngunit upang maibsan ang pagkalito ng dalaga ay inihayag niya ang sarili. “N-no.” Inilayo ni Irish ang mga kamay ng binata sa kanya. Tumayo siya at pinahapyawan ng tingin ang binata mula ulo hanggang paa. “This is… this is so impossible. P-paano ‘to nangyari?” “Ang RnJ ang may gawa nito, Irish,” bulong niya ngunit sapat upang marinig ng dalaga. Mabagal na umiling si Irish. “T-this can’t be. H-hindi mo sa ‘kin pwedeng gawin ‘to, Keith!" “Huminahon ka nga muna. Pakinggan mo muna ako kung ano ang nangyayari.” Tumayo si Keith upang paupuin ang dalaga.  Dahil sa sobrang panghihina ay nagpaubaya na lang si Irish. Ang kanyang dibdib ay gusto nang sumabog, gayunman minabuti niya munang tumahimik. Nagsimula na ring manginig ang kanyang mga kamay sa mesa. Nahalata naman ito ni Keith kaya mahigpit siya nitong hinawakan. “Keith? Irish?” ”Mama.” Napapikit na lang si Keith nang mabosesan ang ina ngunit hindi pa rin niya binibitiwan ang nanlalamig na kamay ni Irish. Ang huling nanaisin niya’y kumaripas ito ng takbo upang takasan ang pinasok na gusot. “Akala ko nagbibiro lang si amiga. Totoo pala talaga.” Namamangha ang mukha ni Ginang Imelda nang umupo siya sa harap ng dalawa. Tumabi naman si Horacio sa asawa at nagtatakang pinagmasdan si Irish. “Kumusta ka na, hija. Teka, bakit parang balisa ka?” Pinilit ni Irish na ngumiti. Sasagot na sana siya nang pumatong sa kanyang balikat ang kamay ni Ginang Luz. “Settled na ang lahat!” Umupo ito sa bakanteng upuan katabi niya. Ngumuso si Irish. “Wait, what do you mean, Mommy?” “Father Jacinto is on his way now. Pinapunta ko siya rito para naman maikasal kayong muli!” masiglang pahayag ni Ginang Luz. “Huh?!” sabay na sagot nina Keith at Irish.  “Unfair naman kung nagpakasal kayo sa New York nang hindi kami saksi,” komento ni Ginang Imelda. Nanliit ang mga mata niya kay Keith. “Kaya pala noong mga nakaraang buwan, hindi ka namin halos mahagilap. Sumunod ka pala kay Irish.” Malakas na tinapik ni Horacio ang mesa. “At dahil diyan, sa ayaw at gusto ninyo, uulitin natin ang kasal ngayon din!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD