Kabanata 22

2221 Words
Hindi pa rin maisip ni Keith kung paano nangyari ang lahat nang ganoon kabilis. Kung batid lang sana niya na alam na ni Ginang Luz sa umpisa pa lang ang tungkol sa kanya, sana’y hindi muna siya nagpakita rito hanggang matapos ang kontrata. Gayunman, wala na silang magagawa kundi panoorin ang mga magulang na batiin ang isa’t isa. Sa kabilang banda, dahil sa paglalahad ng totoo niyang pagkatao’y nakalabag siya sa kontrata. Hindi niya makakalimutan ang consequence ng kontrata dahil paulit-ulit niya itong binabasa hanggang sa makabisado niya. Penalty charges. Cancellation of husband license and being excommunicated in RnJ and in any front businesses of RnJ. Lawsuit. Pull out of Ricardo’s (RnJ’s) investment to the husband’s business if applicable. Ang dami kong pinagdaanan dito. Hindi maaaring masayang ang lahat ng pinaghirapan ko. Pilit niyang nginingitian ang mga magulang at si Ginang Luz habang gumagapang ang tensyon sa kanyang sistema. Kailangan makagawa ako ng paraan. Hindi kami pwedeng maikasal ni Irish. Kung hindi, pareho kaming malalagot! “I’m… I’m feeling dizzy.” Natigil ang mga magulang nila sa masayang pagpa-plano at pumihit kay Irish. Namumutla ang dalaga habang sapo ang noo. Mayamaya’y napatakip pa ito ng bibig. “Oh, my… Okay lang ba si Irish?” tanong ni Ginang Imelda na napahawak pa sa kanyang dibdib.” Nanlaki naman ang mga mata ni Ginang Luz. “Anak. huwag mong sabihing magkakaapo na kami.” Lumingon si Irish sa ina. Maluha-luha siyang umiiling ngunit hindi makapagsalita. Nalipat sa kondisyon ni Irish ang atensyon ni Keith. Dumoble lalo ang kanyang pag-aalala. Bakit ba kasi sa tuwing nalalagay sa panganib ang kalagayan ng dalaga ay hindi na rin siya magkada-ugauga sa pag-aalala? Dahil dito’y tumayo siya at binuhat niya sa kanyang mga braso ang dalaga. “Dadalhin kita sa ospital,” bulong niya rito, saka lumingon sa mga magulang nila. “Ma, Pa, Tita Luz, sorry po pero huwag muna nating ituloy ang kasal ngayon. Kailangan ko munang masigurong maayos si Irish. Excuse lang po.” Patakbong tinahak niya ang main entrance ng restaurant. Ilang sandali pa’t gamit ang maximum speed ay tinahak niya ang C5. Nakatuon man sa highway ang paningin niya, hindi niya nakakaligtaan na i-check ang dalaga. Pasulyap-sulyap siya rito at maya't maya rin ang pagtatanong niya. “Ano nang pakiramdam mo, Irish,” ani Keith. Nang huminto sila dahil sa traffic, hinawakan niya ang pisngi ng dalaga. “Don’t touch me,” malamig na bulong ni Irish. “Just drive. Gusto ko nang umuwi sa bahay ko.” “Pero masama ang--” “Okay lang ako!” asik ng dalaga. Napahampas pa siya sa kanyang mga hita. “Wala akong sakit, okay? Ginawa ko lang ‘yon para hindi tayo ikasal!” Lumuwag ang dibdib ni Keith sa tinuran ng dalaga. Hindi dahil sa niligtas niya ang kalagayan nilang dalawa kundi dahil wala naman pala nasa panganib ang kalusugan nito. Humugot siya ng malalim na hangin at bumalik sa pagmamaneho. “Akala ko naman kung napano ka na. Sige, doon na muna tayo sa bahay n’yo. Pag-usapan na lang natin kung anong gagawin lalo na’t ang alam nila mag-asawa tayo.” “Pag-usapan mo mag-isa mo.” Kahit ubod nang hina ang pagngingitngit ni Irish ay nahagip pa rin ito ng pandinig ni Keith. “Anong ibig mong sabihin?” Pinanliitan ni Irish ng mga mata ang binata. “Ang gusto kong sabihin, solohin mo ang problema mo. Basta ako, gusto ko nang umuwi at magkulong sa kwarto ko hanggang sa ma-expire ang bisa ng pesteng kontrata na ‘yan!” Umakyat ang kulay sa mukha ni Keith. Bakit ganoon na lang ang galit ng dalaga sa kanya. Pakiramdam niya’y isa siyang kriminal na itinuturo nito sa salang hindi niya ginawa. “Alam mong imposible ang sinasabi mo. Parehas nating pinasok ‘to kaya hindi pwedeng basta mo na lang tatakbuhan.” “Ang alam ko, nag-hire ako ng tao galing sa RnJ. Wala sa isip ko na ma-involve sa ‘yo, Keith kaya huwag mong sabihing tinatakbuhan kita.” Padabog siyang bumulong-bulong habang nakatanaw sa bintana. Hindi na sumagot si Keith. Batid niyang walang patutunguhan kung magsasagutan lang sila. Gayunman, hindi niya hahayaang matapos ang araw na ito na hindi nila napag-uusapan ang sitwasyong kinasasadlakan. Kaya nang maihatid niya ito sa bahay ay sinundan niya agad hanggang sa loob. “Go away, Keith. Hindi mo ba ako narinig kanina? Sabi ko, ayoko nang ma-involve sa ‘yo. Kalimutan na lang natin lahat ng agreement.” Mabigat ang mga yabag ni Irish nang akyatin niya ang staircase. “Paano ang mommy mo? Irish, kailangan nating umisip agad ng gagawin. Kung hindi, parehas tayong masisira sa RnJ.” Nasa likod lang siya ng dalaga. Sa kakahabol dito’y dala-dalawang hakbang pa ang pag-akyat. “Ganito ka ba humarap sa problema mo? Para ka lang bata.” Nang nasa second floor na sila’y pumihit si Irish at sampal ang itinugon sa binata. “For the record, hindi ako parang bata kapag humaharap ako sa problema ko, Keith. Hindi ako lalago nang ganito kung totoo ang binibintang mo. Umalis ka na nga!” Kumaripas siya hanggang sa makaabot sa kanyang silid. Ngunit gaano man siya katulin ay ganoon din kaliksi si Keith. Dahil bago pa man niya mai-lock ang kwarto’y nasa loob na rin ang binata. Napaatras siya. “J-just go away!” Hindi natinag si Keith kahit na itinutulak na siya palabas ng pinto. Tila isa siyang malaking puno na nakatayo doon sa gitna ng kwarto na may malalim na ugat sa ilalim ng sahig. Ang totoo’y inaasahan talaga niyang ganito ang magiging reaksyon ng dalaga kapag nalaman na nito ang pagkatao niya. Ngunit katulad nga ng pagkakaalam niya’y biktima rin naman siya ng tadhana. “I knew it.” Itinuro ni Irish ang binata. Rinig niya ang pagpiyok sa kanyang tumataas na tinig. “You planned all of this, Keith. Dahil hindi natuloy ‘yong unang kasunduan ng parents natin, sinadya mo na lang na lumapit sa ‘kin. How could you! Hindi mo ba talaga ako titigilan?” “A-ano bang sinasabi mo?” Nanigas ang panga ni Keith sa tumataas na iritasyon. Gayunman, bakit kahit galit ang dalaga at hayagan siyang pinagbibintangan nito’y tila gusto na lang niyang halikan hanggang sa matahimik ito? Isang malaking hakbang lang ni Keith at halos magdikit na ang kanilang mga ilong. Tinitigan niya ang dalaga sa mga mata na tagos hanggang kaluluwa nito. “Baka nakakalimutan mo. Ikaw ang pumili sa akin. Nananahimik ang buhay ko hanggang sa makatanggap na lang ako ng abisong napili na ako. Wala akong option, Irish. Pero ikaw napakarami kaya huwag mo akong sisisihin kung hindi umayon sa ‘yo ang gusto mong mangyari!” Napalunok si irish. Oo’t naiinis pa rin siya. Ngunit ang pagtaas ng boses ng binata’y tumagos sa kanyang galit hanggang sa tumusok pa ito sa kanyang puso na parang icepick. Makailang beses niyang kinurap ang mga mata hanggang sa sunod-sunod na ang pagpatak ng kanyang mga luha. Tumalikod siya upang hindi na masaksihan ng kausap ang kanyang kahinaan. “F-fine. It’s all my fault.” Hinawakan ni Keith ang siko ng dalaga. “Huwag mong sabihin ‘yan, Irish. Hindi naman kita sinisisi. Wala namang may kasanalan nito.” “May aaminin ako sa ‘yo.” Pinatatag ni Irish ang boses ngunit hindi pa rin siya makatingin nang diretso. “Desidido kasi si Mommy na ipakasal tayo kaya nag-hire ako para tiglan na niya ako.” Ramdam niya ang muling panlalambot ng mga tuhod. Dahil sa panghihina, napaupo siya sa gilid ng kama habang tinatakpan ang mukha. “Hindi ko akalaing ‘yong taong iniiwasan ko, siya rin ‘yong pinili ko. Kasalanan ko kung bakit naiipit tayog dalawa sa isa’t isa.” Itinuturo man ni irish ang sarili ngunit si Keith ang mas nasasaktan. Pakiramdam niya’y pinipilipit ang dibdib niya sa inihayag ng dalaga. “H-hindi ko alam, ganoon ka pala kasigasig na iwasan ako.” Natawa siya sa sarili ngunit may halong pait ang ekspresyon ng kanyang mukha. “Hindi ko naman ipinipilit ang sarili ko sa ‘yo, hindi ba? Noong unang beses na pagkasunduin tayo. Nakita mo naman na ako na ang umiwas para hindi ka na magalit” “I wasn’t mad at you, Keith. I wasn’t just ready to settle down.” “Alam ko.”Napaupo si Keith at sumandal sa paanan ng kama. Hawak-hawak niya ang kanyang ulo. “Pero alam ko rin na kung may pipilian ka para mag-settle down, pareho nating alam na hindi ako ‘yon. Huwag kang mag-alala, naiintindihan naman kita. Kung ayaw mo naman talaga sa ‘kin, bakit ko ipagpipilitan ang sarili ko sa ‘yo?” Tila naalarma ang sistema ni Irish sa tinuran ng binata at ilang mga tanong ang biglang pumitik sa kanyang isipan. Ayaw ba talaga niya sa binatang ito? Kung ang bagong Keith ang nakilala niya noon, tatanggihan pa rin kaya niya ito? Hindi man niya isawika, aminado siyang apektado siya sa malaking pagbabago nito. Gayunman, lingid sa kaalaman ng binata, dati pa’y magaan na ang loob niya rito. Sino ba naman ang hindi madadala ang loob sa lalaking maalalahanin at ubod sa pagiging maginoo? Pakiramdam niya’y ligtas kapag kasama ito. “Siguro nga, tama ka.” “Huh?” Nakita na lang ni Irish na lumalakad si Keith palabas ng kwarto niya. Mabigat ang mga yabag nito na parang may hinihilang bakal. “W-wait. S-saan ka pupunta?” Nang hindi tumugon ang binata ay hindi siya nagdalaang-isip na habulin ito. Natigilan si Keith. Nang iyuko niya niya ang kanyang ulo ay nakita ang pares ng mga braso na mahigpit na nakayakap sa kanyang baywang. Hindi niya batid kung imahinasyon lang ba niya ito. Natauhan lang siya nang bumulong si Irish sa kanyang likuran. “Please don’t go. Okay, payag na akong pag-usapan natin ‘to. Just don’t leave me like this.” Sa hindi maipaliwanag na kadahilanan, lahat ng bigat ng kanyang dibdib ay natunaw sa isang iglap lang. Ganoon ba siya talaga kahina sa babaeng ito? Pinili niyang hindi muna gumalaw upang damahin pa ang init ng katawan ng dalaga sa kanya. Ngunit tila nakahalata ang dalaga kaya bumitiw ito. “I’m sorry,” bulong ni Irish at nagyuko ng mukha. “Ayoko na ngang marinig ang sorry na ‘yan.” Pumihit si Keith at inangat ng kamay niya ang mukha ng dalaga. Pinilit niya itong tumitig sa kanyang mga mata. “Tulungan na lang natin ang isa’t isa. Pangatawanan na lang muna natin ang pagiging mag-asawa hanggang sa mag-expire ang kontrata.” “S-sige. Then I’ll pretend that I didn’t discovered your real identity. Sa harap ng ibang tao, tatawagin pa rin kitang Kanye. And after the expiration, since ang alam nila kasal tayo, kakausapin natin sila na maghihiwalay tayo dahil hindi nag-work ang marriage natin?” “Parang gano’n na nga.” Hindi man maganda sa pandinig ni Keith, sumang-ayon na lang siya. “Eh, paano naman ngayon? Gusto nilang magkaroon tayo ng totoong kasal?” Tutugon na sana si Irish nang marinig niya ang pagkatok sa pinto. Nang buksan niya ito’y bumungad ang kanilang katulong. Ipinaalam nitong nasa sala ang kanyang ina pati na ang mga De Asis. “Sige manang. Pakisabi kay Mommy na bababa na kami,” aniya at isinara ang pinto. Bakas ang pag-aalala niya nang lingunin si Keith. “Okay lang ba, ako na ang magsasalita sa kanila.? Tipid na ngumiti si Keith. “Ayos lang sa ‘kin. Alam ko rin naman ang sasabihin mo sa kanila.” Ilang saglit pa at natagpuan nila ang sariling nakatayo sa harapan ng mga magulang. Bakas ang pag-aalala sa mga mukha ng mga ito. “M-mommy, Keith and I have decided to postpone the wedding.” Hinawakan niya ang kamay ng binata. “Napag-usapan kasi namin na magfo-focus muna sa business. Don’t worry, we’re still into the ceremony. Pero since kasal naman kami sa civil, bubukod na kami ng bahay.” Nagpalitan ng nalilitong mga tingin ang kanilang mga magulang. Mayamaya’y tumayo si Ginang Luz at niyakap silang dalawa. “Okay. Kung ‘yan ang desisyon ninyo.” “Thank you Mommy. Napaka-understanding mo talaga,” bulong ni Irish habang tinatapok ang likod ng ina. “Huwag po kayong mag-alala. Aalagaan ko pong mabuti ang anak ninyo, Tita Luz.” Nagpapahid pa ng mga luha nang ngumiti si Ginang Luz kay Keith. “Ano ka ba naman, hijo. Starting now, you are going to call me mom?” Hinawakan naman sa balikat ang anak. “And Irish, you will call them Mama and Papa. Dapat sanayin n’yo ‘yan, understand?” Sabay na tumango ang dalawa. “One more thing,” sabat ni Ginang Imelda. “Bilis-bilisan n’yo na rin ang pagbibigay sa amin ng mga apo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD