Ilang araw din na hindi siya nagpunta ng BSC. Kinukulit na nga siya ni Toni kung saan lupalop na siya naroroon. Pero kailangan niya ngayon pumunta ng BSC,kailangan niya pirmahan ang sasahurin ng mga empleyado niya para bukas. Pagkarating niya ng opisina agad na pinirmahan niya ang dapat pirmahan nang mapansin niya ang picture frame na nakataob. Nalaman ng dalaga ang tungkol dun dahil hindi siya naging maingat. Nakaligtaan niya itago ang frame sa drawer niya. Gayunpaman,siguro ayos na din na nabuking siya ng dalaga. Doon rin naman sila hahantong na sa huli ay magkakabukingan din. Muli niya pinagpatuloy ang pagpirma ng may kumatok at agad na nabuhay ang lahat sa kanya. It's Darlene. Bigla nagpanik ang lahat sa kanya pero pilit niya kumalma ng sumungaw na roon ang dalaga. "Darlene.."

