Gusto niya matawa sa pinaggagawa niya pero iyun lang ang paraan kahit na ba boss niya ito. Ito lang ang magpapagaan muli sa pakiramdam niya ang makaganti sa binata. Nakangisi na pinapanuod niya ito sa isang tabi. Pawisan na ito at napapapikit ng mariin sa bawat pagbitaw ng mga bata sa palaso at natutuwa naman siya dahiL mahuhusay ang mga ito. Hindi ka ba kinakabahan sa pinaggagawa mo? Boss mo pa rin siya! Ang sama mo! sita ng inner self niya. Tss..bakit siya ba kinabahan sa pinaggagawa niya pagstalk at pagpasok sa unit ko ng wala pasabi?! sagot niya sa kanya isip. Pumalakpak siya ng tumira ang huling trainer niya. "Goodjob,guys! See! achievement yun,let's say thank you for our guest!" Agad naman tumalima ang mga bata at nagsilapitan ang mga ito sa binata na alanganin na nakangiti sa

