CHAPTER 38

1516 Words

Katulad kaninang meryenda, sina Lolo Ramon at Lola Nida ang sinabayan ko sa pagkain. Gusto ko kasi na habang kasama ko sila’y ako ang mag-asikaso sa kanila, lalo na kay Lola Nida. Ako ang nagpakain sa kanya at pagkatapos ay pinunasan ko ng basang bimpo ang mukha, leeg, braso at binti niya para mapreskohan siya bago matulog mamaya. Pinalitan ko rin siya ng damit at sinuklay ko ang buhok niya na bahagyang nagulo dahil sa pagkakahiga niya kanina. Na-miss kong gawin ito sa kanya. Habang ginagawa ko nga ito’y nakatitig lang si Lola Nida sa akin at nang matapos ako’y pinasalamatan niya ‘ko kahit hirap siyang magsalita. “Lola, sabi po sa ‘kin ni Lucas, ikukuha niya raw po kayo ng personal na physical therapist para mas mapabilis daw po ang paggaling n’yo at para makalakad at makakilos na po kayo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD