Pagbalik ni Sandra, umiiyak na siya at kay Josa siya unang lumapit. Hindi ko marinig ‘yung usapan nila dahil nangingibabaw ‘yung tugtog na nanggagaling sa speaker na gamit ng mga nagpra-practice na dancers, na sinabayan pa ng dalagita na kasama ni Maricar na wala pa ring tigil sa pag-iyak. Mayamaya’y kinausap naman ni Josa si Mamita kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na kausapin si Sandra. Iniwan ko muna sina Vanilla at Mocha at nilapitan ko ang umiiyak pa rin na si Sandra.
“Sandra, ano’ng problema? Nakita kasi kitang umiiyak pagbalik mo. Ano’ng pinag-usapan n’yo ni Josa?”
Namumugto ang mga mata niyang tumingin sa akin. “Tinawagan ko ‘yung kapatid ko na nagbabantay sa anak ko. Hindi raw maganda ang lagay ng bunso ko. Nag-seizure daw kanina, kaya sinabi ng doktor na kailangan na raw maoperahan ang anak ko. May naipon na naman ako pera, pero hindi pa rin sapat ‘yon. Kailangan ko pa ng one hundred thousand pesos para maibigay ko ‘yung paunang bayad sa ospital para sa operasyon niya. Wala na ‘kong magawa. Sabi ko hanggang pagsasayaw lang ang gagawin ko pero ngayon pati pagbebenta sa sarili ko’y gagawin ko na, mailigtas lang ang anak ko. Wala na ‘kong ibang alam na paraan. Kapit na ‘ko sa patalim, Lorelei. Natatakot akong mawala sa ‘kin ‘yung anak ko. Mahal na mahal ko ‘yung anak ko,” sabi niya at pagkatapos ay bumuhos na naman ang kanyang mga luha.
Bakas sa boses niya ang hinagpis ng kanyang kalooban nang dahil sa nangyayari. Alam ko ‘yung hirap na nararanasan niya ngayon dahil napagdaanan ko rin ito nang nasa ospital pa si Lola Nida. Mahirap ‘yung pinoproblema mo na ‘yung pera tapos natatakot ka pa na baka bukas kunin na sa ‘yo ‘yung taong importante sa ‘yo.
Hindi ko napigilan ang sarili ko na damayan siya sa kanyang pag-iyak. Nasa pareho kami ng sitwasyon. Pareho kaming biktima ng kapalaran at pareho kaming dalawa na walang magawa. Napayakap na lang kami sa isa’t isa at sabay na umiyak.
Nang matapos mag-usap sina Mamita at Josa, may tinawagan sa cellphone si Mamita at lumapit naman sa ‘min si Josa. “Diyos ko, ano ba ‘tong napuntahan ko? Lamay ba ‘to? May namatay na ba? Nasa ospital pa ‘di ba?” nakataas ang isang kilay na sabi ni Josa. Ang sarap busalan ng bibig niya. Kung magsalita’y akala mo simpleng bagay lang ‘yung pinagdaraanan ni Sandra. “Hoy, Sandra. Walang pilitan ‘to, ha? Ikaw ang lumapit. Ikaw ang nagsabi na gusto mo ng mas malaking kita.” Tumango lang si Sandra. “Tuloy pa rin ba? Sigurado ka na talaga? Kasi kausap na ni Mamita si Boss para bigyan ka ng kliyente na malaki magbayad.” Tumango lang uli si Sandra habang umiiyak pa rin. “Huwag puro tango, Sandra. Gusto kong marinig ang sagot mula sa bibig mo.”
Nagpunas ng luha sa pisngi si Sandra habang tumatango. “Tuloy. Wala nang atrasan ‘to. Para sa bunso ko, lahat gagawin ko.” Tiningnan ako ni Sandra at tinapik ang ibabaw ng hita ko at saka niya ‘ko nginitian kahit luhaan pa ang mga mata niya. “Salamat sa pagdamay at good luck sa ‘yo mamaya. Ingat ka at sana magkita pa tayo uli,” sabi niya sa ‘kin bago siya tumayo.
Nagpunas uli si Sadra ng luha at sinuklay niya ang kanyang buhok gamit ang kanyang mga daliri, bago siya naglakad papunta sa bakal na sabitan ng mga damit at costume. Mula ro’n ay kumuha siya ng isang dress. Kulay pula ito, maigsi, manipis ang tirante at napakaliit. Hindi ko alam kung paano ‘yon magkakasya sa kanya. Pumasok siya sa banyo, habang ako naman ay nanatili lang sa kinauupuan ko. Wala naman akong magawa para sa kanya, tulad ng kawalan rin niya ng solusyon para sa ‘kin.
Nang lumabas ng banyo si Sandra, ayos na ang nasira niyang make-up kanina at suot na niya ‘yung dress na sobrang hapit sa katawan niya. Mababa ang harapang parte ng dress niya kaya parang lalabas na ang kanyang dibdib, at ‘yung laylayan nito’y nasa gitna ng kanyang hita kaya konting kilos lang niya’y umaangat agad ito.
Nakasunod lang ang mga mata ko sa kanya hanggang sa lumapit siya kay Mamita. Wala na akong mabakas na emosyon sa mukha ni Sandra nang sabay silang lumabas ng kwarto ni Mamita. Kung may takot at lungkot man siyang nararamdaman, siguro’y ibinaon na niya ‘yon sa pinakakailaliman ng kanyang pagkatao. Sana kaya ko rin ‘yong gawon dahil kasalukuyang ‘di ko maintindihan ang nararamdaman ko. Halo-halo na. Para na ‘kong masusuka, kaya tumayo na lang ako at lumapit na uli kina Vanilla at Mocha na pinag-uusapan ‘yung mga gagawin nila sa performance mamaya.
Pagbalik ni Mamita, hindi na niya kasama si Sandra. “Malapit na matapos ‘yung unang pa-auction. Pagkatapos no’n kayo na. Galingan n’yo, ha?! Ayusin n’yong mga make-up n’yo at i-perfect n’yo ‘yung mga galaw n’yo!” malakas na sabi ni Mamita, habang pinapaypayan ang sarili gamit ang hawak niyang pamaypay.
“Opo, Mamita!” sabay-sabay na sabi naman ng mga babaeng dancers, kasama na rin sina Vanilla at Mocha.
“Unang pa-auction? Maliban sa mga babae, may iba pa ba silang ibinibenta rito?” tanong ko kina Vanilla.
“Mga nakaw na alahas, art pieces, at lahat ng mga bagay na malaki ang halaga pero hindi pwedeng ibenta sa legal na paraan, binebenta nila rito. May mga babae’t lalaki rin na nagbebenta ng katawan, tulad ni Sandra,” sagot ni Vanilla.
“Sana hindi ako umabot sa gano’ng punto. Maaga akong lumandi kaya maaga akong nabuntis, pero hindi ko kaya na may gumalaw sa ‘kin na hindi ko gusto,” sabi ni Mocha na parang diring-diri at kinilabutan pa. Napansin ko naman ang pasimpleng pagsiko ni Vanilla sa kanya. Napatingin siya kay Vanilla at pagkatapos ay napatingin siya sa ‘kin. “Sorry,” bigla niyang sabi kasunod ng pagkagat niya sa ibabang parte ng labi niya at pagtampal sa bibig niya.
Alam ko kung bakit siya siniko ni Vanilla at kung bakit siya nag-sorry. Pare-pareho naman kasi naming alam na do’n ang bagsak ko, dahil mula nang umapak ako sa lugar na ‘to ay nawalan na ako ng karapatan sa sarili kong buhay at sa sarili kong katawan. Mamaya nga’y kailangan ko pang sumayaw at kailangan kong hayaan na hawakan nina Vanilla at Mocha ang katawan ko kahit na ayaw ko.
Napayuko na lang ako at saka umupo. Sina Vanilla at Mocha naman ay naupo sa magkabilang gilid ko at nag-retouch ng make-up nila. Habang tahimik ako’y napatingin ako sa dalagitang kasama ni Maricar, na bahagya lang humina ang pag-iyak pero wala pa ring tigil. Kanina pa ‘ko awang-awa sa kanya pero hindi ko naman siya magawang lapitan dahil hindi ko rin naman alam kung ano’ng dapat kong sabihin. Hindi ko naman mapapagaan ang nararamdaman niya at hindi ko naman mapapalakas ang loob niya dahil pareho lang kami ng sitwasyon. Takot na takot din ako tulad niya.
“Bakit pala siya hindi pinag-practice ng sayaw?” tanong ko kina Vanilla habang nakatingin ako sa dalagitang umiiyak.
“Ah, siya? May nakakuha na kasi,” sagot ni Mocha na padampi-damping nagpapahid ng face powder sa pisngi niya.
“Ha? Sino? Paano? May bumili na sa kanya?”
“Wala. Regalo kasi siya para sa poon,” sagot naman ni Vanilla na naglalagay ng lipstick sa labi.
“Regalo? Poon?” nagtataka kong tanong. “Bakit? May ritwal ba silang ginagawa rito?”
“Hindi. Walang ritwal, pero poon kasi ‘yung biruang tawag namin ni Vanilla sa mga protektor nitong negosyo na ‘to. ‘Yung kukuha d’yan sa bagets, mahilig daw sa bata at virgin ‘yon. Siguro kung virgin ka pa, baka ikaw ang binigay bilang regalo. Mas maganda ka do’n kay bagets, pero syempre mas sariwa pa rin siya kasi mas bata.” ‘Yung poon na tinatawag nila, iyon siguro ‘yung sinasabi ni Sandra kanina na protektor na politiko. Nakakagigil sa galit at nakakapandiri. Isang menor de edad na naman ang magiging biktima ng lalaking ‘yon. Kung walang mga tulad niya na pumoprotekta sa mga ganitong klaseng iligal na gawain, walang mga biktima na tulad namin.
Mayamaya’y may pumasok na dalawang lalaking bantay. Ang titikas ng tindig nila at ang seryoso ng mga mukha. Alam kong may dala silang baril. Hindi ko lang makita dahil natatago ito sa ilalim ng suot nilang jacket.
“Kukunin n’yo na ba ‘tong bata?” tanong ni Mamita na parang panindang gamit lang ang tinutukoy niya. Ang tibay talaga ng sikmura niya. Hindi man lang makonsensya na napakabata pa nitong ibinubugaw nila.
“Pinapakuha na po ni Boss,” sagot ng isa sa mga lalaki.
“Sandali lang at paaayusan ko lang muna. Hindi na mukhang sariwa kakaatungal!” inis na sabi ni Mamita. Ang lakas ng loob niyang magreklamo samantalang hindi naman iiyak ng gano’n ‘yung dalagita kung hindi dahil sa kagagawan nila. “Maricar, ayusan mo ‘yan!” pasigaw na utos ni Mamita na mabilis namang sinunod ni Maricar kahit na nahihirapan sa kasamang dalagita.
Habang naghihintay ‘yung dalawang bantay, panay naman ang pa-cute nina Olive at Betty sa mga ito. Nakita ko pa ngang inayos ni Olive ‘yung suot niyang pang-itaas para mas lalong lumuwa ‘yung dibdib niya. Habang ito namang si Betty ay hinila pataas ang skirt na halos makita na ‘yung singit.
“Hi, boys,” malanding sabi ni Betty habang hinihimas sa braso ‘yung isa sa mga lalaki. “Kapag wala na ‘kong booking mamaya, pwede tayong magkita sa baba. Sa parking area, sa utility room or sa CR. Mamili na lang kayo kung saan. Sanay naman ako sa mainit at saka masikip. Kayo rin naman ‘di ba? Gusto n’yo ‘yung mainit, masikip, at saka madulas,” sabi ni Betty sabay hagikgik ng tawa.
“Para sa inyo, libre na ‘yung unang putok, pero ‘yung kasunod syempre may bayad na. Libre na rin pala ‘yung subo,” sabi naman ni Olive sabay kindat at hawak sa harapan ng pantalon ng dalawang lalaki na parehong walang imik.
“Kadiri talaga ‘tong sina Olive at Betty. Kairita,” narinig kong bulong ni Mocha.
“Naintindihan mo na ba, Lorelei, kung bakit ayaw namin na sila ang makasama mo mamaya? Makapal ang mukha ng dalawang ‘yan,” sabi naman ni Vanilla.
“Hoy! Kayong dalawang higad d’yan! Tigil-tigilan n’yo ‘yang dalawang pogi na ‘yan! Alam n’yo namang bawal dito ‘yan! Ang kati-kati n’yong dalawa! Hindi na kayo nagsawa kahit lagi namang napapasukan!” sita ni Josa kina Betty at Olive. “Landi kayo nang landi, kahit hindi naman kayo pinapansin! Alis! Umalis kayo d’yan!” sigaw pa ni Josa. Lumayo naman sina Betty at Olive doon sa dalawang lalaki, pero bago umalis ay pumisil muna sa braso at humawak sa abs.
“Bawal ang landian dito, dahil bawal ang distraction. Gusto ng amo rito na focus sa trabaho ‘yung mga bantay niya, para walang makakatakas. Gano’n kahigpit dito. Kaya kung magtatangka kang tumakas, pagkatapos na lang ng auction. Kapag nakaalis ka na rito sa hotel,” pabulong na sabi sa akin ni Mocha.
“May nabalitaan ba kayo na nakatakas pagkaalis dito sa auction o kaya gumanda man lang ang buhay?” pabulong ko namang tanong.
“Sa totoo lang, wala akong balita,” sagot ni Vanilla na pinangalawahan ni Mocha. “Pagkatapos kasi ng trabaho namin dito, gusto ko na lang kalimutan lahat ng mga nasasaksihan ko rito. Syempre, babae rin ako. Naaawa ako sa mga biktima tulad n’yo kasi wala kayong choice tulad namin,” dagdag pa niya.
“Huwag po! Ayoko po!” sabay-sabay kaming napatingin sa dalagitang bitbit na ng dalawang lalaki sa magkabilang braso.
Bigla akong napatayo sa kinauupuan ko. Gusto ko siyang tulungan, pero hindi ko naman magawang ihakbang ang mga paa ko. Mayamaya’y naramdaman ko nang may humawak sa palapulsuhan ko. Napalingon ako at nakita ko, na si Mocha pala ang nakahawak sa akin. Kumunot ang kanyang noo at saka siya umiling, na para bang sinasabi na kung ano man ‘yung binabalak kong gawin ay kalimutan ko na, dahil ikakapahamak ko lang, at wala naman talaga akong magagawa.
Nanghina ang mga tuhod ko at napaupo na lang ako uli, lalo na nang makita ko ‘yung baril na nasa tagiliran ng isa sa mga lalaki. Wala akong laban do’n. Napatunayan ko na ‘yon kanina. At gustuhin ko man na kunin ‘yon ay hindi ko naman kaya.
Nakakapanghina ‘yung iyak noong dalagitan kaya napatakip na lang ako ng tainga habang inilalabas siya ng kwarto. Iniwas ko na rin ‘yung tingin ko nang makita ko na kinakaladkad na siya dahil ayaw na niyang maglakad.
“Huwag n’yong gasgasan!” sigaw ni Mamita kaya napatingin na naman ako sa kanila. Dahil sa sinabi ni Mamita, binuhat na ng isa sa mga lalaki ‘yung dalagita at ipinatong sa balikat. Para bang isang sako lang ng bigas ito kung bitbitin. Parang produkto talaga na ibinibenta.
“Hoy! Napatunganga na kayong lahat d’yan!” puna ni Josa sa ‘ming lahat. “May five minutes na lang kayo para mag-ready!”
“Opo, Mama Josa!” sagot nilang lahat maliban sa akin.
Parang gusto ko pang pahabin ‘yung five minutes na ‘yon. Kapag sumayaw na kasi sila at natapos, ako na ang kasunod. Nakatitig lang ako sa wall clock habang lahat sila’y abala. ‘Yung tunog na lang ata ng bawat paggalaw ng pinakamaliit na kamay ng orasan ang naririnig ko. Gusto kong patigilin ‘yung oras o kaya’y paikutin pabalik ang mga kamay ng orasan. Kung pwede lang bumalik sa oras na nandoon pa ako sa tenement at kasama ko pa sina Lola Nida at Lolo Ramon. Sana hindi ko na lang nakilala si Rita. Sana hindi na lang ako sumama. Sana wala ako rito.
Nang lumipas na ‘yung limang minuto, parang nanuyo na ‘yung lalamunan ko. Lalo na nang isa-isa na silang lumabas ng pintuan papunta sa backstage. Ako na lang ang naiwan sa loob ng kwarto kasama si Mamita.
Ang likot ng mga mata ko at palinga-linga ang ulo ko dahil hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Dinig ko ang malakas na tugtog sa labas ng kwarto. Sumasayaw na sila. Kung pwede lang sana na huwag na iyong matapos.
Hindi na talaga ako mapakali at napatayo na ako, kaya matalim naman akong tiningnan ni Mamita. “Kung binabalak mo na namang tumakas, ipapaalala ko lang sa ‘yo na may bantay sa labas. Wala kang ligtas.”
Nanginginig akong naupo na lang uli habang parang lumulutang ‘yung isip ko. Pinagpapawisan din nang malamig ang mga palad ko. Tiningnan ko ang mga kamay ko at hindi ko mapigilan ang panginginig nito. Ganito siguro ‘yung pakiramdam ng mga preso na nasa death row tapos oras na ng sentensya nila. Parang sinentensyahan na rin kasi ang buhay ko nang dalhin ako ni Rita dito.
Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko nang biglang bumukas ‘yung pintuan papunta sa backstage at pumasok sina Vanilla, Mocha at Josa. Nakatitig lang ako sa kanila habang pinagmamadali ni Josa na magpalit ng costume ‘yung dalawa.
Mayamaya’y may pumasok na dalawang lalaking bantay at narinig ko na lang nang utusan sila ni Mamita na dalhin ako sa backstage. Nang lumapit sa akin ‘yung dalawang lalaki at tumayo sa harapan ko, doon na muling tumulo ang mga luha ko.
“Ayoko po,” halos pabulong na pagmamakaawa ko na alam kong hindi nakarating sa mga tainga nila dahil hinawakan na nila ako sa magkabilang braso.