Humiwalay ako sa pagkakayakap ni Lucas sa akin. “S-sir, pupunta po muna ‘ko sa kwarto ko. Mag-aayos po ako ng gamit,” paalam ko sa kanya, habang nangingilid na ang mga luha ko. Tumayo ako pero hindi man lang niya ako inawat. Hanggang sa makalabas ako ng kwarto niya’y wala siyang sinabi, na para bang ‘di niya narinig ‘yung ginawa kong pag-amin ng nararamdaman ko para sa kanya. Paglabas ko ng kwarto niya at nang maisarado ko na ‘yung pintuan ay saka tumulo ang mga luha ko. Habang pabalik ako sa kwarto ko’y siya namang dating rin ni Pinky na may dala na mga nakatuping kobre kama, kumot at punda ng unan. “Lorelei, umiiyak ka ba?” tanong niya habang nakasunod ang tingin niya sa ‘kin hanggang sa makapasok ako ng kwarto ko. Naupo ako sa kama at nagpunas ng luha ko. Inilapag naman ni Pinky ‘yung

