Puro mga kulay puti na mga bulaklak ang pinili ni Madel. May roses, lilies at carnations. Si Oliver mismo ang nag-arrange nito para amin. Nilagay niya ito sa basket, kasama ng iba’t ibang mga dahon at iba pang maliliit na puting bulaklak kaya mas lalo itong gumanda. “Okay na ba sa ‘yo ‘to, Madel?” tanong ko. “Opo. Salamat po, ate.” “I’m glad you liked it,” nakangiting sabi ni Oliver. “Salamat din po, kuya,” sagot ni Madel at nakita ko ang matipid na ngiti sa kanyang mga labi. Unang beses ko itong makita. Kahit saglit lang ay natuwa pa rin ako dahil alam kong hindi madali ang mawalan ng kapatid at magulang nang sabay. Nang magkasakit nga lang at maospital si Lola Nida ay hindi ko na malaman ang gagawin, paano pa kaya itong si Madel na namatayan ng dalawa? Pagkatapos kong magbayad ay bi

