Kinabukasan, nakabihis na ako ng uniform para pumasok ng school nang makita ko si Lucas at ang babae niya na sabay na nag-aagahan. Mag-aagahan sana ako pero bigla akong nawalan ng gana nang dahil sa kanilang dalawa. Dapat pala’y mas maaga akong bumangon para hindi ko sila nakasabay o kaya’y nagpadala na lang sana ako ng pagkain kay Pinky sa kwarto ko at kumain na lang ako mag-isa. “Lorelei, kakain ka ba?” tanong ni Pinky na halata ang pagkailang sa mukha. Pati si Aling Milagros ay napansin kong pasulyap-sulyap sa akin, habang si Mang Paeng naman ay pasimpleng sinisiko ang asawa. “Hin—“ Ang sasabihin ko dapat ay hindi na ako kakain, pero biglang nagsalita si Lucas kaya napatigil ako. “Sit down,” utos niya sa akin. “She’s the girl last night ‘di ba? Ang bata pa pala niya,” sabi ng babae

