CHAPTER 52

1704 Words

“Lucas, male-late na ‘ko sa klase ko,” nangingiti kong sabi pagkatapos ko siyang pigilan na halikan pa ako. Nasa loob kami ngayon ng kotse niya habang nakaparada ito sa parking lot nitong school ko. Maaga kaming nakarating kaya hindi muna ako bumaba ng kotse para makasama ko pa siya. Sa kanya walang problema kahit ma-late siya, pero sa ‘kin kasi meron. Isang beses na ‘kong nasita ng teacher nang ma-late ako noong umiyak ako sa CR nang dahil sa kanya, at ayoko nang maulit pa ‘yon. “Kailangan kong magbaon ng marami halik galing sa ‘yo, para hindi kita ma-miss habang nasa trabaho ako,” sabi niya habang nakahawak sa baywang ko at akmang hahalik na naman sa labi ko. “Mapapagalitan ako ng teacher ko nang dahil sa ‘yo,” nakangiti ko pa ring sabi habang hawak ko siya sa mukha para hindi niya ‘ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD