“Saan pa ba manggagaling ‘to, eh ‘di sa flower shop,” pilosopong sagot ko sa tanong ni Lucas. “I know sa flower shop pero kanino galing?” Mukhang nagseselos na naman siya. Gusto kong mangiti pero pinigilan ko lang. Sige lang Lucas, mabaliw ka kakaisip kung kanino galing ‘to. “Kay Kuya Oliver po,” inosenteng sagot ni Madel pagpasok niya sa kusina. “Ate Alma, pwede pong humingi ng kutsinta?” tanong naman niya pagkatapos niyang lagpasan si Lucas na mukhang uusok na ang ilong nang malaman na lalaki ang nagbigay sa ‘kin nitong bulaklak. “Oliver? Sinong Oliver?” “Yung may-ari po ng flower shop.” Si Madel na naman ang sumagot sa tanong ni Lucas, habang paupo siya sa mataas na upuan na nasa tabi ng kitchen island. “Thank you po, Ate Alma,” sabi pa niya nang ilapag na ni Alma sa harapan niya ‘y

