“What the fck! Sino ka? ‘Tsaka wala ka bang pambili? Softdrinks lang inaagaw mo pa,” mayabang na sabi ni Ethan kay Lucas. “I’m Lorelei’s boyfriend, and no, may pera akong pambili. Sa dami nga kaya kong bumili nang marami nito. And alam mo ba kung ano’ng gagawin ko? I’ll pour all of it inside a drum, submerge you inside it ‘till you drown,” kalmadong sabi ni Lucas pero kinilabutan ako sa takot, dahil para bang kaya niyang gawin ‘yung sinabi niya kay Ethan. “Boyfriend mo?” tanong sa ‘kin ni Ethan habang nakaturo kay Lucas. “O tatay mo?” dugtong niya na sinundan pa niya ng tawa. “What a very childish response. Insultuhin mo na lang ako kapag nakaabot ka na sa edad ko at nalagpasan mo lahat ng achievements ko.” “Sino ka ba? Ang yabang mo, pumapatol ka naman sa mas bata sa ‘yo. High school

