Napakunot ang noo ko at napatingin ako kay Lucas. Seryoso ba siya sa gusto niyang ipagawa sa akin? “Dapa?” tanong ko habang kunot pa rin ang aking noo. “Yeah. Here,” sagot niya at tinapik pa niyang muli ang ibabaw ng kanyang hita. Naalala ko ‘yung mga binasa kong article online nang i-search ko ‘yung mga salitang blindfold and handcuffs, na sinabi sa akin ni Dianne bilang mga clues tungkol kay Lucas. Nabasa ko rito na isa ang sp@nking sa mga gustong gawin ng mga tao na gumagawa ng s3xual fetish na katulad ng kay Lucas. Balak ba niya ‘kong paluin sa pw3t kaya gusto niya ‘kong padapain sa kandungan niya, bilang parusa dahil nagkita kami ni Ethan kanina? Sinisimulan na ba niyang ipakita sa ‘kin kung sino ‘yung totoong siya? Aalamin ba niya kung kakayanin ko? O baka naman galit lang talaga

