I MADE the right decision. Iyon ang paulit-ulit na sinasabi ni Luisita sa kanyang sarili pagkatapos siyang ihatid ni Eduardo sa opisina. Tapos na ang lunch break kaya bumalik na siya sa trabaho, ganoon din ito. Sinundo siya nito kanina sa trabaho at sabay silang kumain sa isang restaurant. Sinagot na niya ito. Boyfriend na niya si Eduardo Castañeda. Tama lang na tapusin na niya ang paghihirap nito. Ilang buwan na rin itong nanliligaw sa kanya. Napatunayan na nito na siya lang ang babae sa buhay nito. Ni hindi na ito tumitingin sa iba. Mahal niya ito, walang duda roon. Walang dahilan upang patagalin pa niya ang lahat. Wala na siyang hahanapin pa sa isang lalaki. Bukod sa guwapo, ito na marahil ang pinakamabait at pinakamalambing na lalaki sa buong mundo. He was also honest. Wala itong it

