PAGSAPIT ng uwian ay nadatnan ni Luisita si Cecilio sa lobby ng firm. Hindi agad siya nito nakita kaya bahagya siyang nagkubli sa isang halaman. Alam niyang pababa na rin si Liza. Gusto niyang malaman kung naroon ang kaibigan niya upang suyuin ang girlfriend nito. Hindi rin siya nagtagal sa pagtatago niya. Hindi pinansin ni Cecilio si Liza kahit na dumaan ang huli sa harap nito. Kahit na nasa malayo, malinaw pa rin niyang nababasa ang galit sa mukha ni Liza. Ngalingaling patayin niya si Cecilio nang mga sandaling iyon. Paglapit niya rito ay hinampas agad niya ito ng bag niya. “Hindi ko maintindihan kung bakit ganyan ka sa mga babae!” naiinis na sabi niya. Inagaw nito ang bag niya at itinapon iyon sa basurahan na malapit doon. Muntik na siyang mapatili sa inis niya rito. Kahit na nagkaka

