18

1537 Words

UNANG inihatid ni Eduardo si Luisita sa bahay. Nasa backseat si Cecilio at wala nang malay. Naparami ang inom nito.  Nag-aalalang napatingin si Luisita rito. Ayaw pa niya itong iwan. Mas gusto sana niya na siya ang mag-asikaso rito. Iyon ang unang pagkakataon na nagpakalasing ito nang ganoon. Kahit na nais niyang sumama muna kay Eduardo sa paghatid kay Cecilio upang masigurong magiging maayos ito, mas pinili niyang huwag na lang. Sigurado namang hindi ito pababayaan ng ina nito. Hindi siya kailangan nito. Ni hindi nito nais na hawakan niya ito. “Ako na ang bahala sa kanya. Don’t worry,” ani Eduardo sa kanya. “He’ll be fine. He’ll get over it.” “Nagi-guilty ako. Inaway ko pa siya kanina. In-assume ko kaagad na siya ang may kasalanan, na siya ang nanakit kay Liza. Hindi ko naisip na baka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD