Chapter 1# The Revenge
Chapter 1
Vanny
" His here! " basa ko sa message na pinadala ng kaibigan kong si Rizza. Nasa bar ito kasama ang boyfriend niyang half canadian at half pinoy. Halos liparin ko na ang kahabaan ng express way, makarating lang sa lokasyon nito.Laking pasalamat ko nalang at wala ng gaanong traffic.
Me: im on my way
reply ko sa mensahe nito, nang pansamantala akong huminto sa pagdrive dahil sa traffic lights.
Rizza:Bilisan mo bakla, kanina pa nagiinit ang mga palad ko.
Naiiling nalamang ako habang ibinababa ang celphone ko sa dashboard ng sasakyan. Hindi ko na sinagot pa ang mensahe niya dahil malapit na rin naman ako. Isang liko pa sa kanto ang ginawa ko at nakarating ko na ang kinaroroonan nitong bar.Hindi ko na inayos ang pagpark ng kotse ko at agad na akong bumaba at nagmamadaling pumasok sa loob. Pagod ako, dahil kakatapos lang ng photo shoot ko sa tagaytay. Ngunit ang pagod ko ay biglang nawala nang matanggap ko ang message ni Rizza. That she saw my f*****g boyfriend with his ex sa bar na kinaroroonan nila.Kaya agad akong dumiretso sa lugar na sinabi nito. Nakita ko ang paninitig ng mga taong nakakasalubong ko, marahil ay nakilala nila ako.Ibat ibang reaksiyon ang mababakas sa mga mukha nila. Puno ng paghanga and ofcourse their usual reaction, pagnanasa..
Naaah!.. Im tired and sick, sa mga taong katulad nila, mga manyak! They all think' that im really easy to give in? Yes!, I admit na liberated ako manamit, magsalita at kumilos. But hell! my hymen is still intact noh! sigaw ng utak ko. Sabi nga sa kasabihan, na dont judge the book by its cover. Ngunit sa klase ng mundo na ginagalawan ko ngayon ay naglipana ang mga ganyang klaseng tao. Mapagbantay sa kilos ng iba at mapanghusga na akala mo'y mga perpekto, na walang kadumi dumi sa katawan. Sorry sila, hindi ako yong tao na makikipagsabayan sa ugali nila. If they dont like me, then I dont like them either. Hindi ko ipinipilit ang sarili ko sa mga taong hindi ko naman kalevel. Sigaw ng utak ko, habang taas noo'ng naglakad papasok ng bar. Sa bungad palang ay agad ko nang natanaw ang pwesto ni Rizza. Pasimple nitong itinuro ang kinaroroonan ng dalawa. Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo ko sa katawan, papunta sa aking ulo. s**t!mura ng utak ko
Hindi ito ang unang beses na nahuli ko silang dalawa, ilang beses na ba? hindi ko na mabilang.. Ako lang itong si tanga na paulit ulit parin siyang pinapatawad.
Pero hanggang kailan ba?nakakasawa na! nakakapagod na!
I dont deserved to be treat like this. Hindi ko kailangan ng isang lalaking hindi kayang makuntento sa kung anong kaya kong ibigay. Inilang hakbang ko lang ang pagitan namin. Dahil pareho silang abala sa isat isa ay hindi nila namalayan ang paglapit ko.Mga walang hiya talagang hindi talaga nahiyang makipag mol in public, knowing na pareho rin silang sikat. Hindi manlang sila aware na may makakita sa kanila and worse makuhanan sila ng picture or video. Mga makakapal talaga ang mukha! Mabilis kong nahila ang mahabang buhok ni Mia. Siniguro ko na mahigpit ang pagkakapit nito na kamay ko na ipinulupot ko pa sa palad ko. Buong lakas kong hinila ang buhok nito, na naging dahilan para magkahiwalay ang katawan nila. Dahil pareho silang hindi aware sa ginawa ko ay hindi agad sila nakakilos sa kabilaan.
"Aaahh..Get off hair!" Sigaw nito habang pilit inaalis ang kamay ko sa buhok nito. Ngunit mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakahawak dito kaya lalo itong sumigaw. Wala itong magawa dahil mas matangkad ako sa kanya. Maliit lang itong babae at hanggang balikat ko lang ang taas nito.Ang lakas ng loob na kalabanin ako!ani ng utak ko. Pinihit ko ito paharap sa akin, at ganon nalang ang panlalaki ng mata nito nang makilala ako. "V-Vanessa.." Namumutla nitong bangit sa pangalan ko.
"H-hey! Vanny stop that!" saway naman ng walang hiyang boyfriend ko nang makabawi na sa kabiglaan. Akma sana siyang lalapit sa amin nang maagap na humarang sa daan nito ang boyfriend ni Rizza.
"Nice one honey!" narinig ko pang sigaw ni Rizza sa nobyo. Kaya bahagya akong lumingon sa gawi nila. Malaki ang katawan ng boyfriend nito ikumpara kay Allen kaya nakita ko ang pagkatigil nito. Natanaw ko rin ang dalawang babae na nagmamadali ring lumapit sa amin, na agad ring hinarangan ni Rizza. Nakapamewang pa itong humarap sa dalawa. "Subukan ninyong humakbang pa ng isa nang maranasan ng mga mukha nyo ang maging panlinis sa sahig. " Banta nito. Napapailing nalamang ako. Knowing Rizza siya ang pinakawar freak sa aming magkakaibigan. During our college days ay ito ang nagsisilbing taga pagtanggol namin. Palibhasa maaga itong naulila sa magulang at tanging tiyahin lang ang nakasama nito sa buhay. Kaya natuto itong maging matatag at ipagtanggol ang sarili. Madiskarte ito sa buhay at halos lahat yata ng raket ay gorabels ito basta marangal, kaya Rizza raketera ang bansag namin sa kanya. Walang kimi at arte sa katawan, maingay at napaka trannsparent na tao. Well, sa ilang taon ko siyang nakasama sa iisang bahay ay halos naadopt ko narin ang ugali nito. At isa na doon ang matutong lumaban kung kinakailangan.
"Go! bakla sentinsiyahan na yan!" narinig kong sigaw pa nito. Tsaka ko naman binalingan si Mia, na ngayon ay mas lalong namutla ang pagmumukha. Ang lalakas ng loob na gumawa ng kalokohan behind my back pero parang mga pinainom naman ng isang galong suka kapag nahuhuli. Mga bwesiiit! Ani ko sa isip.
"V-Vanny, Im sorry.." Sambit nito na kinalaki naman ng mata ko at lalong nagpainit ng ulo ko. "Sorry? wow! Wala ng effect sakin ang mga salitang yan dahil kagaya lang ng katawan mo na nilaspag na ng boyfriend ko, ay gamit na gamit na yan! kaya sorry your face!" sigaw ko dito. Binitawan ko ang buhok niya, sabay pakawala ng magkabilaang sampal sa mukha nito.
Bumagsak ito sa sahig na nauna ang mukha.
"Vanny!" narinig kong sigaw ni Allen, nang akma kong lalapitan ulit si Mia. Ngunit nagmistulan lang akong bingi, wala akong pakialam kung makaagaw man ako ng atensiyon. Pahablot kong hinawakan ang buhok nito at iniaangat ang ulo niya. Napadaing naman ito sa sakit, bakas sa mukha nito ang sakit at may dugo pa sa mga labi nito. Hindi ko alam kung gawa ng pagkakasampal ko o pagkakasubsob nito sa semento. Sorry??? walang space ang awa sa akin ngayon. Im not safisfied yet!kung baga sa charge ng phone ay 30 percent palang ang nagagamit ko and I want to consumed my hundred percent. Ngayong gabi ay gusto kong ubusin ang natitirang energy ko sa katawan, bago ko tuldukan ang katangahan.Sisiguraduhin ko na hindi nila makakalimutan ang gabing ito. Isang mabigat na sampal ang muling ipinadapo ko sa mukha nito, hanggang sa nagsunod sunod na hindi ko na mapigilan pa. Ngunit isang matigas na kamay ang pumigil sa mga braso ko sabay bulong ni Rizza sa aking tenga. "Tama na bakla,baka sa kulungan na ang bagsak mo niyan. "Saway nito.
Tsaka lang ako natauhan at bumalik ang katinuan.
"s**t!"mura ko nang makita ang ayos ni Mia. Wala na itong malay at puro dugo na ang mukha nito. Wala sa sarili akong napatayo at bahagyang lumayo dito. Agad naman itong dinaluhan ng mga tao at mabilis na binuhat para isugod sa ospital. Napasabunot nalang ako sa sariling buhok at nagaalalang bumaling kay Rizza. "I-is she still a-alive?"tanong ko rito. "Tsk!dont worry buhay pa yon,masamang damo yon kaya mahaba ang buhay nun." Sagot naman nito. Napabuntong hininga nalamang ako.
Shit! I need a fresh air! sigaw ng utak ko. Kaya patakbo akong lumabas ng bar, hindi ko na pinansin ang pagtawag ni Rizza. I need to get out in this situation for a while, tsaka ko na ito haharapin. Wala sa sarili akong naglakad, hindi ko rin alam kung saan ako pupunta. Nagsimula naring mag unahan ang mga luha ko sa mata. Ito ang emosyon na kanina ko pa pinipigilan, dahil ayoko makita ng lahat ang kahinaan ko. But this time
I let my self cry like a baby. Inilabas ko lahat ng emosyon na nasa dibdib ko, pinakawalan ang sakit.Wala sa sarili akong napaupo sa gilid ng kalsada habang sapo ng mga palad ang mukha at patuloy parin sa pagiyak. I dont care kung may makakita man sa akin sa ganitong ayos ko, wala naman silang iniambag sa buhay ko para intindihin ko ang mga say nila noh! Ngunit natigilan ako nang may isang magarang kotse ang tumigil sa aking harapan. A sports car, Mayaman! sigaw ng utak ko.Agad umangat ang mukha ko dito.
Bumukas ang itaas na parte ng sasakyan nito at tumambad sa paningin ko ang gwapong mukha ng driver.
"hop in!" baritong turan nito.
Shit ang gwapo! sigaw ng utak ko.