Chapter 4

1994 Words
I opened the shower and let the cold water flow on my naked body. I remembered all what happened last night. That was the most hottest night in my life. I can still feel his warm touch, his kiss, his bit, and his warm body against mine. Bigla akong nanlamig. Hindi dahil sa lamig ng tubig kundi sa katotohanang kailangan kong harapin. Ang katotohanang posibleng wala lang kay Markuz ang nangyari sa amin. Alam ko naman na palagi na niyang ginagawa ito. He's a man after all. A man looking for someone to fulfill his own satisfaction. Someone he can use just to fulfill his manly needs. I took a deep breath to calm myself. I tried to think something possitive. Matapos maligo ay kaagad na akong nagbihis at dumeretso sa kusina para magluto ng umagahan. Linggo naman at walang pasok. Habang nagluluto ako ng bacon bigla na lang akong nakaramdam ng mga brasong pumulupot sa bewang ko. Nanigas ako sa aking kinatatayuan dahil sa ginawa niya. Natigil din ako sa pagbabaliktad ng bacon sa kawali. Naramdaman kong ipinatong niya ang baba niya sa kaliwang balikat ko. Bukod pa roo'y naramdaman ko rin na mas humigpit pa ang yakap niya sa akin. Nakakaramdam ako ng kiliti sa tuwing tatama ang mainit niyang hininga sa aking leeg. Para akong tangang napatingin sa kawalan. Ang akala ko ngayong umaga ay aalis siya at basta na lang akong iiwan. Iiwan na parang wala lang sa kaniya ang nangyari sa amin kagabi. Pero heto siya't yakap-yakap ako. Pinatay ko ang kalan at dahan-dahang pumihit paharap sa kaniya. Dumistansya ako ng bahagya nang muntik nang maglapat ang mga labi namin. Napaiwas ako ng tingin. Naiilang ako sa tuwing maaalala ko ang mga nangyari kagabi. Tila ba nilamon ako ng aking sistema dahil sa mga ginawa niya sa akin. Nakakahiya mang aminin pero nawala ako sa aking sarili. Kinabig niya ako palapit sa kaniya at niyakap. Nabigla pa ako sa ginawa niya. Pakiramdam ko ay panaginip lang ang lahat ng ito. "Thank you. Salamat sa kagabi. That was the most memorable night in my life." Nakaramdam ako ng saya dahil sa mga sinabi niya. Hindi ko inakalang sasabihin niya iyon. May ngiti sa labi ko siyang niyakap pabalik. Masaya na ako na nasa tabi ko pa rin siya magpahanggang ngayon. Nang kumawala kami sa yakap namin ay pinagtulungan naming ihain sa lamesa ang mga niluto ko. Sinangag, omelette, bacon, at tocino. I feel the feeling of being a housewife. Naupo siya sa pinakadulo ng lamesa at ako naman ay naupo malapit sa kaniya. Natigil ako sa paglalagay ng kanin at ulam sa kutsara nang biglang may kutsarang may lamang pagkain na tumapat sa may bibig ko. Napatingin ako sa may hawak niyon. I saw Markuz with a smile on his face. Kunot noo ko siyang tinignan. Sinusubuan ba niya ako? "Aren't you going to open your mouth, babe?" I'm shocked because of what he said. He called me babe. Napansin kong parang nangangalay na siya kaya sinubo ko na lang din ang pagkaing nasa kutsara. Bahagya akong nakayuko habang nginunguya ang pagkain. Hindi ako makatingin ng derecho sa kaniya. Nahihiya kasi ako. "Babe? Bakit ano mo ba ako?" "Asawa ko." Mabilis niyang sagot. Ang sarap pakinggan. "Asawa nga ba?" Mahina kong turan. Sana totoo lahat ng pinapakita niya. Babaero siya kaya alam kong madali lang para sa kaniya ang magpakilig ng babae. "You know what I thought before that you have an ugly body. But I didn't expect that you have a beautiful figure that can attract men. But I realized last night that you are much beautiful and hot when you are naked." Nabulunan ako dahil sa mga sinabi niya. Ang bastos ng bunganga! Dali-dali naman siyang nagsalin ng tubig sa baso at iniabot sa akin. Nakahinga ako nang maluwag nang makainom ako. Nakita ko ang pag-aalala sa mukha niya. "Do you really need to say that?" Inis kong tanong. Sensitibo ang mga bagay na iyon at hindi dapat pinag-uusapan lalo na kapag nasa hapag-kainan. "I'm just telling the truth." "Kahit na. Nakakadiri kaya." Mahina kong sambit pero hindi ko naman inasahan na maririnig niya. "Nadiri ka pa sa lagay na iyon? You moaned and screamed my name like--" Agad kong tinakpan ang bibig niya. "Tumigil ka nga. Huwag na nating pag-usapan 'yan." Narinig ko pa ang pagtawa niya pero hindi ko na siya pinansin pa. "Where are you going?" he asked in a cold tone. Papalabas pa lang ako ng pinto nang makasalubong ko siya. Pawisan siya't halatang katatapos lang mag-jogging. "Sa grocery lang. May bibilhin lang ako." "Sasamahan na kita." "Huh? Are you serious?" Sa isang taong nagsasama kami never niya akong sinamahan mag-grocerry. Nakakapanibago yata. "Will you please stop asking? Sasamahan kita. Just wait for me here. I'll just change my clothes." Pumasok na siya ng tuluyan at umakyat sa taas. Ako naman ay bumalik sa loob at naupo sa sofa. Hihintayin ko na lang din siya. Isa pa, gusto ko rin naman siyang makasama. Tipid pamasahe na rin. Ang hirap pa naman kumuha ng taxi ngayon. "Tayo na." Napapitlag ako nang marinig ko ang boses niya. "T-Tayo na?" Wala sa sarili kong tanong. "Oo. Noon pa." "Ang ibig kong sabihin kung pwede na ba tayong umalis?" Inalok niya ang kamay sa akin at naiilang naman akong hinawakan iyon. Pinagsaklob niya ang aming mga palad at sabay kaming naglakad palabas ng condo ng magkahawak ang kamay. This is the first time that we do holding hands. I can feel his warm big hand. We looked like a real couple. No, we are not just look like a couple. Because we are a real couple. We're married after all. Napangiti ako nang pagbuksan niya ako ng pinto ng kotse. May pagkamaginoo rin naman pala ang lalakeng ito kahit paano. Pakiramdam ko tuloy espesiyal ako. Pumasok ako sa loob ganoon din naman siya. Pagdating namin sa grocery ay namili kami ng mga dapat bilhin. Siya ang nagtutulak ng cart at ako naman ang dumadampot ng mga kailangang bilhin. Paubos na kasi ang mga stocks na pagkain sa bahay. Narinig ko pa ang bulungan ng ilang babae. Panay ang pa-cute nila sa asawa ko. Alam na rin pala ng buong unibersidad ang tungkol sa amin. At magpahanggang ngayon ay isyu pa rin iyon. Mga tao nga naman hindi nila problema pero pinuproblema nila. Mga walang magawa sa buhay. WEEKS had passed. Sa mga araw na nagdaan naging maganda ang pakikitungo sa akin ni Markuz. Bukod sa hindi na niya ako binubully ay naging sweet at maalaga rin siya. Itinrato niya ako na parang prinsesa. Ipinagluluto niya ako kahit na hindi siya marunong. Nakita ko naman ang effort niya. Ang sweet diba? Ang saya-saya ko nitong mga nagdaang araw. Ni minsan hindi sumagi sa isip ko na gagawin niya ang mga bagay na ito. Kaya naman ito't pinagluto ko siya ng pananghalian. Nasa opisina siya ngayon ng dad niya dahil may inaayos siyang mga papeles. Natural lamang na gawin niya iyon dahil siya ang nag-iisang magmamana ng kompanya nila pagdating ng araw. Labit-labit ko ngayon ang paper bag na may lamang tupperware na naglalaman ng pagkaing niluto ko. Nasa harap na ako ngayon ng isang malaking gusali. Ang Hernandez Corporation. Pumasok ako't ipinagtanong ang opisina ni Markuz. Kahit asawa na niya ako, ngayon pa lang din ako nakapunta rito. Nginitian ko pa ang mga taong nakakasalubong ko. Masaya lang talaga ako ngayong araw na ito. Nang makapasok ako sa elevator ay pinindot ko ang button na papunta sa palapag kung nasaan ang opisina ni Markuz. Ilang silid ang nalampasan ko bago ko narating ang opisina niya. Huminga muna ako ng malalim bago ko pinihit ang seradura. Habang mas lumalaki ang bukas ng pinto ay para namang papel ang aking puso na tila unti-unting pinipilas. Naramdaman ko na lang ang mainit na likidong dumadaloy sa mukha ko. I saw Markuz sitting on the swivel chair with a naked woman straddling on his lap. Hindi nila alintana ang pagdating ko kaya naman tuloy-tuloy lang sila sa kanilang ginagawa. Markuz is kissing the neck of the girl while his hands are busy caressing the woman's bare breast and naked body. I also heard their moans. Tanda na gusto nila ang ginagawa nila. Pakiramdam ko'y may kutsilyong sumasaksak sa dibdib ko. Sobrang sakit! Nabitawan ko na ang labit kong paper bag, dahilan upang matigil sila at mapalingon sa akin. "C-Christine?" Gulat na tanong ni Markuz. Bago pa man siya makatayo sa kinauupuan niya ay tumakbo na ako palabas. Nahagip pa ng mata ko ang pagtulak niya sa babaeng nakakandong sa kaniya. Alam kong hinahabol niya ako kaya mas binilisan ko ang pagtakbo. Dali-dali kong binuksan ang elevator. Bago pa man siya makapasok ay sumara na ang pinto. Nagtatakbo ako palabas ng gusali hanggang sa makarating ako sa labas kung saan nakaparada ang kotse ko. Natigil ako nang may kamay na humablot sa aking braso. "Please let me explain." Pagsusumamo niya. Nag-init naman ang ulo ko dahil sa kaniyang sinabi. Let me explain? Ang kapal ng mukha niya para sabihin iyan. Pagpihit ko paharap ay agad ko siyang ginawaran ng malakas na sampal. "Let me explain? Tss, line nga naman ng mga manloloko." "Inaamin ko nagkamali ako. Nadala lang naman ako. Lalake lang ako." Pagdadahilan niya. Sa inis ko'y pinaghahampas ko ang dibdib niya. Hinayaan niya lang naman akong gawin iyon. "Lalake ka lang? Will you please stop giving me a lame reasons of yours? Ano 'yon dahil lalake ka normal lang na madala ka at makipaglandian na? Tangina namang rason mo 'yan oh!" "Sorry." "Sorry saan? Para sa paulit-ulit mong pananakit sa akin? Akala ko pa naman nagbago ka na. Umasa ako na mahal mo na ako. Pero umaasa lang pala ako. Sa tingin ko, mas mabuting maghiwalay na lang tayo. Ikaw na rin naman ang may sabi noon diba? Na kapag ipinilit natin ang mga bagay na hindi pwede, pareho lang tayong masasaktan sa huli. Kaya habang maaga pa tapusin na natin kung anong mayroon tayo." Pakiramdam ko'y dinudurog ang puso ko dahil sa mga sinabi ko. Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. Noon okay lang sa akin ang mga ginagawa niya. Pero ngayong nasabi na niyang mahal niya ako, masakit para sa akin na makita ang pagtataksil niya. "Ayoko. Hindi ako makikipaghiwalay sa'yo. Mahal kita at hindi ko kayang mawala ka." Pagsusumamo niya. "Mahal? Markuz, wala kang alam sa pagmamahal!" Sigaw ko sa kaniya. "Magmula ngayon huwag na huwag mo na akong kakausapin. Layuan mo na ako. Tama na ang mga pasakit na idinulot mo sa akin." Iniwan ko siya roon at sumakay na ako sa kotse ko at pinatakbo iyon. Kahit gaano katatag ang isang tao, darating sa punto na mapapagod din ito. Minsan sa buhay may mga taong sadyang kailangang kalimutan. Masakit man ngunit kailangan. Upang hindi ka tuluyang umasa at masaktan sa taong alam mong hindi ka kayang pahalagahan. -Markuz's POV- Pinanuod ko lang ang kotse ni Christine na papalayo. Gusto kong tumakbo at habulan siya pero ayaw kumilos ng mga paa ko. Naramdaman ko na lang ang luhang dumadaloy sa mukha ko. Agad ko naman itong pinahid.Pakiramdam ko'y may sakit na gumuhit sa puso ko She want me to avoid her? Hindi ko yata kaya iyon. Pag-uwi ko sa condo nakapatay ang mga ilaw. Binuksan ko ito't nagliwanag ang paligid. Mas bumigat ang nararamdaman ko nang wala akong Christine na nakita. Nakakabingi ang katahimikan. Hindi ako sana'y ng ganito. Mahigit isang taon akong tumira rito ng may kasamang Christine. Para akong nanghihina. Nanghihina sa sakit. Pinagsusuntok ko ang pader dahilan para dumugo ang aking kamao. Hindi pa ako nakuntento at iwinaras ko ang lahat ng gamit. Nang mapagod ako'y napalupagi ako sa sahig. Wala na ang babaeng mahal ko. Iniwan na niya ako. At ako pa mismo ang dahilan ng kusa niyang paglayo. —Azureriel
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD