-Markuz's POV- Nakahiga pa rin ako sa hospital bed. Nagbabasa-basa lang ako ng libro upang maibsan ang pagkainip. Napalinga ako sa pintuan nang bumukas iyon. At iniluwa ang aking nurse. Nakasuot siya ng puting uniporme ng nurse. Ang swerte ko na si Christine ang Nurse na naassign na mag-alaga sa akin. Tahimik siyang lumapit sa akin at chineck ang kalagayan ko. Hindi siya umiimik habang ginagawa niya ang trabaho niya. Isang linggo na ako dito sa hospital. At isang linggo na rin siyang malamig sa akin. Samantalang noong una naman ang bait niya sa akin. Akala ko nga magkakaayos na kami. It was started when Mitch visited me. Hindi ko alam kung may kinalaman iyon sa ikinikilos niya ngayon. Naguguluhan ako. "Si Yohan kumusta s'ya?" Pagbasag ko sa katahimikan. "Nasa school siya ngayon." Ma

