-Christine's POV- Narinig ko ang tunog ng paparating na ambulansya. Kasalukuyan akong nakaduty ngayon dito sa hospital. Patakbo naming sinalubong ang ambulansya upang rumescue. Binuksan ng isang nurse na lalake ang pinto ng ambulansya. Nagtulong-tulong naman kaming ilabas ang pasyenteng nakahiga sa stretcher. Natutop ko bigla ang aking bibig nang makita ko ang kanyang mukha. "Markuz." Nasambit ko sa isip ko. Tumulo ang mga luha ko. Takot ang tanging nararamdaman ko sa mga oras na ito. Takot na baka mawala siya. Hindi ako nakakilos agad. Natutuliro ako. Gulong-gulo ako. "Hyrene... Hoy! Hyrene." Nagising ako sa reyalidad nang may tumapik sa balikat ko. "B-Bakit?" "Bakit tulala ka? Saka anong iniiyak mo d'yan? Para namang ka lang nakakita ng naaksidenteng pasyente." "Huh?" Wala s

