-Christine's POV- Dala-dala ko pa rin ang bigat dito sa aking dibdib. Huminto ang taxing sinasakyan ko sa harapan ng bahay ni Daisy na tinutuluyan ko. Wala sa sarili akong naglakad palapit sa pinto. Humugot ako ng malalim na hinga upang kalmahin ang aking sarili. Binuksan ko ang pinto at tuluyang pumasok sa loob. Naglakad ako paakyat sa itaas. Tinungo ko ang kuwarto ng aking anak. Nadatnan ko siyang mahimbing na natutulog habang yakap ang kotse-kotsehan na bili sa kanya ng Ama niya. Naglakad ako palapit sa aking anak. Naupo ako sa gilid ng kama at pinagmasdan siya. Naaalala ko sa kanya ang kanyang ama. Hinaplos ko ang malambot na buhok ng natutulog kong anak. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya na wala na kami ng ama niya. He wants to have a happy family. Pamilyang hindi k

