-Markuz's POV- Nagising ako nang maramdaman kong may humihimas sa aking dibdib at humahalik sa aking leeg. Hindi ko makita ang kanyang mukha. "Christine?" Tumunghay siya at hindi maipinta ang kanyang mukhang ako'y tinitigan. "It's Mitch. Not Christine! Huwag na huwag mo ngang babanggitin ang pangalan ng babaeng iyon." Iritado niyang sambit. Naupo ako sa kama. Umupo rin siya habang hawak ang kumot na nakabalot sa kanyang hubad na katawan. "She's my wife. Natural lang na hanapin ko siya." "Pero iniwan ka na niya. Ako naman iyong nandito eh. Bakit hindi na lang ako ang pagtuunan mo ng pansin?" "Si Christine ang asawa ko at siya lang din ang mamahalin ko." "Wow ha. Ang sakit mo magsalita. Mahal mo siya? Eh ikaw mahal ka ba niya?" Mapang-insulto niyang tanong. Tila nagdilim ang aking

