I'm here in the bedroom with my son Yohan. Nasa kusina pa si Christine at nagtitimpla ng gatas ni Yohan. Tamang-tama ito para makausap at makasama ang aking anak ng solo. Nakaupo kami sa kama at si Yohan naman ay hawak ang remote control ng bagong radio control car na pinaaandar niya sa sahig. "Broom! Broom!" Sambit ng anak ko na halatang nalilibang sa paglalaro. "Yohan, iyong Third ba na iyon ang bumili niyan?" "Yes po." sagot niya habang nakatuon ang atensyon sa kotse-kotsehan. "Saan kayo galing kanina?" "Mall." "Ahh... iyong Third ba pinupormahan ang Mommy mo?" Pagkakataon na ito para magtanong. I just want to make things clear. I have a lot of questions. Tanong na maaaring ang anak ko ang makasagot. Sabi nga hindi raw nagsisinungaling ang bata. "I don't understand you. What do

