Pasado ala-una na nang makabalik kami ng Manila. Habang nasa kotse kami'y nadaanan namin ang Mall. Agad nag-aya si Yohan na pumasok doon. Hindi na sana ako papayag pero kumontra si Markuz. Pinagbigyan ang munting kahilingan ng kaniyang anak. Nasa loob na kami ng Mall ngayon. Naglalaro si Yohan sa mga rides binabantayan naman siya ng ama niya. Hinayaan ko na lang na makapagbonding ang sila. Nakatayo ako sa may glassdoor nang makita ko si Third na dumaan. Agad akong lumabas ng departamentong iyon upang lapitan siya. "Third!" Pagtawag ko. Lumingon siya sa akin. "Nag-aano ka rito? Sino kasama mo?" tanong ko "Mag-isa lang ako. Naghahanap ako ng pwedeng iregalo sa Girlfriend ko." "Gusto mo tulungan na kita?" "Sige! Mukhang kailangang-kailangan ko nga ng tulong mo. Pero teka sino pa lang k

