A/N: Bago tayo magtapos gusto lamang kitang pasalamatan sa pagbabasa mo nito. Sana'y nagustuhan mo ang kuwento at maibahagi mo rin ito sa ibang tao. Hanggang sa muli, Bibies. —Ate El -Mitch's POV- Labit ko ang mga maleta. Binuksan ko ang gate upang maipasok ang aking mga dala. Nahirapan pa ako dahil may kabigatan ang mga ito. Pahinto-hinto ako upang hindi masyadong mapagod. Lalo pa't anim na buwan na ang nasa aking sinapupunan. Yeah, I chose to continue my pregnancy. Maldita lang ako... pero hindi ako mamamatay tao. Hindi ko kayang pumatay ng walang kamuwang-muwang na sanggol. Kaya nga ganoon na lang ang takot ko noong nakita kong dinugo si Christine matapos ko siyang itulak. Mabuti na lang at hindi sila napano ng anak niya. Dahil kung magkagayon man alam kong hindi ko mapapatawad

