-Christine's POV- "Markuz saan mo ba kasi ako dadalhin?" tanong ko. May takip na blindfold ang mga mata ko kaya naman hindi ko makita ang paligid. "Wait ka lang." Narinig kong sagot ng asawa ko na nakaalalay sa akin. "Baby Yohan nasan na ba kasi tayo?" tanong ko naman sa anak ko na nasa kabilang gilid ko. Magkakuntsaba ang mag-ama sa kalokohang ito. "It's a surprise Mommy. Hindi ka na po masosorprise pagsinabi ko." "Okay fine." Ilang hakbang pa ang ginawa ko bago kami huminto. "Are you ready?" "Yeah, yeah, yeah." "One... two... three..." Inalis nila ang nakatakip sa aking mata. "Surprised!" Nang maging malinaw ang paningin ko'y napangiti ako sa aking nakita. Nakatayo kami ngayon sa harapan ng isang malaking bahay. "Ano 'to?" "This is our new house. Our new home. Mula ngay

