Chapter 1: "Tulong"

1414 Words
Chapter 1 Lorenza's POV Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan ko pang bantayan ang isang yun. Kailangan kong magtinda sa palengke ngayon! "Ma, pano naman yung kita natin? Baka malugi tayo pag nalanta ang mga gulay na ito" Pangungumbinsi ko. Gusto ko talagang magtinda ngayon. "Mababawi pa naman natin yan. Tsaka mas importante ang buhay kaysa diyan. Pwede ka namang magtinda ulit pag okay na siya" Bumuntong-hininga ako. Hindi naman sa ang sama-sama kong tao pero, baka madamay kami dahil iniligtas namin ang buhay niya. Ako si Lorenza Alvarez, 20 years Old. Probinsiyana. Nagtitinda ako sa palengke para matulungan ang mga magulang ko. Tumigil ako sa pag-aaral dahil hindi na kinaya ng mga magulang ko ang ipagpatuloy pa ako sa kolehiyo. Kaya nagsusumikap ako ngayon makapag-ipon na kahit paano ay may naipon narin naman ako. Pero kulang parin pang Tuition. Umaga na, sumisikat na ang araw. Nagluto ako at nagdala ng pagkain sa lalaking nakita ko kagabi. *Flashback* Gabi na nang naglalakad ako mag-isa pauwi galing palengke. Yung baryo namin medyo lib-lib na at may kalayuan sa town area at sa palengke pero sanay na akong maglakad mag-isa. Ganito lagi, gabi ang uwi ko. Di naman nag-aalala ang mga magulang ko dahil kilala ako ng mga tao dito, ang pamilya namin at iginagalang kami. Siguro dahil kay papa, dahil nga dito na siya lumaki. Balik tayo doon sa lalaking nakita ko kagabi. Masaya akong naglalakad mag-isa, iniisip ang mga pangarap ko hanggang makarinig ako ng kaluskos mula sa mga punong nasa paligid ko. Napalingon ako sa likod pero pusa lang naman ang nakita ko. "Pusa" sabi ko Nagpatuloy ako sa paglalakad, sa di kalayuan ay may natatanaw akong tao. Hugis ng tao. Madilim kaya di ko makita ang mukha. Yung mga ilaw sa poste, patay sindi pa. Tuma-timing talaga ngayon dahil medyo natatakot na ako. Parang zombie kung maglakad ang lalaki yun. Parang lantang gulay. Nilapitan ko. "Mister?? Ayos ka lang ba?" Tinutusok ko siya ng daliri ko sa balikat niya. Medyo nakayuko siya nun. Dahan-dahan siyang tumingin sakin at napa-akap sakin. "Ahh!! t-teka!!" Di sinasadyang naitulak ko siya dahil nabigla ako sa itsura niya. Puro dugo ang mukha niya. Napahiga siya sa pagkakatulak ko. Di na siya nakabangon noon. "T-Tulong.." Mahina pero dinig kong sabi niya Nakadama ako ng konsensiya. At pagtataka kung anong nangyari sakanya. Parang na salvage na ewan. Kawawa naman kung iiwan ko kaya.. Sinama ko sa bahay *End Siyempre gulat sila mama noon. Tinanong kung saan ko siya nakita, kung anong nangyari. Nagkibit-balikat lang ako dahil hindi ko talaga alam. Pumasok ako sa kwarto kung saan siya mahimbing na natutulog. Ang dami pa niyang mga galos sa mukha. May tama pa siya ng bala sa paa, mabuti at marunong si papa magtanggal nito. Di na namin siya naisugod sa Ospital dahil nasa bayan pa yun. Napaka-swerte niyang buhay pa siya. Inilapag ko ang pagkain na niluto ko sa mesa katabi ng Kamang hinihigaan niya. "Makikita niya naman siguro agad yun dito" bulong ko Tumalikod na ako nang biglang may humawak sa kamay ko na ikinagulat ko naman. Nilingon ko siya. "N-nasaan ako?" Mahina pa siya, dahil sa boses niya. "Nasa bahay ka namin. Magpahinga ka muna. Tsaka ko ikukwento ang nangyari sayo kagabi" Nakita kong biglang nandilat ang mga mata niya. "K-kagabi.." Oo.. kagabi, ano kayang nangyari Pinilit niyang bumangon na inalalayan ko naman. Suot pa niya ngayon ang isa sa damit ni papa na walang manggas. Para mapreskuhan din siya. Napahawak siya sa ulo niya "Wag mong hawakan ang sugat mo sa ulo. Kakagamot lang ni mama diyan" Yumuko siya at tila natulala saglit. Tinignan ko siyang mabuti. "Ayos ka lang?" ".. Kagabi" Naikuyom niya ang mga kamao niya "Akala ko.. mamamatay na ako" "Akala ko din" Pagsang-ayon ko "Ikaw ang nakakita sa akin?" Tanong niya. Tumango naman ako "Maraming salamat" Nagpasalamat siya nang hindi tumitingin sa mga mata ko Ngumiti na lang ako. "Heto yung pagkain, tsaka kana magkwento ng mga nangyari sayo kapag kaya mo na" Lumabas na ako ng kwarto. Sila mama at papa ay nasa labas. Magsasaka ang mga magulang ko. Oo, mahirap lang kami. Ang bahay namin ay gawa lang sa kahoy pero hindi ganun kaliit. Kakasya na ang limang miyembro ng pamilya dito. Kung sabagay ay tatlo lang naman kami na ngayon ay apat na. May pakiramdam ako na magtatagal pa dito ang lalaking yun. Sa tindi ng mga natamo niyang sugat kaya hindi pa siya kaagad gagaling. Lalabas sana ako para magpahangin ng marinig ko ang balita sa radyo. "Natagpuan ang isang Bus sa kalsada ng (Hindi na babanggitin pa) Na wala nang mga tao, maliban sa isang patay na konduktor. Tila na hold-up ang Bus Oh inambush dahil sa mga sira ng Sasakyan. May ibang saksing nagsabi na may ibang taong galing dito at napunta ng syudad. Sinasabing binihag sila ng mga rebelde. Pina-ulanan sila ng bala na dahilan para marami ang mamatay. Kung may mga nakaka-alam sa nangyari oh kung may natagpuang isa sa mga naging pasahero ipag-bigay alam agad sa mga kina-uukulan" Doon ako kinabahan. Sabi na nga ba, hindi talaga maganda ang nangyari sakanya. Paano kung sundan siya ng mga rebelde dito? Madadamay pa kami. Nagpunta ako sa labas para sabihin kina mama at papa ang balita. "Ma? bakit kailangan pa natin siyang patagalin dito? paano kung sundan siya ng mga rebelde. Mapapahamak pa tayo" pangungumbinsi ko "Mas makabubuti yun sakanya. Kung hahayaan natin siyang mapunta sa mga pulis pipilitin lang siyang magkwento ng mga nangyari. Sariwa pa sakanya yun, Anak mahirap para sa isang tao ang maka-recover sa ganung klaseng insedente" Natahimik ako noon. Alam ko naman, tama naman si mama. "Tsaka na siya pwedeng pumunta sa mga pulis kung maayos na siya. Yun yung oras na aalis na siya dito" Dagdag ni papa sabay kagat sa tinapay na inihanda ko para sakanila. Ewan ko ba pero nakabusangot akong umupo sa tabi nila. Hindi naman sa ayaw ko sa lalaki na yun pero di lang talaga maganda kutob ko. Ito ang unang beses na nangyari ito. Marami na kaming tinulungan pero, ito iba. Iba ang kaso. "Ayos lang ba sa inyo na may lalaking di natin kilala ang manunuluyan sa bahay ng matagal?" "Wala namang masama doon anak, mukhang di naman siya masamang tao. Ikaw narin nagsabi na binihag sila ng mga rebelde. Di ka ba naaawa sakanya?" Tila ba pinapakonsensiya ako ni mama. "Hayy, bakit ba ang bait niyo sa mga tao. Ni-hindi na nga kayo binabalikan ng mga taong natulungan niyo. Nasaan na sila? Nawala na.. parang bula" Biglang humina ang boses ko. Alam kong masasaktan ko sila sa mga nasabi ko. "Ayos lang anak, importante nakatulong ka. Traydorin ka man oh di ka suklian. Ang isipin mo.. Diyos na ang bahala sakanila" Si papa Napangiti na lang ako sa sinabi niya. Maghahanap talaga ako ng lalaking katulad ng papa ko. Jake's POV Heto ako ngayon, nasa isang kwarto. Di ko alam kung nasaan ako pero isa lang ang sigurado. Ligtas na ako. Tumingin-tingin ako sa paligid. Gawa sa kahoy ang buong bahay pero mukhang matibay naman. Mukhang presko. Maging ang suot kong damit ay presko din. Nakita ko sa dulo ng kama ang bag ko ang mga damit ko na nakasampay sa labas ng bintanang nakabukas na. Maging ang camera ko. Pinilit kong tumayo kahit na masakit pa ang katawan ko. Paika-ika ako dahil sa natamong sugat. Pero di ko ininda at kinuha ang Camera ko. Nakatayo ako ngayon sa tapat ng bintana habang inaayos ang camera ko. Nang mapatingin ako sa labas ay agad akong namangha sa ganda ng lugar. "Wow! Anong lugar ito?" Isang napakalawak na taniman ng palay. May mataas na bundok sa di kalayuan. May mga punong matataas. Mga batang naglalaro. Kitang-kita ang pagka-asul ng langit mula dito. Hindi ito katulad ng iba na maputik. Medyo mabato ang daan pero bumagay sa ganda ng lugar. At sa palagay ko hindi lang ito ang makikita ko sa lugar na 'to. Napangiti akong bigla. Inayos ko ang camera ko at kinunan ang magandang tanawin mula sa labas. Ang malawak na palayan. Ang matataas na puno. Maging ang bundok sa di kalayuan na tila naabot na ang Ulap. Huminga ako ng malalim at inamoy ang sariwang hangin. "Ito ang hinahanap ko" Nang makuntento ako sa mga kinunan ko, tinignan ko ito isa-isa habang kinakain ang inihandang pagkain ng babaeng tumulong sakin. Di ko masyadong nakita ang mukha niya dahil wala ako sa sarili kanina. Pero salamat sakanya. Utang ko ang buhay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD