Prologue

2449 Words
Prologue JAKE'S POV 6:30 am Nag-iimpake na ako ng mga gamit ko para sa pag-punta sa isang probinsiya (Hindi na papangalanan pa) Ako si Jake Ellis , 22 years Old isa akong Photographer, trabaho ko yun. At pupunta ako sa isang napakagandang lugar para sa isang proyekto. Kailangan kong makakuha ng magandang shot for the company. Isang magandang tanawin. **** Nang matapos ako mag-impake ay agad din akong umalis. Di ako nagdala ng sasakyan dahil baka mga ilang-araw din ang itatagal ko doon. Kaya nagtungo na lang ako sa Bus Terminal, sakto namang ang daming pasahero. Mabuti at nakahabol pa ako sa isang bus na paalis na. Doon ako umupo sa dulo. Ayoko kasing umuupo sa bungad oh sa gitna kapag sumasakay ako ng bus. Pakiramdam ko center of attention ako. Basta ayoko lang. Di rin nagtagal ay umalis din ang Bus. Punung-puno ng mga pasahero, occupied lahat ng seats. Siguro dahil summer kaya nagsisi-uwian sila sa mga kamag-anak nila. Habang ako ay heto at puro trabaho. Kailangan ko din naman ng bakasyon! Sumandal ako sa kina-uupuan ko, huminga ng malalim at pumikit. Ang sabi ay mga apat na oras pa ang byahe papunta doon kaya babawi muna ako ng tulog. Ipinasak ko ang earphone sa tenga ko at nakinig ng mga paborito kong kanta. Hanggang makatulog ako. ---- "Jake" Parang may bumubulong sa akin "Jake? Ayos ka lang? Jake?" "H-huh?" May babae sa harap ko. Malabo ang mukha niya sa paningin ko. Hindi pamilyar sa akin. "Ughh.." "Boss?.. Boss!" "O-oh?" Tinatapik na pala ako ng konduktor kaya naalimpungatan ako. "Binabangungot ho ata kayo" Nakangiti nitong sabi Napahilamos ako ng mukha gamit ang palad ko. "Nasaan na tayo?" Pag-iiba ko ng usapan "Sa Bus stop ho, baka gusto niyong mag cr oh kumain muna. May oras pa naman po" Agad akong tumayo at nagtungo sa cr. Naghilamos ako ng mukha. Nagtataka lang ako sa sarili ko, dahil nitong mga nakaraang-araw, oh buwan napapaniginipan ko din ang babaeng yun. Pero laging malabo. Bakit ko siya napapanaginipan? Napaka-weird. Ilang buwan na yun. Nakakabaliw na. Bumuntong-hininga ako sabay nagpunas ng mukha. At dahil di pa naman ako nagugutom kaya sumakay na ako agad ng bus. Mga isang oras pang bumyahe ang Bus, di pa kami masyadong nakaka-alis sa syudad. May mga gusali pa akong nakikita. Gusto kong mamangha sa mga makikita ko doon. Ano pa bang i-eexpect ko sa isang probinsiya kundi ang sariwang hangin. Puro puno ang makikita mo, walang matataas na gusali. Walang mausok na paligid, iba't-ibang hayop pa ang makikita ko. Para makawala sa stress sa trabaho. Mabuti narin ito. Magdamag akong dilat ng tumigil ang Bus sa sumunod na Bus Stop. Tsaka ako nakadama ng gutom. Kumain ako sa isang fast food resto. Kada Bus stop naman ay may pasaherong bumababa. Pero kaunti pa lang. Bumusina ang Bus, hudyat na aalis na. Kaya dali-dali akong sumakay. Tumingin ako sa relo ko. "Dalawang oras pa" Pasado alas-nwebe na. Kinalikot ko na lang ang DSLR camera ko at tinitignan ang mga last kong kuha. Mahilig ako sa magagandang tanawin. Lahat ng kuha ko ay maganda. Pero wala ni isa dito ang pinili ng kompanya kaya naiinis ako. Kailangan ko pang umalis ulit para ma-satisfied sila. Pinicturan ko ang loob ng Bus, hindi naka-on ang flash para di mailang ang mga tao. Nang biglang tumigil ang Bus, di ko namalayan na puro puno na ang nasa paligid. Pero wala pa kami sa Bus stop. Hanggang narinig kong naghiyawan ang mga tao sa unahan, may narinig din akong putok ng baril. Biglang humandusay ang konduktor, pagkatapos ay may limang armadong lalaki ang pumasok sa loob. Nakatakip ang mga mukha. Tinutukan ang driver at sinabihang ituloy ang pagmamaneho. Walang anumang sasakyan pa maliban sa amin ang dumadaan dito, sa kalsadang ito. Dahil medyo lib-lib narin ang lugar. Tinutukan nila ang mga pasahero at kinuha ang mga cellphone. Ang lalaki ng mga baril na hawak nila at mukhang hindi lang ito basta baril. May isang pasahero ang ayaw magbigay ng cellphone kaya di nag dalawang-isip ang lalaki at pinatay ang babaeng pasahero, sa harap naming lahat at sa mga batang pasahero na walang tigil ang pag-iyak. Sumabog ang bungo ng babaeng yun. Madiin akong napapikit. Iyakan at hiyawan ang naririnig ko. Agad kong tinago ang cellphone sa sapatos ko. Pinicturan ko ang lima bago pa makalapit samin sa dulo. Itinago ko din pagkatapos ang camera ko sa bag. Baka sakaling makatulong ang shot ko kahit na nakatakip ang mga mukha nila. "Ikaw, ang cellphone mo ilagay mo sa bag" Inilahad niya ang itim na bag na napupuno ng gadget ng mga pasahero. "Pasensiya na pero wala akong dalang cellphone" "Sinungaling! Akin na yang bag mo!" Sapilitan niyang kinuha ang bagpack ko. At hinalungkat ang laman noon. Puro damit ko ang nakita niya at ang camera ko. "Walang cellphone, pero teka ano ito?" Napangisi ako mukhang di niya alam pano i-on ang camera dahil in-off ko kanina. Ibinalik niya ang cam. Ko sa bag na dahilan ng pagluwag ng hininga ko. Binulungan niya ang kasama niya, habang ginagawa niya yun.. Sinubukan kong magtext at humingi ng tulong gamit ang paa ko. Kahit mahirap ang posisyon ko pero kailangan. Kahit lima lang sila eh di kami pwedeng pumalag. Paniguradong maraming mamamatay. Ito ang huli kong pagkakataon. Tagumpay akong nakahingi ng tulong. Isa sa mga kasamahan ko ang tinext ko para magpadala ng tulong sa lugar na ito. Nandito na ako sa destinasyon ko pero di ko alam kung saan banda. Sinabi ko lang ang mga street signs na nakikita ko. Agad kong tinago ang cellphone sa loob ng jacket ko. Mukhang di naman na siguro nila ako kakap-kapan pa. patuloy nilang pina-andar ang bus. Takot ang mga pasahero, lalo't ang iba dito ay may dala pang mga anak. "Walang kikilos! Maling kilos niyo lang, mamamatay kayong lahat!" biglang umiyak ang isang bata dahil sa gulat sa pagsigaw ng lalaking yun. "Hoy! patahanin niyo yan! nakakarindi!" Hindi naman magkanda ugaga ang magulang na pinapatahan ang anak. "Papatayin ko yan pag di niyo napatahan yan!" "Tch!" reklamo ko. Di ko narin napigilan ang inis ko. Kung pera habol nila samin, sana kanina pa sila umalis. Ang dami na nilang nakuhang cellphone mula sa mga pasahero. "Ikaw! yung lalaki sa dulo. Narinig ko yun! Nagrereklamo ka? Matapang ka ah? Di ka ba takot mamatay?" "Wag mong idamay ang bata kung malaki ang problema mo sa buhay. Kung pera ang kailangan niyo bakit di pa kayo umalis, tutal mukhang lahat ng cellphone at kita ng driver ay nakuha niyo na" "Manahimik ka!" itinutok niya na sakin ang baril. Walang may gustong tumingin samin dahil lahat sila ay natatakot. "Oh baka naman mga rebelde kayo?" Nakangisi kong sinabi. Halata ko sa mukha niya ang Pagka-inis. "Oo, tama ka. Mga rebelde kami. Hindi lang ganitong katiting na pera ang habol namin. Bibihagin namin kayong lahat para mas malaki ang perang maibigay ng gobyerno. Bawat buhay ay may katumbas na salapi" Hindi ako nakakaramdam ng takot, kundi awa. Awa sa mga taong ito. Hindi nila alam ang ginagawa nila. Napangisi akong muli. "Kanina kapa ngumingisi diyan ah! Anong iniisip mo? Hindi ka makakatakas samin. Oh kahit ni isa sa inyo! Kapag hindi naibigay ng gobyerno ang gusto namin, mamamatay kayong lahat!" Nag-umpisang humagul-gol ang ibang mga pasahero. Nang may isang lalaking pasahero ang tumayo sa likuran ng kausap kong rebelde. Ang iba nitong kasama ay abala sa Driver na tinuturo kung saan dapat pumunta. Tila ba sinisenyasan ako ng lalaking ngayon ay malapit na sa likod ng rebelde. Kaya agad akong lumapit sa rebeldeng iyon at inagaw ang baril na hawak. Inambahan naman ito ng lalaking sumenyas sa akin. Napansin pa kami ng iba pa sa unahan, huhugot sana ng baril pero biglang ginewang-gewang ng driver ang pagmamaneho. Dahilan para mapatumba kaming lahat. Nagsisigawan ang mga tao. Napaka-ingay. Nauntog ako banda sa may bintana kaya napahawak ako sa ulo ko malapit sa batok. May kaunting dugo. "Ahk!" Medyo nahilo ako sa pagtayo ko. Di ko namalayan na bumangga na pala kami sa isang puno. Natumba rin ang mga rebelde. Mabuti at hindi namatay ang driver pero duguan din ito. Para bang hindi man lang tinablan ang lima sa nangyari. Dali-dali silang tumayo at kinuha ang mga baril. Ang ibang pasahero ay nawalan ng malay. May mga batang nasugatan. Ang iba ay nabalian pa. Binitbit nila ang duguang driver at inilabas kahit namimilipit pa ito sa sakit. Maging ang lima ay may sugat din pero di nila ito ininda. Hindi na ako tumunganga ng matagal. Tinulungan kong makatayo ang ngayon ay walang malay na lalaki kanina. Nagising din naman siya, kaya tinulungan pa namin ang ibang pasahero. Inalalayan ko ang mga batang nasugatan. Wala akong dalang kung anong pwedeng makapigil sa pagdugo ng mga sugat nila. Hindi naman ako doktor oh nurse. Hindi ko alam ang gagawin. Ang tanging inaasahan ko lang ay ang tulong na inaantay ko. Kaagad na bumalik ang lima at pinababa kaming lahat na sugatan na pasahero sa bus. Hinang-hina pa ang iba. Wala kaming magawa. Wala akong armas. May namatay nang isa at yun ang konduktor. Naiwan sa loob ng bus na umuusok. Hindi ako nakakaramdam ng takot. Pero hindi ko rin kayang mamatay dito. Hindi dito. Pinalakad nila kami sa masusukal na daan. Nahihirapan ang mga kababaihan na may dalang anak at iba pang may sugat. May mga batang umiiyak. Hinawakan ko ang sugat sa ulo ko. Nanuyo na ang dugo. Mabuti at hindi malalim. "Malapit na tayo, mabuti at hindi ganun kalayo kung saan tayo bumangga" sambit ng isa sa mga kasama niya Sa di kalayuan ay may natatanaw akong kubo. Maraming kubo. May mga taong nandoon. Mga sampong tao at puro armado, mukhang kami ang inaantay nila. "Oh, anong nangyari sa inyo?" "Pasensiya na boss, itong driver kasi binangga ang bus sa puno kaya sugatan kami" Boss ang tinawag niya sa isang lalaki sa harap niya. Medyo may katandaan na pero mukhang kaya pang makipag-suntukan. "Oh siya, itali niyo lahat yan. At heto, videohan niyo sila at ipadala sa gobyerno. Wag lang silang gagawa ng maling hakbang kung ayaw masira ng presidente ang pangalan niya sa buong bansa" Aniya Dinala kaming lahat sa iisang kubo, bata, babae, lalaki at mapa-matanda. Tinalian nila kami ng mahigpit Nakatali ang paa. At ang kamay sa likod. Hindi nila kami piniringan oh binusalan dahil mukhang wala namang ibang tao sa lugar na ito na makakarinig samin kundi sila lang. May liwanag na tumatama sa mga mata ko na galing sa labas. Nakasara ang pintuan. Puro iyak at pag-uusap ang naririnig ko. "Gusto ko nang umuwi!" "Mamamatay na tayo, ayoko pang mamatay!" "Pakawalan niyo kami! parang awa niyo na!" May isang pasahero na napahiga bigla at sumuka ng dugo. Mukhang napuruhan ito sa aksidente kanina. "Papa! papa! Gising!" Iyak ng batang babae na nasa tabi niya. Napapikit na lang ako ng mariin. Hindi ko kayang tignan ang mga nangyayari. "Mamaya, tatakas tayo. Mamayang gabi. Kapag nakatulog sila" Sambit ng lalaki na tinulungan ko kanina. Sa tingin ko ay medyo matanda sakin ng dalawa oh tatlong taon. Matangkad ito at mas malaki ang pangangatawan kaysa sakin. Pero hindi masyadong nalalayo sa pangangatawan ko. "Paano? ang dami nila ditong nakapaligid. Siguradong may magbabantay sa atin" "Ako ang bahala. Lalabas tayong lahat dito" determinado siya sa gagawin. at mukhang siguradong-sigurado siya na makaka-alis kami. Mukhang kailangan ko siyang pagkatiwalaan. Ilang oras ang lumipas noon, nakatulog ako. Pagmulat ko ng mata ay gabi na. Hindi ako nanaginip ng anumang kaweirduhang panaginip tulad ng dati. "Heto pagkain, kumain kayo" Binigyan kaming lahat ng makakain at inumin "Paano namin makakain ito, nakatali kami. Hindi ko mapapakain ang anak ko" "Aba! hindi ko na problema yan!" padabog na isinara ng lalaki ang pinto Ang iba dahil sa sobrang gutom at uhaw ay parang asong kumain at uminom sa ibinigay ng lalaki. Kami lang ng isa ang di kumain. Kahit ako ay hindi nagugutom. Wala akong ganang kumain. Bakit ang tagal dumating ng mga pulis. Asan na ba sila? Hindi naman ganun kalayo ang inilakad namin mula sa bus. Dapat nahanap na nila kami ngayon. Wag mong sabihing naligaw sila. "Maghintay pa tayo ng ilang oras" bulong nito "Ano bang pinaplano mo?" "May patalim ako sa jacket ko. Pwede mong kunin para makalagan kita, pagkatapos ako at ang iba pa" "Patalim? nailusot mo yan sa Inspeksyon?" tumango siya at ngumisi "Nagbabaka-sakali lang kung may di magandang mangyari. Katulad ngayon. Wala tayong ibang aasahan kundi ang mga sarili natin" tumango ako "Mabuti at hindi nila nakuha yan sayo" "Hindi, dahil mukha lang siyang matabang ballpen kung titignan. Pero kayang pumunit ng makapal na tali" Naalala ko ang cellphone ko na nasa jacket ko. Hindi ko makuha dahil nakatali ang kamay ko. "May cellphone ako sa jacket ko. Tinago ko ng mabuti kanina kung saan di nila makikita para kung sakali, makahingi ako ng tulong" sabi ko "Mabuti yan. Magagamit natin yan mamaya" "Mukhang ikaw muna sa ngayon ang mapagkakatiwalaan ko" sambit ko "Oh siya kunin mo na ang patalim" tumalikod ako sakanya at nakaharap siya sa likuran ko. Para makapa ko sa bulsa ng jacket niya ang patalim na iyon hanggang sa makuha ko. Ibinigay ko sakanya at tsaka ako kinalagan. Ang bilis ng pagka-putol ng tali . Hinawak-hawakan ko ang kamay ko na kanina pa nangangawit at may marka ng lubid. Tsaka ko tinanggal ang tali sa paa ko. Pagkatapos ay siya naman. Dahan-dahan kaming tumayo at lumapit sa iba pa. Sumenyas ako na wag mag-ingay at isa-isa silang kinalagan. Pinapakiramdaman lang namin ang paligid dahil baka biglang may pumasok sa loob. Kinuha ko ang cellphone sa jacket ko. Pagkatingin ko ang daming missed calls. May mga text at binasa ko iyon. Sinabing papunta na sila pero ang text ay kanina pang hapon. Sinubukan kong mag reply. Pero hindi nagsend. Wala palang signal sa lugar na ito. Kulob masyado maging ang kubo. napakamot na lang ako sa ulo ko. Lumalalim na ang gabi. Paniguradong tulog na ang lider nila. Nang makalagan namin lahat, inalalayan namin ang mga babae at bata. Ang mga lalaking may lakas pa ay tumulong samin. Binuhat ang ibang hindi na makatayo. Unang sumilip sa labas ang lalaking katabi ko kanina. Hindi ko pa natanong ang pangalan niya. Pero sa ngayon hindi na mahalaga yun. Sumenyas siya na "clear" kaya dahan-dahan naming pinauna ang mga kababaihan, mga bata, matanda at may mga sugat at nanghihina na. Tila naging look out namin siya. Nang makalabas ang lahat. Sinenyasan ko siya na sumama na samin, tumakbo siya papunta samin pero di inaasahang may batang umiyak sa isa sa mga pasahero. Nagising ang ilan sa rebelde. "Takbo!!" Sigaw ko Nang biglang magpa-ulan ng bala ang mga ito sa amin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD