My Name Is Lualhati Canlas Datu Chapter 48 2.2 "Sa likod ng West View? Meron bang daan doon para puwedeng magkarera roon?" takang tanong ni Hakeem, sa tagal-tagal na niyang sumasali sa drag race ay wala pa siyang nabalitaan tungkol sa likod ng West View University. "Oo meron. Minsan na ako sumali sa drag race at sa likod ng West View University namin ginanap." ngising sabi ni Marcus, pinalapit niya si Hakeem, sa kanya at mahigpit niya ito niyakap. Nakaupo sila ngayon sa isang itim na sofa na pinasadya niya para mailagay sa balkonahe ng mansyon niya. "Huh? Wala akong nababalitaan tungkol sa West View University na nagdradrag race." kunot noo sabi ni Hakeem, tumugon siya sa yakap ni Marcus. Nakakaramdam na kasi siya ng lamig. Dahil malamig ang simoy ng hangin dito sa balkonahe. Isang m

