My Name Is Lualhati Canlas Datu Chapter 48 1.3 "Kamusta ka na Marcus?" tanong ni Hakeem, nandito sila ngayon sa dining area sa mansyon ni Marcus. Kung saan kumakain sila ng dinner ngayon. Kakauwi lang nila galing sa West View University. Sinundo na naman siya ng makisig na lalaki kahit na paulit-ulit na niya itong sinasabihan na wag na siyang sunduin. Hindi dahil sa ayaw niya kundi dahil umiiwas lang siya sa mga possibleng makakita sa kanilang dalawa. Ilang linggo na rin siya nag-aaral sa West View. So far so good ang kondisyon niya sa West View University. May mga nagtatanong sa kanya kung sino ang naghahatid at sundo sa kanya araw-araw. Lalo na sila Nolan, Jules at Isabel, ay kinukulit siya ng mga ito na ipakilala sila sa kanyang kaibigan na sumusundo sa kanya. Walang iba kundi si Marc

