Chapter 5 2.2

1554 Words
My Name Is Lualhati Canlas Datu Chapter 5 2.2 _________________________________ "Puwede ba tigilan ninyo ang pang-aasar sa akin baka tamaan kayo sa akin." inis na sabi ni Ludwick, inayos na niya ang pagkakaupo niya dahil dumating na ang kanilang professor na si Mam Melinda Pascual. Buong araw siyang tahimik dahil hindi mawala wala sa kanyang isipan ang sinabi sa kanya ni Zubery Arizabal. Masyado siyang nagulat sa dala nitong balita at hindi niya inaasahan na ganun ang sasabihin nito. Hindi siya naniniwala na may malaki silang utang dahil hindi naman sinasabi ng kanyang mga magulang na may utang sila o kaya ay hindi man niya napansin o nakita na problemado ang kanyang mga magulang. Pagkatapos ng klase niya ngayong araw na ito ay agad siyang lumabas ng classroom para pumunta sa parking lot. Ayaw na niya muna sumama sa mga kaibigan niya ngayon. Kanina pa niya naririnig sa usapan ng mga ito na pupunta ang mga ito sa Tagaytay. Niyayaya nga siya ng mga kaibigan niya ngunit tumanggi siya gusto lang niya mapag-isa. Sa pagsakay niya ng kanyang kotse ay bigla siyang nabigla dahil sa biglang pagbukas ng pintuan sa may passenger seat.  "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo dude?" ngiting tanong ni Hakeem, hinabol talaga niya si Ludwick, para makausap ito sa kung anong pinagdadaanan na problema nito. Simula pa lang nakilala niya ito ay tahimik lang ito kumpara sa iba pa nilang kaibigan na sila Ryker, Barett at Andreas. Mas malapit siya kay Ludwick, kaysa sa tatlo pa nilang kaibigan. Hindi niya alam bat masyadong magaan ang kanyang loob sa kanyang kaibigan na ngayon ay kasama niya sa loob ng kotse nito. Hindi na siya sumama sa Tagaytay dahil na rin naman sumama si Ludwick.  "Ikaw Hakeem, ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" inis na tanong ni Ludwick, kilala niya si Hakeem, kapag ginusto nito ang isang bagay o gusto niyang gawin ay gagawin nito at wala ni sino man ang makakapigil dito.  "Ano sa tingin mo ang ginagawa ko?" nakangiti pa rin nakatingin si Hakeem, kay Ludwick, na kitang-kita sa guwapong mukha nito na naiinis na ito sa kanya. Nakita niyang napabuntong hininga na lang si Ludwick. "Hakeem, dude please nagpapakaawa na ako na lumabas ka na sa loob ng kotse ko. Wala ako sa mood na makipagkulitan sa'yo."  pakiusap ni Ludwick, wala siyang panahon ngayon na makipagkulitan kay Hakeem. Lalo lang siyang nainis dahil nakitang niyang umiiling ito sa kanyang pakiusap.  "Kung kilala mo talaga ako dude. Alam mong hindi ako bababa sa loob ng kotse mo. Sige na magdrive ka na." ngising sabi ni Hakeem, sumandal na siya sa upuan ng kotse at ipinikit ang kanyang mga mata. Kanina pa siya inaantok dahil napuyat siya kagabi. Sumali na naman siya sa isang drag racing at syempre nanalo siya kagabi. Pumunta pa sila sa Altas Bar para magcelebrate sa pagkapanalo niya. Anong oras na siyang nakauwi sa kanilang bahay. Buti na lang ay hindi siya napansin na umuwi ng kanyang mga magulang.  Alam naman ni Ludwick, na hindi bababa sa kotse niya si Hakeem. Nakatingin lang siya dito alam niyang puyat na naman ito dahil sa pagsali nito sa isang karera kagabi. Alam din niya na hindi lang basta nakapikit ito kundi natutulog na si Hakeem, sa loob mg kotse niya. Lihim niyang pinagmamasdan kanina ang kanyang kaibigan at kanina pa rin siyang nagpipigil ng tawa dahil pinipilit ni Hakeem, na wag matulog sa oras ng klase kanina. Kaya pasimple niya itong sinisiko kanina para kahit papaano ay wag itong makatulog. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. Napapailing na lang siya sa kakulitan ng kanyang kaibigan. Hindi naman siya bastos para bigla na lang niya itong itulak palabas ng kotse niya. Nagsimula na siyang magdrive paalis ng Malaya University hindi niya alam kung saan siya pupunta ngayon ayaw na muna niyang umuwi sa bahay nila. Bigla na lang siyang napangisi ng may maisip siyang kalokohan na siguradong magugulat si Hakeem, paggising niya. Alam niyang tulog mantika ito kaya kahit anong gawin nito ngayon ay hindi ito magigising. Habang abala siya sa pagdridrive ay napapatingin lang siya kay Hakeem, na sobrang mahimbing ang tulog nito. Ihininto na muna niya ang kotse niya sa tabi ng kalsada at inayos niya ang upuan kung saan nakaupo si Hakeem, pinahiga niya ang upuan para hindi ito mahirapan matulog. Hindi niya alam sa kanyang sarili kung bakit naisipan niyang titigan ang guwapong mukha nito. Sa sobrang guwapo nito ay nagagandahan na siya kay Hakeem. Hindi lang siya ang nakakapansin sa kakaibanh kaguwapohan nito kundi pati ang mga ibang taga Malaya University ay napapansin nila si Hakeem. Minsan ay tinanong niya ang kanyang kaibigan kung ano ang nararamdaman nito na maraming nagkakagusto dito dahil sa aking kaguwapohan nito. Nagulat na lang siya sa sagot nito dahil ayaw daw nito na maraming nakakapansin dito. Kung ibang lalaki lang iyon ay siguradong magmamayabang na ang mga ito dahil maraming nagkakagusto sa mga ito.  "Bat nahuhumaling akong titigan ka?" sabi ni Ludwick, sa kanyang sarili. Totoo ang kanyang sinabi dahil walang araw na hindi niya lihim na tinitignan si Hakeem. Kapag nag-uusap sila ay lihim siyang natutuwa dahil nakikita niya ang kaguwapohan nito. Natatawa na lanh siya sa kanyang naiisip. Napapatanong nga siya kung bakla ba siya? Natauhan lang siya ng biglang may kumatok sa bintana ng kanyang kotse. Pagtingin niya ay isang batang pulubi ang namamalimos. Agad siyang kumuha ng barya sa bulsa niya at binigay niya ito sa batang pulubi. Napangiti naman siya dahil nagpasalamat ang batang pulubi. Nagdrive na siya dahil sigurado siyang magsusunod-sunod ang mga pulubing mamamalimos sa kanya.  Naalingpungatan si Hakeem, dahil para bang sobrang lamig yata sa loob ng kotse ni Ludwick? Napakunot noo na lang siya na para bang may nakaakap sa kanya ngayon at hindi siya maaring magkamali nakahiga siya sa isang malambot na kama. Sa pagmulat niya ng kanyang mga mata ay agad niyang nakita ang kanyang refleksyon sa salamin.  "What the f**k!" napamura na lang si Hakeem, dahil nakaakap pala sa kanya si Ludwick, na sarap na sarap sa tulog nito. Agad niyang inalis ang kamay nito sa kanyang katawan na ikinagising ng kanyang kaibigan.  "Ano ba yan?! Ang ingay mo naman dude?!" inis na sabi ni Ludwick, ibinalik niya ang kanyang kamay sa beywang ni Hakeem, upang yakapin niya ulit ito. At lalo siyang lumapit dito nakita niya ang kunot noo nitong nakatingin sa kanya pero wala siyang pakialam. Basta ang mahalaga ay matutulog siyang nakaakap kay Hakeem.  "Dude?! Baliw ka ba? Bakit nandito tayo?" takang tanong ni Hakeem, hindi naman siya tanga upang hindi niya malaman na nasa motel sila ngayon. Inalis na naman niya ang kamay ni Ludwick, na nakaakap sa kanya pero agad na  binalik nito ang kamay sa pagkakaakap sa kanya.  "Dude puwede bang matulog na lang muna tayo? Sige please." pakiusap ni Ludwick, lihim siyang napangiti dahil hindi na inalis ni Hakeem, ang kamay niya sa pagkakaakap. Ayaw na muna niyang isipin ang nangyari kaninang umaga. Ang gusto lang niya ay matulog siya ngayon na nakaakap kay Hakeem.  Naisip ni Hakeem, na wala naman masama kung matulog sila sa motel. Nagtataka lang siya kung paano siya nakapasok sa loob ng kuwarto na ito na hindi siya nagigising. Gusto niyang tanungin si Ludwick, pero rinig na niya ang mahinang hilik nito kaya hinayaan na lang niya ito matulog. Ito yata ang unang beses na natulog silang magkatabi ng kanyang kaibigan. Wala man lang siyang nararamdaman na pagkailang habang yakap-yakap siya ni Ludwick, at ang mukha nito ay nasa leeg na niya. Napatingin siya sa salamin na nasa ibabaw ng kama kung saan nakikita niya ang sarilinh refleksyon. Medyo natawa siya dahil parang silang magnobyo ni Ludwick, sa kanilanh position ngayon.  'Di na rin niya namalayan na nakatulog na rin siya dahil sa sobrang puyat at pagod.  ______________________________ Napagpasyahan na ni Ludwick, na puntahan si Hakeem, sa comfort room baka kasi napano na ito o kaya ay tumakas ito. Tumayo siya sa pagkakaupo niya para pumunta sa comfort room ng pambabae. Sa pagpunta niya sa comfort room ay dumaan siya sa harapan nila Magnus at Zubery. Nakangising nakatingin sa kanya si Magnus, samantalang seryosong nakatingin sa kanya si Zubery. Gusto man niya kausapin ang mga ito ngayon ay hindi puwede baka kasi makita siya ni Hakeem, na nakikipag-usap kay Magnus. Sigurado siyang magtataka iyon at magtatanong sa kanya. Dumetreso na siya sa pagpunta niya sa banyo. Kakatakot na sana siya ng bigla na lang nagbukas ang pintuan ng banyo ng pambabae. Nanlaki at nagulat siya sa kanyang nakita.  "Oh?! Ludwick?" medyo nagulat si Hakeem, dahil mukhang kakatok sa pintuan ang kanyang kaibigan. Gamit pa rin niya ang boses babae dahil nasa likuran lang niya sila Penelope at Avery. Kakatapos lang siyang ayusin nila Avery at Penelope. Pinalitan ang kaniyang damit na isang red dress na lalong nagpalitaw ng kagandahan nito bilang si Lualhati Canlas Datu. Nakapagretouch na rin sa tulong ni Avery. Nagtatawanan nga silang tatlo dahil naging make up room ang comfort room ng pambabae. Nakamessy ponytail din ang kanyang suot na wig. Buti na lang talaga ay hindi nahahalata kanina nila Penelope at Avery, na lalaki siya. Natameme na lang si Ludwick, sa kanyang nakikita ngayon. Napakunot pa siya kung si Hakeem, ba talaga ang kaharap niya ngayon. Napapalunok na lang siya habang tinitignan si Hakeem, bilang si Lualhati. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD