My Name Is Lualhati Canlas Datu
Chapter 5 1.2
"Oh? Asan si Hakeem?" takang tanong ni Ludwick, hindi kasi kasama ni Andreas, si Hakeem, na bumalik sa table nila.
"Nasa loob pa rin ito ng banyo." simpleng sagot ni Andreas, dumating na pala ang kanilang mga order na alak at pagkain. Agad siyang nagsalin ng Blue Label sa kanyang rock glass na may dalawang pirasong ice cube at ininom na niya ito kahit hindi pa masyado malamig ang alak sa kanyang baso.
"Oo alam namin na nasa banyo siya pero bat hindi mo siya kasamang bumalik?" seryosong sabi ni Ludwick, nag-aalala lang siya na baka tumakas si Hakeem. At kung mangyari man iyon ay malilintikan siya sa amo ni Zubery, na pinagkakautangan ng kanyang pamilya. Ang kanyang kaibigan na si Hakeem, ang nag-iisang solusyon sa kanyang problema. Hindi niya alam na nagkaroon pala ng malaking utang ang kanyang mga magulang sa isa sa mga maimpluwensyang tao sa bayan ng Prado. At si Hakeem, ang naisip niyang kabayaran. Wala siyang pakialam kung kaibigan pa niya ito ang mahalaga ay mabayaran ang utang nila at hindi na siya guluhin ng amo ni Zubery.
"Chillax ka lang dyan dude. Hindi naman tatakas si Hakeem. Nasa loob pa rin siya ng banyo dahil nireretouch siya ng nakilala niya sa loob ng banyo." sabi ni Andreas, kanina lang bago siya bumalik sa table nila ay kinausap siya ng maliit na magandang dilag. Sinabihan siya na bumalik na muna siya sa table at susunod na lang daw si Lualhati. Kaya wala siyang pagdadalawang isip na bumalik sa table nila. Napatingin siya sa kanyang kaibigan na si Ludwick, alam na alam naman niya na kinakabahan ito na baka tumakas si Hakeem.
"Tama ang sinabi ni Andreas, kanina pa kita napapansin na tahimik at malalim ang iniisip. Ludwick, nandito na tayo kaya kung ano mang mangyari ngayon ay hawak kamay natin haharapin." ngising sabi ni Barett, nagsalin na rin siya ng alak sa kanyang rock glass. Pinagsalin na rin niya ang kanyang dalawa pa niyang kaibigan na si Ryker at Ludwick.
"Paano ako magchichillax? Kanina pa nakatingin si Magnus, dito sa kinaroroonan natin." seryosong sabi ni Hakeem, pasimple niyang tinignan si Magnus, na nakangising nakatingin sa kanya.
"Alam namin iyon dude. Kahit na 'di na kami tumingin sa likuran namin ay alam at ramdam namin na nakatingin ito sa puwesto natin." sabi ni Ryker, ang tinutukoy niya ay si Magnus Orisis Patton. Isa sa mga maimpluwensyang tao sa bayan ng Prado.
"Ludwick, dude sigurado ka na ba sa gagawin mo?" hindi maiwasan ni Barett, na mag-alala sa mangyayari mamaya-maya lang. Sa totoo lang ay napipilitan lang siyang sumama ngayon dahil hindi niya kaya ang mangyayari ngayong gabi. Nakita niyang binigyan siya ng masamang tingin ng kanyang kaibigan na Ludwick. Hindi naman siya nagpatinag sa pagsindak sa kanya ng kanyang kaibigan.
"Huh? Parang naduwag ka yata ngayon dude?" ngising sabi ni Ludwick, kinuha niya ang kanyang rock glass na naglalaman ng alak at ininom niya iyon. Kailangan niya ng pampalakas ng loob para magawa niya ang kailangan niyang gawin ngayon. Wala siyang magagawa kundi gawin ang dapat niyang gawin.
______________________________
"Ser meron pong naghahanap sa inyo sa labas." sabi ng isa sa mga katulong nila Ludwick, na si Azel.
"Sino naman iyon?" kunot noo tanong ni Ludwick, nandito siya ngayon sa garden area kung saan kumakain siya ng breakfast. Maya-maya lang ay papasok na siya sa Malaya University. Maaga ang klase niya ngayong araw na ito.
"Zubery Arizabal, ang pangalan niya po. Gusto ka raw po niya makausap." magalang na sabi ni Azel, napatingin sa kanya ang guwapong amo niya.
"Sige paoasukin mo na siya." sabi ni Ludwick, hindi niya alam kung sino si Zubery Arizabal. Nagtataka siya kung bakit siya gustong kausapin nito. Naisip na lang niya na isa ito sa mga empleyado ng kanyang mga magulang sa isa sa mga negosyo nila. Sa totoo lang ay nahihirapan siya ngayon sa paghawak sa mga negosyo nila. Lalo pa nag-aaral pa siya at graduatinh siya ngayong taon na ito. Napailing na lang siya dahil ayaw niyang mastress sa kakaisip ng kung anu-ano.
"Good morning Ludwick Laurel."
Nagulat si Ludwick, sa biglang pagsulpot ng isang matangkad na lalaki sa kanyang likuran. Agad siyang napatayo para harapin ang bisita.
"Anong kailangan mo? Bat gusto mo ko makausap? Isa ka ba sa mga empleyado nila mommy at daddy?" mga tanong ni Ludwick, napagmasdan niya ang itsura ng lalaki. Hindi ito mukhang empleyado nakasuot ito ng black suit na sa unang tingin pa lang ay mamahalin na. Sa madaling salita mukhang mayaman itong taong gusto siyang makausap.
"Pasensya ka na sa istorbo Ludwick. Nandito ako para makausap ka tungkol sa malaking utang ng iyong mga magulang." seryosong sabi ni Zubery, naglakad siya papunta sa maliit na lamesa kung saan sa tingin niya ay kumakain ng almusal si Ludwick. Kusa na siyang umupo sa isang bakanteng upuan. Napangisi na lang siya sa nakitang pagkabigla sa guwapong mukha nito. Inutusan siya ng kanyang Capo, na pumunta dito sa bahay ng mga Laurel, upang kausapin ang panganay na anak nila Mr and Mrs Laurel. Manininggil lang siya ng utang at aalis din siya.
"Ano? Anong ibig mong sabihin? Anong utang na pinagsasabi mo?" gulat na tanong ni Ludwick, nakatayo siya ngayon sa harapan ng lalaki.
"Hindi ka naman siguro bingi? Narinig mo ang sinabi ko. Ayoko ng ulitin kung ano ang sinabi ko kanina." seryosong sabi ni Zubery, inaya niyang umupo na muna si Ludwick, dahil mukhang hindi nito alam na may malaking pagkakautang ang mga magulang nito.
"Ipaliwanag mo nga sa akin kung paano nagkautang ng malaki ang mga magulang ko. Tsaka sino ka ba?" kunot noo tanong ni Ludwick, nakaupo siya ngayon dahil mukhang mahabang-haba ang pagpapaliwanagan ng lalaking kausap niya.
"Zubery Arizabal, ang pangalan ko. Pinapunta ako ng Capo ko na si Magnus Orisis Patton, may-ari sa pinakamalaking casino sa bayan ng Prado ang Orisis Casino." seryosong sabi ni Zubery.
"Orisis Casino? Bakit bakit ka pinapunta ni Magnus, dito?" kilala ni Ludwick, si Magnus, sino ba naman ang hindi nakakakilala sa isa sa maimpluwensyang tao sa bayan ng Prado. Napapaisip lang siya kung bakit pinapunta itong si Zubery, ni Magnus? Para ba maninggil ng utang? Wala naman sinasabi ang kanyang mga magulang na may malaking pagkakautang ang mga ito. Isang taon na ang nakakaraan nang mamatay ang kanyang mga magulang sa isang car accident. Isang taon na rin niyang hinahawakan ang kanilang mga negosyong naiwan ng kanyang mga magulang. Sino pa ba ang hahawak ng negosyo ng pamilya niya kundi siya dahil bata pa ang kaniyang isa pang kapatid. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya.
"Mukhang hindi mo alam na may utang ang mga magulang mo sa Orisis Casino?" tanong ni Zubery, sa kanyang nakikita ay hindi nga alam ni Ludwick, na may malaking utang ang mga magulang nito.
"Paano magkakaroon ng utang ang mga magulang ko? Maayos ang mga negosyong naiwan niya. Ni isa ay walang na bankrupt? Kung may utang man ang mga magulang ko ay bakit ngayon ka lang o kayo nagpunta paraaningil ng utang?" takang tanong ni Ludwick, iniisip niya kung may utang na malaki ang mga magulang niya bakit hindi man naapektuhan ang kanilang negosyo? Bakit uutang ang mga magulang niya? Saan ba nila ginamit ang pera inutang ng mga ito?
"Regular customer namin sila Mr. and Mrs. Laurel, na mga magulang mo sa Orisis Casino. Kaya umasenso ang buhay ninyo at nagkaroon kayo ng maraming negosyo ay dahil sa pagsusugal ng mga magulang mo sa cassino ni Magnus." seryosong sabi ni Zubery, totoo ang kanyang sinabi na regular customer nila sa casino ang mga magulang ni Ludwick. Naging kaibigan pa nga ng mga ito si Magnus.
"Hindi nagsusugal ang mga magulang ko! Ang lakas mo naman magsalita ng ganyan sa mga umao kong mga magulang. Respeto naman sa kanila!" galit na sabi ni Ludwick, ayaw na ayaw niyang may nambabastos sa kanyang mga magulang. Nirerespeto ang kanilang pamilya na Laurel, sa bayan ng Prado. Hindi siya naniniwala sa mga sinasabi ni Zubery, sa kanya. Alam niya na nagsumikap ang kanyang mga magulang upang umunlad ang kanilang pamumuhay.
"Hindi ko sila binabastos. Naging kaibigan namin sila ni Magnus, ang capo ko. Dahil na rin magkaibigan ang mga magulang mo at si Magnus, ay malaya sila pinahiram ng pera ng capo ko." pagpapaliwanag ni Zubery.
Alam ni Ludwick, kung ano ang ibig sabihin na salitang "capo". Caporegime, ay ibig sabihin ay captain sa Italian word na ginagamit ng mga mafia. Nagdududa siya sa sinabi ni Zubery, na naging kaibigan daw nito at ni Magnus, ang kanyang mga magulang. Pero ni minsan ay hindi niya nakita na kasama ng kanyang mga magulang sila Zubery at Magnus.
"Sa tingin ko ay hindi ka naniniwala sa sinasabi ko. Siguro ay mabuting si Magnus, na ang kumausap sa'yo." alam ni Zubery, na kahit anong pagpapaliwanag niya kay Ludwick, ay hindi ito maniniwala. Kaya naisip niyang iharap na lang ito kay Magnus.
Napatayo na lang sa pagkakaupo si Ludwick, wala siyang panahon sa mga walang kakuwenta-kuwentang bagay tulad nitong pinagsasabi ni Zubery, napatingin siya sa kanyang suot na relo. Isang oras na lang ay magsisimula na ang kanyang klase sa Malaya University.
"Puwede ka na umalis sa pamamahay ko. Wala akong interes sa pinagsasabi mo." pinatawag ni Ludwick, si Azel, upang samahan si Zubery, sa labas ng bahay nila.
"Hindi mo na kailangan na pagtabuyan ako sa pamamahay mo. Kusa akong aalis Ludwick, magkikita ulit tayo sa pagkakataon na iyon ay kasama ko na si Magnus. Kaya ihanda mo na ang sarili mo." ngising sabi ni Zubery, tumayo na siya sa pagkakaupo para umalis na sa bahay ng mga Laurel. Sasabihin na lang niya kay Magnus, kung ano ang mga pinag-usapan nila ni Ludwick. Sigurado siyang iinit na naman ang ulo nito.
Sa Malaya University ay napansin ni Hakeem, na mukhang wala sa mood na naman ang kaniyang kaibigan na si Ludwick. Tumabi siya sa pagkakaupo ng kanyang kaibigan at ngumiting tumingin siya dito.
"Mukhang wala ka sa mood dude?" tanong ni Hakeem, seryosong napatingin sa kanya si Ludwick. Medyo lumayo siya dahil napansin niya masyado pala lumapit ang mukha niya sa kanyang kaibigan.
"Paano mo naman nasabi na wala ako sa mood?" masungit na tanong ni Ludwick, muntikan na niya mahalikan si Hakeem, buti na lang ay agad itong lumayo. Wala pa ang kanilang professor kaya malaya silang nag-uusap ni Hakeem, lagi niyang katabi ito sa upuan kahit lumilipat sila ng classroom. Hindi niya alam bat gustong-gusto niya na katabi lagi si Hakeem.
"Sa tagal na natin magkaibigan ay kilala na kita." ngising sabi ni Hakeem, tumingin siya sa harapan ng classroom kung saan kakapasok lang ng tatlo pa nilang kaibigan na sila Ryker, Barett at Andreas.
"Ganun na ba ako ka-transparent sa'yo?" tanong ni Ludwick, matagal nga niya kaibigan si Hakeem. Naalala lang niya kung paano ba niya unang nakita si Hakeem. Wala sa kanyang sarili na ngumiti siya ngayon habang nakatingin sa kanyang kaibigan.
"Ehem! Aga naman yang ligawan na yan." pagpaparinig ni Barett, na ikinasama ng tingin ni Ludwick, sa kanya.
"Ludwick, dude kung makangiti kang nakatingin kay Hakeem, akala mo siya lang ang nagpapasaya ng araw mo ah?" tukso ni Ryker, nakipag-apir pa siya sa kanyang kaibigan na si Barett.
"Tama na nga yang asaran ninyo. Baka mapikon na naman si Ludwick." ngising sabi ni Andreas, umupo na siya sa upuan katabi sa upuan ni Ludwick. Kilala nila ang kanilang kaibigan na si Ludwick. Pikon ito kapag inaasar nila kaya iniiwasan niya na asarin ito baka masuntok pa siya ng kanyang kaibigan.