My Name Is Lualhati Canlas Datu Chapter 42 "Jusko po! Anong pong nangyari sa inyo El Jefe Maximo? Sino yang buhat-buhat mo?" gulat at pag-aalalang tanong ni Abelino. Nagulat siya ng salubungin niya si El Jefe Max, na basang-basa ang buong katawan nito at mas nagulat siya ng bigla itong pumunta sa back seat ay meron itong buhat na buhat na isang binatang lalaki na punong-puno ng putik ang buong katawan nito. Kahit na madumi ang mukha ng binata ay naaninag niya na sobrang guwapo nito na parang babae na sa sobrang kaguwapohan. "Mamaya ko na lang ipapaliwanag sa'yo matanda kung ano nangyari. Kailangan konlang siyang linisan itong guwapong binata. Pakidala mo na lang sa kuwarto ko ang first aid kit." seryosong sabi ni Maximo, wala siyang kahirap-hirap na buhatin ang guwapong binata dahil na

