My Name Is Lualhati Canlas Datu Chapter 41 "Nasarapan ka ba sa kinain mo kanina Hakeem?" ngising sabi ni Marcus, habang palabas sila ng kubo. Magkahawak kamay silang naglalakad ni Hakeem. Nung una ay ayaw pahawak ang guwapong binata ngunit nagpumilit siya at tinignan niya ito ng seryoso. Sa huli ay pumayag din ito na hawakan niya ang kamay nito. "Oo masarap ang nakain ko. Nabusog nga ako. Teka asan ba ang banyo dito? May banyo ba dito?" takang tanong ni Hakeem, nakalabas na sila ng kubo at diret-diretso lang ang paglalakas nila. Naisip niyang masyado yatang malayo ang banyo dito sa bukid. "Meron banyo dito ngunit medyo malayo-layo pa ng konti. Kailangan pa nating pasukan ang puno ng mga mangga nasa bandang dulo pa ang banyo." ngising sabi ni Marcus, kinokontrol niya ang sarili na wag

