My Name Is Lualhati Canlas Datu
Chapter 30
Pagkalabas ng banyo ni Marcus, sa ikalawang pagkakataon ay nakita na naman niyang mahimbing na natutulog sa ibabaw ng kama si Hakeem. Suot pa rin nito ang puting bath robe. Napapailing na napapangiti siya na lumapit kay Hakeem. Napahaplos siya sa guwapong mukha ng guwapong binatang na mahimbing na natutulog. Napapansin niya na palagi itong natutulog o antukin ito. Iniwan na muna niya si Hakeem, para pumunta sa walk in closet niya. Nagbihis na muna siya ng pantulog niya na black classic satin terno pajama. Kumuha rin siya ng isusuot na pantulog ni Hakeem. Isang blue classic satin terno pajama. Pinasuot niya ito kay Hakeem. Napangiti siya dahil man lang ito nagising habang sinusuot niya sa guwapong binata ang pajama na kinuha niya sa walk in closet. Matapos niyang ipasuot ang pajama kay Hakeem, ay inayos niya ang pagkakahiga nito.
"Sh1t!" napamura na lang si Marcus, dahil nakalimutan niyang linisin ang sugat ni Hakeem, sa balikat at sa gilid ng labi nito. Hinanap niya ang kanyang cellphone at tinawagan niya si Bella, para magdala ito ng first aid kit sa kanyang kuwarto. Hindi nagtagal ay may narinig siyang katok sa kuwarto. Sinabihan niya ito na buksan ang pintuan. Nakita niya ang pagbukas ng pintuan at pumasok si Bella, sa loob ng kuwarto niya na may dala-dalang first aid kit.
"Heto na po Capo Marcus, ang kailangan ninyong first aid kit." magalang na sabi ni Bella, nakita niya agad si Sir Hakeem, na mahimbing na natutulog sa ibabaw ng kama ni Capo Marcus. Pansin din niya ang sugat sa ibabang labi ni Capo Marcus.
"Pakigamot mo ang sugat sa gilid ng labi ni Hakeem, pati ang sugat sa kanang balikat nito. Ikaw na muna ang bahala sa kanya." ma autoridad na sabi ni Marcus, isang matamis na halik ang binigay nito sa noo ni Hakeem, bago siya tumayo sa pagkakaupo at naglakad papunta sa may pintuan ng kuwarto niya. Gusto na muna niyang magpahangin sa labas. Bago siya tuluyan na lumabas ay nakita niyang lumapit na si Bella, kay Hakeem, na mahimbing na natutulog sa ibabaw ng kama niya. Habang naglalakad siya sa mahabang pasilyo ng kanyang mansyon ay nakasalubong niya si Avianna. Naagaw ang pansin niya sa suot nitong manipis na puting kamison. Hindi maalis ang kanyang mata sa sexy dilag na nakasuot ng isang puting kamison at may hawak-hawak itong isang basong tubig.
"Marcus, kamusta ka na?" mapang-akit na sabi ni Avianna, kanina pa niya inaabangan na lumabas si Marcus, sa kuwarto nito. Hindi naman sayang ang kanyang suot na puting kamison. Wala siyang suot na panloob na panty at bra. At may hawak-hawak pa siyang isang basong tubig na gagamitin niya ito para akitin si Marcus. Ramdam at kitang-kita niya sa guwapong mukha ng makisig na lalaki ang stress. Alam niyang problemado ito dahil na rin sa bagong parausan nito. Nalaman niyang lalaki pala ang bagong parausan ni Marcus, at sinisigurado siyang hindi magtatagal ay magsasawa ito. At babalik na naman ito sa kanya.
______________________________
"Ate Avianna, alam mo na ba ang bagong parausan ni Capo Marcus, ay lalaki!" masayang sabi ni Aitana, kakapasok lang niya sa kuwarto ng nakakatandang kapatid nitong babae na si Avianna. Hindi na siya nag-abalang kumatok pa sa kuwarto ng ate niya. Kitang-kita niya na busy ito sa paglalagay ng kung anu-ano sa mukha nito para lalo raw itong gumanda.
"Ano ba yan Aitana! Nakakagulat ka naman! T-teka ano nga ulit ang sinabi mo?!" muntikan ng atakihin sa puso si Avianna, sa biglang pagpasok ng kanyang nakakabatang kapatid na si Aitana, sa kuwarto nito. Naiinis talaga siya dahil nasanay na ito sa 'di pagkatok sa pintuan ng kuwarto niya. Basta-basta na lang itong pumapasok sa kanyang kuwarto. Napakunot noo na lang siya sa sinabi ng kanyang kapatid na si Aitana.
"Ate kakasabi ko lang na lalaki ang bagong parausan ni Capo Marcus. Kanina ko lang siya nakita sabay silang umalis ni Capo Marcus, kanina." sabi ni Aitana, habang naglilinis siya kanina sa may sala ay nakita niyang may kasama si Capo Marcus, na napakaguwapong binata. Nakasuot itong all white polo tshirt, white pants at puting pares na sneakers. At nakumpirma niya na iyon ang bagong parausan ni Capo Marcus, dahil na rin sa pasimple niyang pakikinig sa usapan ng mga ito. Ang pinag-uusapan ng dalawa ay tungkol sa mga kaibigan at magulang nito.
"Lalaki?! Naku! Ilang araw lang ay magsasawa na si Marcus, dyan." mataray na sabi ni Avianna, pinagpatuloy na niya ang paglalagay ng cream sa mukha niya. Hindi na bago sa kanya na minsan ay lalaki ang nagiging parausan ni Marcus. Walang kaso sa kanya iyon. Ang mahalaga ay mabilis na nagsasawa si Marcus, sa mga nagiging parausan nito at bumabalik ito sa kanya.
"Nagalit si Capo Marcus, Ate Avianna! Hinawi nito ang mga pagkain sa ibabaw ng lamesa kanina sa may dining area!" ginagaya pa ni Aitana, kung paano hinawi ni Capo Marcus, ang mga pagkain at mga plato sa ibabaw ng lamesa kanina sa dining area. Alam niyang bawal na bawal na panuorin o sumilip man lang sa nangyari kanina ngunit nakagawa siya ng paraan para makita ang nangyari kanina. Iyon ang unang beses niyang nakita na nagkaganun si Capo Marcus. At nalaman niya ang pangalan ng bagong parausan ni Capo Marcus, na si Hakeem.
"Bakit naman nagalit si Marcus? Siguro ay pakipot pa 'yung lalaki na iyon? Kung ako lang ay agad ako bubukaka sa harapan ni Marcus." sabi ni Avianna, natapos na siyang maglagay ng puting cream sa mukha at humarap na siya sa kanyang kapatid na nakaupo sa ibabaw ng kama niya.
"Aitana! Sinabi ko na sa'yo na wag na wag kang uupo sa kama ko! Ang dumi-dumi mo kaya!" inis na sabi ni Avianna, tumayo agad siya sa kanyang pagkakaupo at pinuntahan niya ang kanyang nakakabatang kapatid na si Aitana. Agad niya itong hinila ang kamay nito at pinababa niya ito sa kama niya.
"Ate ang arte mo naman! Kakaligo ko lang kaninang umaga eh!" pagpupumiglas ni Aitana, naaartehan talaga siya sa nakakatandang kapatid niya na si Avianna.
"Doon ka umupo sa wing chair, wag sa kama ko! Tignan mo nga kanina ka pa pala naligo! Kaya pala amoy pawis ka na naman! Diba sinabi ko na sa'yo na maligo ka lagi pagkatapos mong magtrabaho dito sa mansyon." napabuntong hininga na lang si Avianna, lagi talaga niya pinagsasabihan ang kanyang nakakabatang kapatid na maligo ito palagi pagkatapos nitong magtrabaho sa mansyon.
"Ate naman mamaya maliligo ako. Gusto ko lang sabihin sa'yo ang mga nakita ko kanina. Mukhang hindi ka naman interesado sa sasabihin ko. Lalabas na lang ako." kunwaring nagtampo si Aitana, sa kanyang nakakatandang kapatid niyang si Avianna. Naglakad na siya papunta sa may pintuan ng kuwarto ng Ate Avianna, niya. Bubuksan na sana niya ang pintuan para lumabas na siya ngunit bigla siyang tinawag ng ate niya.
"Wag ka ngang maarte Aitana! Bumalik ka dito at sabihin mo sa akin kung ano ang mga nalaman mo tungkol sa bagong parausan ni Marcus." hindi na kasi siya nakakalabas ng kuwarto tuwing umaga dahil natutulog pa siya sa ganung oras. Gigising na lang siya kapag gabi na dahil papasok na siya sa Orissis Casino para magtrabaho. May shuttle bus na sumusunod sa kanya at iba pang kasamahan niyang nagtratrabaho sa casino na dito na nakatira sa mansyon ni Marcus.
"Ok sige!" masayang sabi ni Aitana, masaya siyang bumalik sa pagkakaupo niya sa isang wing chair sa kuwarto ng ate niya.
"Heto na nga Ate Avianna, sa tingin ko ay hindi nagpapakipot si Hakeem… " hindi naituloy ni Aitana, ang sasabihin niya dahil biglang nagsalita ang Ate Avianna, niya.
"Hakeem? Sino si Hakeem?" takang tanong ni Avianna, nakaupo siya sa ibabaw ng kama niya habang nakakunot noo siyang nakatingin sa kanyang kapatid na si Aitana.
"Patapusin mo kaya ako ate. Ang pangalan ng bagong parausan ni Capo Marcus, ay Hakeem Fargas. Itutuloy ko na ang kuwento ko Ate Avianna. Sa tingin ko ay hindi nagpapakipot si Hakeem, parang may malaki itong problemang iniisip. Narinig ko kasi na naging kabayaran siya sa malaking pagkakautang ng mga magulang ng isa sa mga kaibigan niya. At ipinagpalit siya ng kanyang sariling mga magulang kapalit na malaking halaga." biglang naalala ni Aitana, ang kanilang ama. Hindi naman sila binenta ng kanilang ama kundi sapilitan silang kinuha ni Capo Marcus, bilang kabayaran sa malaking pagkakautang ng kanilang ama. Hanggang ngayon ay wala siyang balita sa ama nila.
"Saklap pala ng sinapit ni Hakeem. Kawawang lalaki… Teka nga lang ano pala ang itsura ni Hakeem, na yan?" usisa ni Avianna, gusto niyang malaman kung ano ba ang itsura ng bagong parausan ni Marcus.
"Ah? Sobrang guwapo ate! Sa sobrang kaguwapohan nito ay nagmumukha na itong babae. Kaya pala nababaliw si Capo Marcus, kay Hakeem. Tsaka alam mo ba Ate Avianna, habang puwersahan na hinalikan ni Capo Marcus, si Hakeem, bigla na lang nito kinagat ni Hakeem, ang ibabang labi ni Capo Marcus, nagdugo nga ang labi ni Capo Marcus. At sobrang nakakatakot si Capo Marcus, Ate Avianna. Nagalit ito kay Hakeem, at isang malakas na sampal na binigay ni Capo Marcus, sa guwapong binatang si Hakeem." mahabang salaysay ni Aitana, pumunta siya sa mini ref ng ate niya at kumuha siya ng isang bote ng mineral at ininum niya iyon. Nanuyo ang lalamunan niya sa mahabang sinabi niya sa kanyang Ate Avianna.
"Nasaan na sila ngayon?" usisang tanong ni Avianna, gusto niyang makita si Marcus. Gusto niya itong kamustahin. Gusto niya itong kamustahin ang sugat nito. Kaya gusto niyang alamin kung nasaan ngayon si Marcus. Napangisi na lang siya dahil nagalit si Marcus, kay Hakeem. Sana ay tuluyan na talaga magalit si Marcus, kay Hakeem, para itapon na lang nito na parang basura si Hakeem. At syempre babalik na naman ang atensyon ni Marcus, sa kanya.
"Hmmm… Pumunta sila sa kuwarto. Alam mo na ang nangyayari sa kanilang dalawa ngayon Ate Avianna." ngising sabi ni Aitana, napatawa na lang siya dahil sa nakikitang pagkainis sa magandang mukha ng ate niya. Halatang nagseselos ito sa sinabi niya tungkol kina Hakeem at Marcus.
"Sige na makaalis ka na Aitana. Maligo ka ah! Ang baho mo!" inis na sabi ni Avianna, mag-isip siya ng paraan kung paano niya makakausap si Marcus. Nag-aalala lang siya sa sugat sa labi nito. Nagagalit siya ngayon ay Hakeem, at natutuwa siya dahil nakatanggap ito ng malakas na sampal kay Marcus.
Lumabas na si Aitana, sa kuwarto ng nakakatandang kapatid niya na si Avianna. Sa paglalakad niya sa mahabang pasilyo ng mansyon ay nakita niya si Bella, na nagmamadaling naglalakad. Sigurado siyang sa kuwarto ni Capo Marcus, ito pupunta. Napansin niyang may dala itong first aid kit. Nagtago siya sa malaking vase na kasing laki niya. Sumilip siya at tama nga ang hinala niya dahil pumasok si Bella, sa kuwarto ni Capo Marcus. Wala na siyang inaksayang oras pa. Nagmamadaling bumalik siya sa kuwarto ng Ate Avianna, niya. Sa pagbukas ng pintuan, ay makita niyang nagulat ang ate niya sa biglang pagpasok niya.
"Aitana, ano ba yan!" inis na sabi ni Avianna, maalis na talaga ang puso niya sa kanyang dibdib dahil sa sobrang pagkagulat sa bigla-biglang pagbukas ng pintuan sa kuwarto niya.
"Ate Avianna! Ate! N-nagmamadaling pumasok si Bella, sa kuwarto ni Capo Marcus! M-may dala-dala pa itong first aid kit." hingal na hingal si Aitana, dahil na rin sa nagmamadali siyang bumalik sa kuwarto ng ate niya. Nakita niyang napatayo ang Ate Avianna, niya.
Nagmadali si Avianna, na pumunta sa banyo para maghilamos para maalis ang nilagay niyang cream sa mukha niya. Pagkatapos ay pinalitan niya ang suot niyang pantulog ng isang puting kamison. Hindi na siya nag-abala pang magsuot ng bra at panty. Para maakit niya agad si Marcus.
"Ate Avianna, anong ginagawa mo?" kunot noo tanong ni Aitana, pinapanuod lang siya sa kanyang nakakatandang kapatid na si Avianna, na aligaga sa pagsusuklay at paglalagay ng make up sa mukha nito.
"Ano pa ba edi pupuntahan ko si Marcus." sabi ni Avianna, natapos na siyang suklayin ang makapal na mahabang buhok niya. Naglagay na rin siya ng light make up para maganda siya sa paningin ni Marcus. Tinignan niya sa full body mirror ang kanyang sarili. Nang makasigurado siya na maganda at kaakit akit na siya kay Marcus, ay kumuha siya ng isang basong tubig para hindi siya mahalata sa gagawin niya. Meron din siyang naisip sa isang basong tubig na gagamitin din niya para lalong maakit sa kanya si Marcus.
"Asa ka pa na makakapasok ka basta-basta sa kuwarto ni Capo Marcus. Nandoon pa naman sa loob si Bella." ngising sabi ni Aitana, laging silang sinisita ni Bella, masyadong mainit ang dugo ng matandang iyon sa kanilang dalawa ng Ate Avianna.
"Hayaan mo ang matandang Bella, na yan! Ang gusto ko lang ay makausap si Marcus." mataray na sabi ni Avianna.
______________________________
"Anong ginagawa mo dito Avianna?" seryosong tanong ni Marcus, napansin niyang walang suot na bra si Avianna, dahil naaninag niya ang dede nito sa suot nitong manipis na kamison.
"Inaabangan kang lumabas sa kuwarto mo. Gusto lang kitang kamustahin. Kamusta ang sugat mo?" pag-aalalang tanong ni Avianna, hinawakan niya ang labi ni Marcus.
"Ayos lang ako Avianna." inalis ni Marcus, ang kamay ni Avianna, na nakahawak sa labi niya. Nagpatuloy siya sa paglalakad papunta sa malaking balkonahe ng mansyon niya.
"Marcus, gusto mo bang gamutin ko ang sugat mo?" pag-aalalang sabi ni Avianna, sumabay siya sa paglalakad ni Marcus. Nakarating sila sa balkonahe ng mansyon. Agad niyang naramdaman ang lamig ng simoy ng hangin. Napahawak na lang siya sa kanyang mga braso dahil sa lamig. Inilagay niya ang basong hawak niya sa lamesang nakita niya sa balkonahe.
"Wag ka na mag-abala pa Avianna. Gusto ko lang magpahangin dito." seryosong sabi ni Marcus, nakatingin lang siya sa malawak na kalangitan na puno ng mga bituin. Naramdaman niyang inilingkis ni Avianna, ang kamay nito sa matipunong braso niya. Ramdam na ramdam niya ang malulusog at malambot na dede nito sa matipunong braso niya.
"K-kamusta ang bagong parausan mo?" nag-aalangan si Avianna, na tanungin iyon kaya Marcus, baka kasi magalit ito sa kanya. Ngunit naglakas loob siyang itanong ito kay Marcus. Napatingin ng masama sa kanya ang makisig na lalaking yakap-yakap niya sa matipunong braso nito.
"Sinong nagbigay sa'yo ng karapatan naitanong yan sa akin?" seryosong sabi ni Marcus. Inalis niya ang pagkakalingkis ng kamay ni Avianna, sa kanyang matipunong braso niya.
"Ah… Pasensya na kung naitanong ko lang sa'yo iyon." parang natameme si Avianna, sa sinabi sa kanya ni Marcus.
"Iwan mo na lang ako dito Avianna. Gusto kong mapag-isa." sabi ni Marcus, seryoso siyang tumingin kay Avianna. Gusto lang niyang mapag-isa. Gusto niyang magmuni-muni.
Walang magawa si Avianna, kundi umalis na lang at iwanan si Marcus, sa balkonahe. Naiinis siya dahil hindi man umepekto ang suot niyang manipis na kamison. Hindi man lang niya nakuha ang pansin nito. Bumalik na lang siya sa kuwarto niya at natadnan pa niya ang kapatid niyang si Aitana, na kinakalkal ang mga make up kit niya.
"Aitana! Anong ginagawa mo dyan! Diba sinabi ko na sa'yo na lumayas ka sa kuwarto ko!?" galit na sabi ni Avianna, napatingin sa kanya ang nakakabatang kapatid niya.
"Mukhang 'di umepekto ang puting kamison mo? Hahaha!" natatawang sabi ni Aitana, kitang-kita niya ang masamang timpla ng mukha ng Ate Avianna, niya.
"Nakakainis! Pinaalis ako ni Marcus! Hindi man lang siya naakit sa akin!" inis na inis si Avianna, hinubad na niya ang puting kamison at sinuot na niya ang pantulog na hinubad niya kanina.
Samantala sa balkonahe ng mansyon ay nakatingin si Marcus, sa kalangitan. Nilanghap niya ang sariwang hangin. Aaminin niya na nawala siya sa kanyang sarili kanina. Nandilim ang paningin niya sa pagkagat sa kanya ni Hakeem. Napahawak na lang siya sa kanyang labi kung saan kinagat siya ni Hakeem. Hindi niya akalain na sobrang tigas ng ulo nito. Akala niya ay madali lang niya itong mapapasunod. Hindi niya alam kung ilang oras siyang nasa balkonahe, nakaupo sa isang upuan at nakatingin sa kalangitan. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya bago siya nagpasyang tumayo para bumalik sa kuwarto niya. Sa pagpasok niya sa kuwarto ay nakita niya si Bella, na hinahaplos nito ang makapal na buhok ni Hakeem. Bigla siyang nakaramdam ng inis sa nakikita niya.
"Bella! Maari ka na umalis!" ma awtoridad na utos ni Marcus. Nakita pa niyang napaiglad pa si Bella.
Agad na tumayo sa pagkakaupo niya sa gilid ng kama si Bella, hindi niya namalayan na nakapasok na pala sa kuwarto si Capo Marcus. Masama ang tingin nito sa kanya. Tinatanong niya sa kanyang sarili kung meron ba siyang magawang masama o kasalanan? Upang tignan siya ni Capo Marcus, ng masama.
"Capo Marcus, nalinisan ko na po ang mga sugat ni Sir Hakeem. Lalo na po ang sugat nito sa kanang balikat po niya." magalang na sabi ni Bella, nagpaalam na rin ito kay Capo Marcus, na masama pa rin ang tingin nito sa kanya.
Hinintay na muna ni Marcus, na makalabas ng kuwarto si Bella. Bago niya lapitan si Hakeem, na mahimbing pa rin ito natutulog sa ibabaw ng kama nito. Napahaplos siya sa guwapong mukha ni Hakeem. Marami siyang planong inihanda para sa guwapong binatang mahimbing na natutulog.
"Hakeem, sa akin ka na…" ngiting sabi ni Marcus, sumampa na siya sa kama at tumabi na siya kay Hakeem.
Kinabukasan ay maagang nagising si Hakeem, dahil nararamdaman niyang may yumayakap sa kanya. Agad niyang iminulat ang kanyang dalawang mata at napatingin siya sa isang guwapo at makisig na lalaking nakaakap sa kanya. Rinig na rinig niya ang mahinang paghilik nito. Napadaing siya sa sakit dahil kumikirot anv kanyang kanang bakilat. Inalis niya ang pagkakayakap sa kanya ni Marcus. Dahan-dahan siyang umalis sa kama para 'di magising si Marcus.
"Saan ka sa tingin mo pupunta Hakeem?" seryosong tanong ni Marcus, hinila niya ang isang kamay ni Hakeem. At hinahiga niya ito sa kanyanh tabi. At muli ay kinulong niya ito sa yakap.
"M-marcus, dahan-dahan naman sa paghila sa braso ko. M-masakit ang kanang balikat ko dahil na rin sa pagkagat mo sa akin." inis na sabi ni Hakeem.
"Masakit din ang labi ko dahil na rin sa pagkagat mo sa akin." seryosong sabi ni Marcus, niyakap niyang muli ang guwapong binata.
"H-hindi ko sinasadyang kagatin ka sa labi. Masyado lang ako nabigla." seryosong sabi ni Hakeem.
"Sinabi ko naman sa'yo na wag na wag mong pigilan ang sarili mo." sabi ni Marcus, isang matamis na halik ang binigay niya sa noo ni Hakeem.