My Name Is Lualhati Canlas Posadas
Chapter 31
"Ludwick, hindi yata pumasok si Hakeem?" tanong ni Andres, kanina pa niya hinahanap si Hakeem. Tinatawagan din niya ito sa cellphone nito ay hindi niya makontak out of covarage area ito. Naglakas loob na siyang nilapitan ang mga kaibigan nito lalo na si Ludwick Laurel, na alam niyang matalik na kaibigan ni Hakeem. Si Ludwick Laurel, din ang team captain ng basketball team na sinalihan niya. Nasa may canteen ang mga kaibigan ni Hakeem. Masayang nagkukuwentuhan ang mga ito. Napatingin ng seryoso sa kanya si Ludwick.
"Mukha ba akong hanapan ng nawawala?" inis na sabi ni Ludwick, seryoso siyang nakatingin kay Andres. Ang lakas talaga ng loob nitong hanapin sa kanya si Hakeem. Hindi nga niya alam kung papasok pa ba si Hakeem? Hindi niya alam kung ano ba ang ginagawa nito ngayon? Hindi niya alam kung makakasama pa ba niya si Hakeem? Hindi niya alam kung makikita pa ba nila si Hakeem? Marami pa siyang katanungan tungkol kay Hakeem. Tatapusin ba nito ang pag-aaral nito? Hahayaan ba ni Marcus, si Hakeem, na tapusin ang pag-aaral nito? Si Marcus, ba ang kokontrol sa buhay ni Hakeeem?
"Captain tinatanong ko lang kung nakita o napansin niyo ba si Hakeem?" mahinahon na tanong ni Andres, ayaw niya ng away. Alam naman niya na mainit ang dugo sa kanya ni Ludwick. Dahil kahit na ilang beses na siyang pinagsabihin ni Ludwick, na wag na wag daw siyang lalapit kay Hakeem. Tinanong nga niya dito kung may relasyon ba ito kay Hakeem? Ngunit tumanggi itong sagutin. Kahit na hindi sabihin ni Ludwick, na wala itong special na relasyon kay Hakeem. Hindi lang siya kundi maraming nakakapansin na kakaiba ang proteksyon na binibigay niyo kay Hakeem. Kitang-kita at ramdam naman niya ang special na pagtingin ni Ludwick, kay Hakeem. Kinausap nga nito ang buong team noong narinig nitong pinag-uusapan nila si Hakeem, pagkatapos ng praktis game nila. Naalala pa niya na galit na galit si Ludwick, na kinausap silang lahat. Pinagbawalan talaga sila na lapitin o kausapin man lang si Hakeem. Natahimik na lang silang lahat sa sinabi ni Ludwick, sa kanila noon.
"Dude pasensya na ah? Hindi kasi namin alam kung nasaan si Hakeem?" ngiting sabi ni Ryker, nagkatinginan pa sila ng mga kaibigan niya. Napapatanong siya kung papasok pa ba si Hakeem? Napapatanong siya kung kamusta na ba si Hakeem? Galit ba ito sa kanya? Hindi man lang siya nakapagpaliwanag na hindi naman talaga siya kasali sa plano ni Ludwick.
"Ah ganun ba sige. Salamat pare." ngiting sabi ni Andres, umalis na siya sa loob ng canteen. Kinuha niya ang kanyang cellphone sa loob ng bulsa niya para tawagan ulit niya si Hakeem. Ngunit nakailang tawag at text na siya ay hindi ito sumasagot. Hindi niya maiwasan na kabahan. Alam niyang noong nakaraan gabi ay sumali na naman ito sa isang karera sa likod ng Malaya University. Balitang-balita sa buong campus na natalo raw si Hakeem. Hindi kasi siya nakapanood noong gabi na iyon. May family dinner sila. Pumunta na muna siya sa locker area sa gym para kunin ang libro na kailangan niya sa next subject niya. Napangiti na lang siya ng maalala niyang sumama si Hakeem, sa locker area dahil akala nito ay tatakasan niya ito. May naging pustahan sila noong sumali si Hakeem, sa karera. Kapag nanalo ito ay dapat ilibre niya ito sa Rald's Box Café. Naglakas loob talaga siyang lapitan si Hakeem, noong gabi na iyon. Dahil wala ang mga kaibigan nito lalo na si Ludwick, na kung makabakod ay daig pa ang asawang seloso. Maraming gustong lumapit kay Hakeem, ngunit natatakot ang mga ito kay Ludwick, na laging bantay sarado kay Hakeem. Buti nga napapansin niya na ilang araw na hindi sumasama si Hakeem, sa mga kaibigan nito. Lagi itong sumama sa kanya na kinatutuwa naman niya.
"Nasaan ka na Hakeem?" ang pag-aalalang tanong ni Andres.
_______________________________
"Andres, buti na lang talaga ay nakipagpustahan ka sa akin. Nakatikim tuloy ako ng libreng cake at kape dito sa paborito kong café sa bayan ng Prado ang Rald's Box Café." ngiting sabi ni Hakeem, sarap na sarap siya sa pagkain ng Classic Red Velvet cake at Classic Blue berry Cheese cake.
"Naku walang anu man. Sige lang kain ka lang ng kain. Unlimited naman yan hahaha!" birong sabi ni Andres, masaya siya ngayon dahil kasama niya ang crush niyang si Hakeem. Alam niyang lalaki ito pero wala siyang pakialam na lalaki pa si Hakeem, na crush niya. Alam naman niyang hindi lang siya ang may crush kay Hakeem, kundi marami silang may crush kay Hakeem, sa loob ng Malaya University. Bukod sa guwapo na sa sobrang guwapo nito ay nagmumukha na itong babae. Magaling din ito sa karera ng kotse. Higit sa lahat ay mabait at madali lang itong pakisamahan. Natutuwa talaga siya na nakagawa siya ng paraan na makasama niya ngayon si Hakeem, sa Rald's Box Café. Alam niyanh paborito nito ang café na ito. At alam din niyang paborito rin nito ang red velvet at cheese cake. Nakipagpustahan siya kay Hakeem. Alam naman niya matatalo siya ngunit kapalit ng pagkatalo niya sa pustahan ay nakasama niya si Hakeem, ngayon.
"Puwede bang araw-araw mo ko ilibre? Hahaha" pabirong sabi ni Hakeem, nanalo siya sa pustahan gabi laban kay Andres. Natutuwa siya dahil kasama niya ito. Hindi naman lingid sa kaalaman niya na pinagbabawalan siya ni Ludwick, na kausapin o sumama sa mga ka team nito. Kapag sinusubukan niyang lumapit sa mga ka team nito ay agad na itong simpleng haharang. Medyo nagulat pa nga siya dahil kinausap siya ni Andres, kagabi. Sa pag-uusap nilang dalawa ay nagpustahan silang dalawa. At heto nga siya ngayon kinukuha este kinakain na niya ang premyong napanalunan niya kay Andres.
"Oo naman basta kasama kita Hakeem." ngiting sabi ni Andres, hayagan na niyang pinaparating kay Hakeem, na may patingin siya dito. Wala siyang pakialam kung pareho pa silang lalaki basta ang alam niyang iba si Hakeem. Marami na siyang naging girlfriend, marami na rin siyang karanasan pagdating sa pakikipagtalik. At isang araw na lang ay bigla nag-iba ang takbo ng buhay niya. Simulang makita niya si Hakeem, sa unang araw nito sa Malaya University.
"Huh? Ano ibig mong sabihin doon dude?" kunot noo tanong ni Hakeem, medyo kinabahan siya sa sinabi ni Andres, sa kanya. Hindi niya alam kung bakit. Umiiwas nga siya makakuha ng atensyon sa ibang tao dahil na rin sa kalagayan niya.
"Ah? G-gusto k-ki-kitang…. m-ma-maging… kaibigan Hakeem." napakamot na lang sa ulo si Andres, dahil nauutal siya sa pagsasalita. Nakita niya sa mga mata ni Hakeem, na medyo nagamba ito sa sinabi niya. Kaya dahan-dahanin na lang niya muna ang pagdiskarte niya sa guwapong binata.
"Ahhhh… Sige ba para madagdagan ang kaibigan ko." ngiting sabi ni Hakeem, pinagpatuloy na niya ang pagkain niya ng cake.
"Hakeem, hindi ba magagalit si Ludwick?" pag-aalalang tanong ni Andres, kanina pa siya nakatingin kay Hakeem. Hindi man lang niya nagagalaw ang kanyang inorder na Chocolate Cake at Fresh Orange juice. Busog na busog na siya kahit 'di siya kumain. Dahil kaharap niya si Hakeem.
"Bat naman magagalit? At ano naman ang ikakagalit nito?" kunot noo tanong ni Hakeem.
"Hmm… Dahil sumama ka sa akin." direstsong sagot ni Andres, sigurado siyang pag-iinitan na naman siya ni Ludwick Laurel, sa basketball court.
"Ah? Hindi ko maintindihan ang tanong mo sa sakin dude." natatawang sabi ni Hakeem, alam naman niya ang tinutukoy ni Andres. Kinausap na siya minsan ni Ludwick, na umiwas siya sa mga ka team nito sa basketball lalo na kay Andres. Ngunit hindi niya ito sinunod dahil wala naman masama na makipagkaibigan siya sa mga ka team nito lalo na kay Andres. Kanina nga lang ay galit na galit ito sa kanilang dalawa ni Andres. Sinamahan niya ito sa may locker area ng gym. Bigla na lanh sumulpot si Ludwick, na galit na galit. Hindi nga niya maintindihan iyong kaibigan na niya iyon?
"Alam mo ang tinutukoy ko Hakeem. Ayaw na ayaw ni Ludwick, na lumalapit kami ng mga ka team niya sa basketball sa'yo. Kanina nga lang diba galit na galit siya." pilit na ngiti ang naipakita ni Andres, kay Hakeem.
"Naku wag mong pansinin iyon. Ang mahalaga ay wala naman tayo ginagawang masama o inaapakan na ibang tao." ngiting sabi ni Hakeem.
___________________________
"Pare ano ginagawa mo dito? Para kang tangang nakatulala dyan." ngising sabi ni Taylor, isa sa mga ka team mates ni Ludwick, sa basket ball. Pumunta siya dito sa locker area sa gym dahil kukunin niya ang kanyang mga gamit sa locker nito. Sigurado siyang sobrang baho na ng locker niya dahil na rin sa mga maruming damit. Nagulat pa siya sa pagpasok niya sa locker area dahil nakita niyang nakaupong nakatulala si Andres, sa loob.
"Oh! Ikaw pala Pareng Taylor!" medyo nagulat pa si Andres, sa biglang pagdating ni Taylor, na kasamahan niyang basket ball varsity player.
"Gago mo pare! Nakatira ka na naman ba?" asar na sabi ni Taylor, pumunta na siya sa locker niya at binuksan na niya ito. Agad na nangamoy ang kulob na damit niya.
"Puta pare! Ang baho! Hindi ko na kailangan na tumira! Amoy pa lang ng locker mo ay sobrang lakas na ng tama. Hahaha!" natatawang sabi ni Andres, lumayo siya sa locker ni Taylor, dahil amoy na amoy niya ang mabahong amoy sa loob ng locker nito.
"Gago mo Andres! Ikaw nga ang nakikiamoy, ikaw pa ang nagrereklamo. Teka nga lang maiba ako. Kamusta na pala ang pagdiskarte mo kay Hakeem?" ngising sabi ni Taylor, alam naman ng buong team nila na may especial na pagtingin si Andres, kay Hakeem. Aaminin niya siya man ay humahanga kay Hakeem Fargas. Kahit na may girlfriend na siya ngayon ay hindi niya talaga maiwasan na humanga sa kakaibang kaguwapuhan ni Hakeem. Para kasi itong babae sa sobrang kaguwapohan. Naalala niya noong unang-una niya ito nakita kasama ni Hakeem, ang captain nila na si Ludwick Laurel. Para siyang natuklaw ng ahas dahil nakatulala lang siyang nakatingin kay Hakeem, noon. Gusto nga sana niya maging kaibigan ang guwapong binata ngunit sinabihan agad sila ni Ludwick, na wag na raw silang magtangka na lumapit o makipagkaibigan kay Hakeem.
"Hindi nga siya pumasok ngayon eh? Hmm… Ok naman kami magkaibigan na kami ni Hakeem. Nakailang labas na kami." masayang sabi ni Andres, naalala niya na namasyal sila sa Chavez Mall. Doon ay mas lalo niyang nakilala si Hakeem. Marami siyang nalaman tungkol sa mga gusto at ayaw nito.
"Gago pare! Natira mo na siya?!" gulat na tanong ni Taylor, hindi siya makapaniwala na naka score na si Andres, kay Hakeem.
"Gago mo naman pare! Ang ibig kong sabihin ay ilang beses na kami nakapamasyal tulad ng pagpunta namin sa paborito nitong café na Rald's Box Café. Noong isang araw ay nagpunta kami sa Chavez Mall." hindi niya maiwasan ni Andres, na mapangiti ng maalala niya ang pagpunta nila ni Hakeem, sa Rald's Box Café at Chavez Mall.
"Kala ko pa naman ay nakascore ka na kay Hakeem. Alam mo pare sa tagal na nating magkaibigan ay ngayon lang kitang nakitang ganyan na kasaya. Hindi ko nakita na ganyan ka kasaya noong nagkaroon ka ng mga girlfriend. Ngayon lang pare." ngiting sabi ni Taylor, alam niyang ibang antas na ang paghanga ng kanyang kaibigan na si Andres, kay Hakeem. Masaya siya na masaya ang kanyang kaibigan. Tinapik pa niya sa balikat si Andres.
"Ganun ba pare?" kunot noo sabi ni Andres.
"Seryoso pare masaya ako na masaya ka ngayon." ngiting sabi ni Taylor.
"Salamat pare." nakipag-apir pa si Andres, sa kanyang kaibigan bilang pasasalamat niya sa pagsupporta nito sa kanya. Nagpaalam na rin siya kay Taylor, dahil may klase pa siya. Umaasa siya na makita niya si Hakeem, ngayong araw na ito. Ngunit natapos ang araw niya sa Malaya University at hindi niya nakita si Hakeem. Ayaw na niyang magtanong sa barkada ni Ludwick, baka mapahiya lang siya. Sa pagpunta niya sa parking lot ay nakita niya na seryosong nag-uusap ang mga kaibigan ni Hakeem, sa may dulo ng parking lot kung saan nandoon ang mga kotse ng mga ito. Hindi na lang niya ito binigyan ng pansin at umuwi na siya sa kanilang bahay sa Plameras Subdivision. May kaya ang ang pamilya niya at marami rin silang negosyong hinahawakan. Tulad na lang ng poultry farm, sinabihan na siya ng kanyang mga magulang na pagkatapos niyang magkapag-aral at makagraduate ay siya na ang mamamahala sa lahat ng negosyo ng pamilya niya. Nakapasok na ang kanyang itim na kotse sa kanilanh bahay. Napakunot noo na lanh siya ng makita niya ang isang familiar na puting na lexus sport car. Sa pagpasok niya sa kanilang bahay ay medyo nagulat siya sa kanyang nakitang bisita nila. Nakaupo ito sa isang itin na wing chair. Suot nito ang all black suit. Para itong makapangyarihan na tao kung makaupo ito na naka de kuwatro at nakangising nakatingin sa kanya.
"Kamusta ka na pamangkin?" ngising sabi ni Marcus, napagpasyahan niya na pumasyal sa kaisa-isang kinakapatid niya na si Dwayne Patton. Hindi naman siya madalas na pumupunta dito sa bahay ng kinakapatid niya. Tuwing may kailangan lang siya ay pumupunta siya dito sa bahay ni Dwayne. At ngayon ay nakita na dumating na ang pakay niya. Ang nag-iisang anak ng kinakapatid niyang si Dwayne, na si Andres Patton. May kailangan lang siyang sabihin at mumunting pakiusap dito.
"Andres, buti ay nakauwi ka na. Nandito ang Uncle Marcus, mo. Gusto ka raw niya makausap." walang ganang sabi ni Dwayne, nagulat siya sa biglang pagbisita ng kinakapatid niyang si Marcus. Masasabi niya na ok naman ang samahan nilang magkapatid. Hindi niya tunay na kapatid si Marcus, dahil inampon lang ng kanyang Auntie at Uncle si Marcus. Sumama lang ang loob niya sa kanyang Auntie at Uncle dahil hindi siya ang nagmana sa mga ari-arian ng mga ito. Siya ang legal na Patton. Ngunit kay Marcus, napunta ang lahat ng kayaman ng kanyang Auntie at Uncle. Hindi nga niya alam kung bakit bigla-bigla na naman itong pumunta dito sa bahay niya. Sinabi lang sa kanya ni Marcus, ay gusto niyang kausapin ang kanyang nag-iisang anak na si Andres Patton. Iniwan na muna niya sila Marcus at Andres, sa sala para makapag-usap ang dalawa ng mabuti.
Nagtataka si Andres, kung bakit nandito sa pamamahay nila si Uncle Marcus, niya? Nagtataka rin siya kung bakit gusto siyang kausapin nito? Alam niyang kapag pumupunta si Uncle Marcus, niya dito sa bahay ay may kailangan ito. Hindi niya maiwasan na kabahan sa kung ano ang gustong pag-usapan nila ng Uncle Marcus, niya. Hindi naman lingid sa kaalaaman niya kung anong klaseng life style ng kanyang Uncle Marcus. Umupo siya sa isa pang puting wing chair na nakaharap sa upuan ng Uncle Marcus, niya.
"Una ay gusto na muna kitang kamustahin." ngising sabi ni Marcus,
"Maayos lang ako Uncle Marcus." simpleng sagot ni Andres.
"Balita ko ay graduating ka na this school year?" tanong ni Marcus, hindi pa rin niya inaalis ang de kuwatro niyang pagkakaupo. Nakita niyang napatango si Andres, sa tanong niya.
"Ikaw na raw ang mamamahala sa mga negosyo ng pamilya mo?" tanong ulit ni Marcus, alam niyang matalino at masipag na binata si Andres. Hindi na siya nagtaka o nagulat man lang ng sabihin sa kanya ni Dwayne, na si Andres, na ang hahawak sa mga negosyo ng pamilya nito.
"Sa totoo lang ay ayaw kong hawakan ang mga negosyo ng pamilya ko. May gusto akong ibang gawin." ngiting sabi ni Andres, unti-unting nawawala ang pagkailang niya sa Uncle Marcus, niya.
"Ano naman ang gusto mong gawin?" usisa ni Marcus.
"Gusto ko lang magtravel sa iba't-ibang lugar dito sa Pilipinas at syempre sa ibang bansa." ngiting sabi ni Andres, 'yun talaga ang balak niya pagkagraduate niya. Ngunit tumutol ang kanyang ama. Gusto nito na ora mismo, pagkagraduate niya ay hahawakan na niya ang negosyo ng pamilya niya. Maaga pa lang ay sinanay at tinuruan na siya ng kanyang ama kung paano patakbuhin ang mga negosyo nila. Tinuruan siya ng kanyang ama kung ano ang mga pasikot-sikot sa negosyo. Kaya hindi nan siya nag-aalala na baka bumagsak ang mga negosyo nila. Gusto lang niya talaga magtravel. Umaasa siya na makakasama niya si Hakeem, sa bawat pagpunta niya sa bawat sulok ng Pilipinas, lalo na sa ibang bansa. Isa sa pangarap niya na makasama si Hakeem, Paris.
"Magagawa mo naman iyon kung gugustuhin mo Andres." ngiting sabi ni Marcus, alam niyang komportable na ang kanyang pamangkin sa kanya. Kaya sasabihin na niya ang gusto niyang sabihin kay Andres.
"Maiba ako Andres, may karelasyon ka ba ngayon?" ngising sabi ni Marcus, nakita niyang napakunot noo si Andres, na napatingin sa kanya.
"As of now wala Uncle Marcus, bakit mo naitanong? May irereto ka ba sa akin?" birong sabi ni Andres, medyo nagulat siya sa tanong ng kanyang Uncle Marcus. Dahil kapag nagkakausap silang dalawa ay hindi naman siya nito tinatanong tungkol sa love life niya. Napakamot na lang siya sa ulo ng maalala niya si Hakeem. Alam niyang suntok sa buwan na maging sila ng guwapong binata.
"Mukhang may dinidiskartehan ka ngayon ah? Bakit 'di mo ikuwento sa akin kung sino yang especial na babae na yan." ngising sabi ni Marcus, hindi naman lingid sa kaalaman niya na marami na itong naging karelasyon. Kaya nga lagi itong pinagsasabihan ng kanyang kinakapatid na mag-ingat si Andres, baka makabuntis ito.
Napangisi na lang si Andres, sa mausisang tanong ng Uncle Marcus, niya. Sa loob-loob niya ay natatawa siya sa sinabi ng uncle niya. Hindi naman babae ang dinidiskartehan niya ngayon. Kundi parehong lalaki ang dinidiskartehan niya. Walang iba kundi si Hakeem Fargas.
"Masasabi kong napakaespecial na tao ang dinidiskartehan ko para maging akin siya. Pero masasabi ko rin na mukhang mahihirapan ako dahil masyadong komplikado ang sitwasyon." ngising sabi ni Andres, napakunot noo na lang siya ng makitang sumeryoso ang mukha ng Uncle Marcus, niya na nakatingin sa kanya. Para bang nagalit ito sa sinabi niya? Para bang may mali sa sinabi niya?
"Kitang-kita ko sa mukha mo na masaya ka sa dinidiskartehan mo." ngising sabi ni Marcus, sigurado siyang nakita ni Andres, ang biglang pagseryoso niya.
"Uncel Marcus, ano pala ang nais mong sabihin sa akin?" tanong ni Andres, gusto niyang malaman kung ano ba ang pakay sa kanya ng Uncle Marcus, niya?
Nagdadalawang isip si Marcus, kung sasabihin ba niya ang pakay niya kay Andres? Gusto sana niyang ipabantay si Hakeem, sa kanyang pamangkin na si Andres. Habang nag-aaral ito sa Malaya University kung saan doon din nag-aaral si Andres at magkaklase pa sila ni Hakeem, sa ibang subject. Gusto niyang ipagpatuloy ni Hakeem, ang pag-aaral nito. Gusto rin niyang makagraduate ito. Sayang naman kung pahihintuin niya sa pag-aaral si Hakeem. Nangangamba lang siya na baka kapag pinayagan niya si Hakeem, na ipagpatuloy ang pag-aaral nito ay baka tumakas o hindi na bumalik sa kanya ang guwaponh binata. Iyon ang pinakatatakutan niya. Inutusan niya si Zubery, na alamin ang mga ginagawa ng kanyang pamangkin. At nalaman nga niya na may paghanga ito kay Hakeem. Base sa pakikipag-usap niya sa kanyang pamangkin na si Andres, ay hindi lang basta paghanga kundi may nararamdaman na itong especial na pagtingin ang kanyang pamangkin kay Hakeem. Baka kapag pinabantay niya kay Andres, si Hakeem, ay nakasulutin pa niya ito sa kanya.
"Gusto ko sana na pagkagraduate mo ay magtrabaho sa akin." ngising sabi ni Marcus, iyon na lang ang naisip niyang sabihin.
"Hindi ko maipapangako sa'yo Uncle Marcus, na papayag ako sa alok mo sa akin. Sinabi ko naman sa'yo na gusto ko magtravel pagkagraduate ko." akala ni Andres, ay kung ano na ang gustong sabihin sa kanya ni Uncle Marcus, niya. Tulad ng kanyang ama ay ganun din ang alok sa kanya. Napapaisip siya kung ganun ba talaga ang kanyang ama at uncle na puro negosyo lang ang nasa utak ng mga ito.