My Name Is Lualhati Canlas Datu Chapter 32 "Dude, kanina ka pa nakatulala na parang malalim ang iniisip mo?" kunot noo tanong ni Andreas, nandito sila sa loob ng classroom nila. Hinihintay lang nila na dumating ang professor nila sa susunod na subject nila. Kasama niya sa upuan sila Ryker, na busy sa kausap nito sa cellphone. Mukhang kausap nito ay ang mga magulang nito. Naririnig niya ang pinag-uusapan nito tungkol sa bagong nesgosyong pinapatayo ng mga magulang niya. Nasabi sa kanila ni Ryker, na siya ang daw ang hahawak ng mga negosyo ng pamilya nito. Samantalang ang isa pa nilang kaibigan ay na si Barett, nakikipagbiruan ito sa mga kaklase nila. "Wag mong sabihin dude na masyado kang apektado sa sinabi ni Andres? Hinahanap lang niya si Hakeem." sabi ni Ryker, kakatapos lang niyang

