My Name Is Lualhati Canlas Datu Chapter 33 "Gising na ba si Hakeem?" tanong ni Marcus, kay Bella. Kararating lang niya galing sa Plameras Subdivision. Pinuntahan niya ang kanyang kinakapatid na si Dwayne Patton. Kinausap niya ang nag-iisang anak nito na si Andres Patton. Gusto sana niya pabantay kay Andres, si Hakeem, habang nag-aaral ito sa Malaya University. Ngunit hindi na niya ito sinabi kay Andres, dahil ang especial na taong sinasabi nito sa kanya ay si Hakeem. Noong sinabi sa kanya iyon ni Zubery, dahil na rin pinaimbestiga niya si Andres, ay nagulat siya sa kanyang nalaman. Bago siya umalis kanina ay iniwan niya si Hakeem, na natutulog. Natutuwa siya dahil sabay silang nag-almusal ni Hakeem, kaninang umaga at sabay din silang nagtanghalian, sa may garden area. Ang kinaiinisan nga

