My Name Is Lualhati Canlas Datu Chapter 24 Hindi alam ni Hakeem, kung ano ang mararamdaman niya ngayon. Ngayon na nalaman niyang hindi nagsisinunggaling sa kanya si Marcus. Tungkol sa sinasabi nito na naging kabayaran siya sa malaking pagkakautang ng mga magulang ni Ludwick. Hindi niya sukat akalain na magagawa ng kanyang kaibigan ang ipambayad siya kay Marcus. "Anong sinabi ko sa'yo Hakeem? Lahat ng sinasabi ko sa'yo ay totoo." ngising sabi ni Marcus, kakatapos lang nila kausapin si Ludwick Laurel. Natutuwa siya sa nakikita niyang nararadaman na kalungkutan ni Hakeem. Hindi niya masyado mabasa kung ano ba ang tumatakbo sa isip ng guwapong binata. Nasa loob sila ng kotse niya. Nasa passenger seat na nakatulalang nakatingin sa bintana si Hakeem. "B-bakit niya nagawa sa akin ito? Itinu

