My Name Is Lualhati Canlas Datu Chapter 25 "Bakit hindi mo ginagalaw ang pagkain mo?" seryosong tanong ni Marcus, umorder siya ng classic red velvet cheesecake at classic carbonara para kay Hakeem, ngunit hindi man nito ginagalaw ang pagkain nito. Samantala siya ay patapos na siyang kumain. Classic carbonara rin ang inorder niya at fresh orange juice. Nakita niyang malungkot na tumingin sa kanya si Hakeem. "G-gusto ko na umuwi Marcus. Gusto ko na magpahinga sa lahat ng nangyayari sa akin." malungkot na sabi ni Hakeem, nakakaramdam siya ng sobrang pagod sa nangyayari sa kanya. Kagabi lang ay masaya siyang pumunta sa Altas Bar kasama ang mga kaibigan niya. Ngunit pagkagising niya ay nasa ibang lugar na siya. At ang masaklap ay nakipagtalik pa siya sa isang lalaki. Isang lalaking nakakuwen

