My Name Is Lualhati Canlas Datu Chapter 26 _______________________________ Naalingpungatan si Ludwick, ng maramdaman niyang may nakaakap sa kanya. Dahan-dahan niyanh iminulat ang kanyang mga mata. At napatingin siya sa kanyang katabi. Nakita niya ang guwapong at maamong mukha ni Hakeem, na sobrang lapit sa kanya. Ang kamay naman nito ay nakapatong sa may beywang niya. Ang posisyon nila ngayon ay para bang magkasintahan o mag-asawa dahil nakaakap din siya kay Hakeem. Hindi alam ni Ludwick, kung bakit hindi niya inalis ang kamay niya sa pagkakayakap niya sa kanyang kaibigan. Para bang gustong-gusto niya ang posisyon nila ni Hakeem, ngayon. "Hakeem… " ang sabi ni Ludwick, ngunit hindi man lang nagising si Hakeem. Napatingin siya sa wall clock na nakasabit sa kanyang kuwarto. Alas tres na

