My Name Is Lualhati Canlas Datu Chapter 27 "Tara na bumaba na tayo. Nandito na tayo sa harapan ng bahay ninyo." seryosong sabi ni Marcus, gusto na niyang matapos ang lahat ng ito. Gusto na niyang makauwi sa mansyon para magpahinga. Ang mga magulang na lang ni Hakeem, ang problema niya ngayon. Hindi niya alam kung ano ang magiging kalalabasan ng pagkikita ni Hakeem, at ang mga magulang nito. Napatingin si Hakeem, sa bahay nila. Kahit ilang araw pa lang siya hindi nakakauwi ay namiss na niya ang bahay nila. Alam niyang ng makilala niya ang mga kaibigan niya na sila Ludwick, ay 'di siya masyadong umuuwi sa bahay nila. Dahil na rin nakikitulog siya sa bahay ni Ludwick. Napakunot noo na lang siya ng mapansin niya na masukal ang harapan ng bahay nila dahil na rin sa mga tuyong dahon ng puno

