My Name Is Lualhati Canlas Datu
Chapter 18
Naiinis na lumabas ng opisina si Avianna, dahil bitin na bitin pa rin siya kahit na nakapagpalabas siya. Naiinis siya kay Zubery, dahil inabala sila nito. Hindi man lang niya nanamnam ang mga bawat sandaling kasama niya si Marcus. Hindi man lang niya nanamnam ang makisig na katawan ni Marcus. Hindi man lang niya nasubo o nahawakan o nasilayan man lang ang malaking alaga ni Marcus. Higit sa lahat ay hindi siya nakantot ni Marcus. Pumunta na muna siya sa female locker room para makapag-ayos siya. Nagusot ang kanyang suot na uniform at nagulo ang kanyang buhok dahil na rin sa nangyari kanina. Kailangan na niya magmadali dahil sigurado siyang hinahanap na siya ni Sir James Karl. Habang papunta siya sa basement ay hindi niya inaasahan na may makakasalubong siya. Ang isa sa mga vip guest na hinihintay ni Marcus. Ang isa sa mga anak ni Raymard Chavez, na si Rayford Chavez.
"Good evening Mr. Rayford Chavez." ngiting pagbati ni Avianna, pasimple niyang inayos ang kanyang nagulong buhok. Hindi niya akalain na napakaguwapo pala nito sa personal.
"Good evening." kakatapos lang magbanyo ni Rayford, ng may bumati sa kanya. Isang napakaganda at sexy na dilag. Agad niyang nalaman na isa ito sa mga nagtratrabaho sa casino. Ito ang unang beses niyang nakapunta sa Orissis Casino. Hindi naman siya mahilig magcasino. Mas gugustuhin pa niyang pumunta sa Altas Bar para mag-inuman at makipagsayawan sa mga magaganda at sexy babae. Sinama lang siya ng kanyang ama na si Raymard Chavez, kasama din nila ang dalawa pa niyang kapatid na si Kuya Rayburn, niya. Pati na rin ang nakakabatang kapatid niyang si Rayfield Chavez. Pinuntahan na niya ang kanyang ama sa VIP room. Sa pagpasok niya ay nakita niyang abalang nag-uusap ang kanyang ama na si Raymard, at si Marcus Orissis Patton, ang may ari ng Orissis Casino.
"Gusto kong ipakilala ang isa sa mga anak ko na si Rayford Chavez." pagmamalaking sabi ni Raymard Chavez, naisipan niyang bumisita sa Orissis Casino. Sinama niya pati ang tatlong anak niya. Kahit sa ganitong paraan ay magkasama-sama sila. Kahit na alam niyang napilitan ng ang mga ito sumama sa kanya.
Nakipagkamay si Marcus, sa anak ni Raymard Chavez, na si Rayford Chavez. Bago siya pumunta sa VIP room ay naghilamos na muna siya ng mukha at nagmouth wash. Nagpapasalamat siya kay Zubery, dahil tinawag siya nito. Kung hindi pa pumasok si Zubery, ay baka nakipagtalik na siya kay Avianna. Hindi talaga siya makatanggi kapag inakit na siya nito. Kakaiba talaga para sa kanya ang alindog ni Avianna. Ok lang sa kanya na hindi siya nakapagpalabas dahil iniipon niya ang kanyang t***d para kay Hakeem. Ngayon ay harapan na niya sila Raymard at Rayford Chavez. Pinag-uusapan nila ang posibleng pagtatayo nila ng negosyo. Isa si Raymard Chavez, sa isa sa maimpluwensyang tao sa bayan ng Prado. Pagmamay-ari nito ang sikat na mall na Chavez Mall. Regular guest nila ito sa Orissis Casino.
"Balita ko ay ikakasal ka na Rayford?" tanong ni Marcus, bigla na lang umasim ang mukha ni Rayford. Alam naman niyang napilitan lang ito sa kagustuhan ng ama nito. Kilala niya si Raymard, bilang isang ama sa tatlong anak nito. Mahigpit na ama ito sa tatlong anak nito. Lahat ng nais niyang gawin sa mga anak niya ay nasusunod sa ayaw at sa gusto ng mga ito. Nabalitaan din niya na pinagkasundo nito ang bunsong anak nito sa isang babaeng anak ng isang mayaman na tao para lang hindi mabankurpt ang kumpanya nito na Chavez Group of Company Inc. Kilala niya si Raymard, basta pera ang usapan ay nabubuhay ang diwa nito.
"Well, kalat na kalat naman dahil na rin sa pinaggagawa ni Daddy." pilit na ngiting sabi ni Rayford, nagpaalam na muna siya na lalabas dahil baka umuwi siya sa 'di oras. Dahil na rin sa sobrang kadaldalan ng kanyang ama.
"Mr. Chavez, pati ba naman si Rayford, ay pinagkasundo mo sa isang babaeng hindi naman niya mahal?" usisa ni Marcus.
"Hindi naman para sa akin ang ginagawa ko kundi para sa kanila. Maiba ako Marcus, wala ka bang balak na mag-asawa? Hindi ka na bumabata." ngising sabi ni Raymard, sa pagkakaalam niya na meron itong nakarelasyon ngunit naloko lang si Marcus. Kaya simulang mangyari iyon ay lagi na lang itong kumukuha ng pagpaparausan nito.
"Ilang beses mo na ba naitanong sa akin yan? Ang importante sa akin ay hindi ako nababakante." birong sabi ni Marcus, dinaan na lang niya sa biro ang usapan. Ayaw na ayaw niyang may nagtatanong sa kanya ng ganun tanong. Nagsalin siya ng brandy sa wala ng laman na baso ni Raymard, at binigay niya ito.
"Tama ka naman dyan. Wala ka bang napupusuan ngayon? Maraming mga babae pati na mga lalaki ang umaaligid sa'yo. Para lang mapansin sila ng isang Marcus Orissis Patton." papuring sabi ni Raymard, nakita niyang napabuntong hininga na lang si Marcus, dahil sa sinabi niya. Kinuha niya ang binigay na baso sa kanya ni Marcus, na may lamang alak.
"Wala pa sa isip ko ang mga ganyang bagay. Bat ba ganito ang pinag-uusapan natin?" nagtatakang tanong ni Marcus.
"Hahaha! Umiiwas talaga sa mga ganung usapan Marcus. Sige na pag-usapan na natin ang pakay ko ngayong gabi na ito." biglang naging seryoso si Raymard Chavez.
Pinag-usapan nila Marcus at Raymard Chavez, ang pagtatayo nila ng isang condomium sa bayan ng Prado malapit sa Chavez Mall. Nagkasundo silang dalawa na 50-50 sila sa gastos at kita ng condo. Natapos ang pag-uusap nila sa isang masayang inuman at kuwentuhan kasama ang tatlong anak ni Raymard. Sa pagpunta niya sa opisina ay para makapagpahinga kahit sandali bago ito umuwi ay narinig niyang may tumatawag sa kanyang cellphone. Kinuha niya ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa at nakita niyang si Bella, ang tumatawag.
"Capo Marcus, gising na po si Hakeem."
Biglang nakaramdam ng excitement si Marcus, sa sinabi sa kanya ni Bella. Pinatay na niya ang tawag ni Bella, sa kanya. Nasa likuran lang niya si Zubery, sinabihan niya ito na kailangan na nilang bumalik sa mansyon dahil nagising na si Hakeem. Pumunta na sila sa harapan ng Orissis Casino kung saan nandoon na ang kanyang kotse na 2014 Lexus LS 600h. Kinuha niya agad ang susi kay Romeo, na isa sa mga valet attendant.
Lihim naman natatawa si Zubery, sa kanyang nakikitang pagkasabik ni Capo Marcus. Dahil nagising na rin sa wakas si Hakeem. Alam niyang kahit tahimik at seryoso ang mukha ni Capo Marcus, sa loob-loob nito ay hindi na nito makontrol ang saya at pagkasabik na makitang gising si Hakeem.
"Ano pangiti-ngiti mo dyan Zubery?" kunot noo tanong ni Marcus, napatingin siya sa kanyang katabi sa loob ng kotse na si Zubery, na nakangiting nakatingin sa kanya.
"Wala lang?! Masama bang ngumiti?" ngising tanong ni Zubery. Nakita niyang napangiting umiling na lang si Marcus. Nag seatbelt na silang dalawa dahil alam niyang ilang minuto lang ay nasa mansyon na silang dalawa. Sigurado siyang bibilisan ni Capo Marcus, ang pagmamaneho nito.
Hindi na makapaghintay pa si Marcus, na masilayan si Hakeem, na nakagising. Kaya binilisan na niya ang pagmamaneho para makarating sila agad sa mansyon.
Samantala sa loob ng mansyon ay gising na si Hakeem, nakaupo siya sa gilid ng isang malaking kama. Pinagmamasdan niya ang kabuuan ng kuwarto. Hindi niya alam kung paano siya nakapunta dito sa 'di famaliar na malaking kuwartong ito. Tinatanong din niya sa kanyang sarili kung sino ang naglinis o nagpaligo sa kanya dahil hindi na siya nakasuot ng wig at hindi na parang mabigat ang kanyang mukha. Napahawak siya sa kanyang mukha, wala na siyang make up.
"Sir Hakeem, kamusta ang tulog ninyo?" tanong ni Bella, alam niyang maraming tanong si Sir Hakeem. Agad niyang tinawaganp si Capo Marcus, para ipaalam na gising na si Sir Hakeem.
Bigla na lang nagulat si Hakeem, dahil hindi niya napansin na may kasama pala siya sa malaking kuwarto na ito. Napahawak na lang siya sa kanyang dibdib, bumilis ang t***k ng puso niya dahil sa pagkabigla.
"S-sino ka?" pagtatakang tanong ni Hakeem, isang magandang babae na nakasuot ng isang puting floral dress ang nakatayo sa may pintuan ng kuwarto. Nakita niyang nakangiti itong naglakad sa kinaroroonan niya.
"Ako si Bella, kamusta ang tulog mo Sir Hakeem?" nakangiting inulit ni Bella, ang kanyang tanong. Ngayon ay mas lalo niyang nakita ang sobrang kaguwapuhan ni Hakeem, dahil gising na ito.
"Tulog? Ok lang naman. Ah? Nasaan ako? Paano ako nakapunta dito? Kaninong kuwarto ito? Kay Ludwick, ba? Kay Andreas? Barett? o si Ryker?" maraming tanong si Hakeem, hindi niya alam kung kaninong bahay ba ito? Kaninong kuwarto ito? Naguguluhan siya kung ano ba ang nangyari kagabi?
"Mas makakabuti kung kumain na muna kayo Sir Hakeem. Sigurado akong nagugutom na kayo?" ngiting sabi ni Bella, inaya na niya si Sir Hakeem, na kumain. Nakarinig siya ng mahinang katok sa may pintuan. Sigurado siyang si Aitana, ang kumakatok. Inutusan niya ito na magdala ng hapunan sa kuwarto ni Capo Marcus, para makakain na si Sir Hakeem. Pumunta na siya sa may pintuan at binuksan niya ito. Hindi niya hinayaan si Aitana, na makapasok sa kuwarto dahil siya na ang lumabas para kunin sa kamay nito ang dala-dalang tray na may pagkain.
"Maraming salamat Aitana, makakabalik ka na sa trabaho mo." ngiting sabi ni Bella, mabilis ang kilos niya dahil nakita niya si Aitana, na pasimpleng sumisilip ito sa loob ng kuwarto. Agad niyang sinara ang pintuan para hindi makita ni Aitana, kung sino ang nasa loob ng kuwarto ni Capo Marcus.
Bigla naman kumalam ang sikmura ni Hakeem, dahil sa masarap na amoy ng pagkain na dala ni Bella. Napatingin siya sa malaking bintana at nakita niyang madilim na sa labas. Masyado yata siya napasarap sa tulog. Napatingin siya kay Bella, na inilapag niya sa lamesa ang mga pagkain na nasa tray.
"Sir Hakeem, kain na muna kayo. Mamaya ay masasagot lahat ng katanungan mo." ngiting sabi ni Bella.
Kumakalam na ang ang sikmura ni Hakeem, dahil sa sobrang gutom. Tumayo siya sa pagkakaupo at naglakad ito sa lamesa kung saan nandoon ang mga pagkain. Napangiti siya dahil paborito niyang ulam ang nasa lamesa. Ang tuyong adobong baboy. Meron din siyang nakita na isang rice at lalong lumapad ang ngiti niya sa kanyang guwapong mukha dahil meron tig isang slice ng red velvet at cheesecake. At isang basong sprite. Napatingin siya kay Bella, na nakatayo sa tabi niya.
"Sa akin ba ang lahat ng ito?" takang tanong ni Hakeem, tinuro pa niya ang kanyang sarili.
"Sa'yo lahat yan Sir Hakeem. Kain na." ngiting sabi ni Bella, inaya pa siyang kumain ni Hakeem, na ikinatuwa niya. Unang tingin pa lang niya kay Hakeem, ay nasabi na niya sa kanyang sarili na mabait itong tao. Nasa may likuran siya ng upuan ni Hakeem. Hindi mawala-walabang ngiti niya sa kanyang labi habang pinapanuod niya na sarap na sarap sa pagkain si Hakeem. Medyo kinabahan siya kanina ng magising ang guwapong binata dahil inaakala niya na magwawala ito. Dahil nagising ito sa 'di familiar na kuwarto.
"Rald's Box Café ba itong cake na ito!?" masayang tanong ni Hakeem, ngunit sigurado at 'di siya nagkakamali na ang red velvet at cheesecake na kinakain niya ngayon ay galing sa Rald's Box Café.
"Galing nga sa Rald's Box Café ang dalawang cake na iyan" nakangiting sagot ni Bella, sinabihan siya ni Capo Marcus, na bumili ng cake sa Rald's Box Café para kay Hakeem.
"Ayaw mo ba tik…" bigla na lang napatigil si Hakeem, sa sinabi niya dahil naalala niya na kausap niya si Marcus, kagabi. Si Marcus, din ang kasalo niyang kumain ng red velvet cake at cheesecake sa Altas Bar. Naalala din niya na iyon ang huling deal ng mga kaibigan niya. Dahil natalo siya sa pustahan. Kailangan niya makipagkuwentuhan kay Marcus Orissis Patton.
"Sir Hakeem, ayos lang ka lang ba?" takang tanong ni Bella, bigla na lang kasi napahinto sa pagsasalita si Sir Hakeem, at para bang may naalala ito?
Biglang na lang tumayo si Hakeem, sa pagkakaupo niya. Nagmamadali siyang naglakad papunta sa may pintuan dahil naalala na niya ang lahat. Bago siya mawalan ng malay kagabi dahil sa ininom niyang alak na binibigay sa kanya ni Marcus. Kailangan na niyang umuwi sa bahay niya dahil sigurado siyang nag-aalala na ang kanyang mga magulang. Mapapagalitan na naman siya ng kanyang mga magulang. Lalo na ang kanyang ina na si Emily Fargas. Sa pagbukas niya ng pintuan ay nabigla siya dahil nakita niya si Marcus, na seryosong nakatayo sa harapan ng pintuan at titig na titig sa kanya.
"Saan ka pupunta?" seryosong tanong ni Marcus, ma autoridad ang pagkakasabi nito kay Hakeem. Mukhang tamang-tama lang ang pagdating niya sa mansyon. Mukhang lalabas si Hakeem, sa kuwarto niya.
"M-marcus?!' gulat na sabi ni Hakeem, napatanong siya sa kanyang sarili kung bakit nandito si Marcus?
"Hakeem, tinatanong kita kung saan ka pupunta?" ma autoridad na tanong ni Marcus, pinapasok niya ulit si Hakeem, sa kuwarto niya. Tinignan niya si Bella, na nagsasabing lumabas na ito ng kuwarto niya.
Napatango na lang si Bella, dahil nakuha niya agad ang gustong sabihin sa kanya ni Capo Marcus. Lumabas siya ng kuwarto at biglang sinara ni Capo Marcus ang pintuan. Medyo nag-alala siya kay Hakeem, sa possibleng gawin ni Capo Marcus.
"Mukhang nag-aalala ka yata kay Hakeem?" ngising tanong ni Zubery, nakita niyang napaiglad si Bella, dahil mukhang 'di siya napansin na nasa labas at nakasandal siya sa may pader malapit sa pintuan ng kuwarto ni Capo Marcus.
"Kainis ka naman Zubery! Nanggugulat ka! Oo, nag-aalala ako. Kilala naman natin si Capo Marcus, kung ano ang kaya nitong gawin." isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Bella, at iniwan na niya si Zubery. Kailangan na niyang maghanda ng pagkain para kay Capo Marcus at Sir Hakeem. Siguradi siyang kakain ang mga ito ng hapunan.
Napaatras na lang si Hakeem, dahil pumasok si Marcus, papasok ng kuwarto. Napapalunok na lang siya ng laway dahil kakaiba ang aura nito. Iba ang naramdaman niyang aura ngayon kumpara sa aura nito kagabi na masayahin at napakakomportable nitong kasama.
"Hindi mo ba ako narinig sa tanong ko sa'yo Hakeem? Hindi mo pa ako sinasagot." hindi wala-wala ang seryosong tingin ni Marcus, kay Hakeem. Ito ang unang beses niyang makita ng malapitan ang napakaguwapong mukha nito bilang isang Hakeem Fargas. Hindi na nito kailangan ng isang makapal na make up para magmukha itong babae. Dahil ngayon pa lang ay sa sobrang kaguwapuhan nito ay nagmumukha na itong babae.
"A-ah? U-uuwi na k-kase ako." hindi alam ni Hakeem, kung bakit nauutal siya sa pagsasalita habang nakatingin siya kay Marcus, matangkad ito sa kanya. Kaya kailangan pa niyang tumingala para makita niya ang guwapong mukha nito na titig na titig sa kanya. Para bang nanghihina ang kanyang tuhod dahil masyadong titig na titig sa kanya si Marcus. Hanggang ngayon ay dahan-dahan pa rin siyang napapaatras sa paglalakad. Papalapit nang papalapit si Marcus, sa kanya. Hanggang maramdaman na lang niya na wala na siyang maatrasan dahil na isang sulok na pala siya ng kuwarto.
"Uuwi? Bakit ka naman uuwi Hakeem?" tanong ni Marcus, inaasahan na niya na ito ang gagawin ni Hakeem, pagkagising nito. Hindi pa rin niya inaalis ang tingin niya sa guwapong mukha ni Hakeem.
"S-syempre kailangan kong umuwi dahil paniguradong hinahanap na ako ng mga magulang ko. Masesermon na naman ako ni mama dahil hindi ako umuwi kagabi?" sabi ni Hakeem, napatanong na lang siya sa kanyang sarili. Hindi na pala siya nakabihis bilang si Lualhati Canlas Datu. Bakit siya kilala ni Marcus? Paano ba siya napunta sa kuwarto na ito? Alam ba ni Marcus, na nagpanggap lang siyang babae? Tsaka kanino ba itong kuwarto na ito? Nasa hotel ba siya? Nasaan ba siya ngayon? Naamoy agad niya ang hininga nito na amoy alak. Kahit na amoy alak ito ay hindi mabaho ang amoy. Parang nagbibigay ito ng kakaibang sensasyon para sa kanya.
"Pu-puwede magtanong. B-bakit kilala mo ako? Tsaka paano ba ako napunta dito? Kaninong kuwarto ito? Bakit ka nandito?" naguguluhan na tanong ni Hakeem, sino ba naman hindi maguguluhan kung paggising niya ay nasa 'di familiar na kuwarto siya.
"Bakit ka pa nagtanong kung puwedeng magtanong? Kung naparami mo ng tanong kahit na hindi pa ako pumapayag na magtanong ka?" seryosong tanong ni Marcus, gamit ang kanang kamay niya ay hinawakan niya ang baba ni Hakeem, para lalo niya makita ang kaguwapuhan nito. Pinipigilan niya ang kanyang sarili na makagawa ng isang pagkakamali na hindi magugusto ni Hakeem.
Para naman umurong ang dila ni Hakeem, sa sinabi sa kanya ni Marcus, napaiglad siya ng hawakan nito ang kanyang baba para lalong mapatingin siya sa mukha nito. Napahawak na lang siya sa may dibdib nito na agad naman niya naramdaman sa kanyang kamay niya ang tigas ng dibdib nito.
"Pa-pakiusap sagutin na lang ang mga tanong ko." ang pakiusap ni Hakeem, napabaling na lang ang tingin niya sa kaliwang banda dahil masyadong ng malapit ang mukha ni Marcus, sa mukha niya. Lalo niyang naamoy ang amoy alak nito na lalong nagbibigay sa kanya ng kakaibang sensasyon na nagpapahina ng kanyang tuhod.
"Sasagutin ko lahat ng mga tanong mo basta samahan mo ko sa pagkain ng hapunan." seryosong sabi ni Marcus, tumalikod na siya kay Hakeem. Dahil baka hindi na niya makontrol ang kanyang sarili na sunggaban ito ng halik ang mapupulang labi nito. Napatingin siya sa lamesa kung saan may naiwang pinagkainan. Mukhang kumain na si Hakeem, bago pa siya makarating sa mansyon. Lihim siyang napangiti dahil konti na lang ang nakikita niyang cake sa dalawang platong may konting red velvet cake at cheese cake.
"Nakakain na ako Marcus. Sagutin mo na lang ang mga tanong ko o kaya ay uuwi na lang ako." pinipilit ni Hakeem, na wag mautal kapag nagsasalita siya. Pero hindi niya maiwasan isipin na baka galit si Marcus, dahil niloko niya ito kagabi. Dahil nagpanggap siyang isang babae kagabi at nakipagkuwentuhan siya kay Marcus.
"Kahit na nakakain ka na ay samahan mo pa rin ako sa pagkain ko ng hapunan ngayong gabi. " sabi ni Marcus, hindi na niya pinansin ang sinabi pang iba ni Hakeem, sa kanya. Lumapit siya ulit sa guwapong binata, na ikinagulat naman nito ang biglang paghawak niya sa kamay nito.
"M-Marcus! Saan tayo pupunta?" kinakabahan na tanong ni Hakeem, nakahawak si Marcus, sa kamay niya. Hindi niya maiwasan na matakot dahil baka palusot ng nito na kakain ito. Baka ipapatay siya nito. Dahil alam na yata nito na nagpanggap siya bilang isang babae.
"Bi-bitawan mo ko Marcus!" takot na sabi ni Hakeem, medyo nagpupumiglas siya sa paghawak sa kanya ni Marcus.
"Bat ka ba nagpupumiglas? Nakahawak lang naman ako sa kamay mo? Wala naman akong gagawin masama sa'yo." paniniguradong sabi ni Marcus, nakita niya sa guwapong mukha ni Hakeem, ang pagamba at takot. Mukhang iniisip nito na may gagawin siyang masama dito. Nagpatuloy siya sa paglalakad papunta sa may pintuan at hawak pa rin niya ang kamay ni Hakeem.
Nanlaki ang mga mata ni Hakeem, dahil nakita niya ang napakahabang at magandang disenyo ng hallway. Parang nasa isang palasyo siya ng isang kaharian. Hindi siya makapaniwala nangyayari ito ngayon. Nasampal na lang siya sa kanyang mukha dahil para siyang nananaginip. Napatingin sa kanya si Marcus, na masama ang tingin nito sa kanya.
"Bakit mo sinampal ang sarili mo?" tanong ni Marcus, nabigla siya ng bigla na lang sampalin ni Hakeem, ang sarili nito. Sigurado siya na nasaktan ito. Humarap siya sa guwapong binata at tinignan niya agad ang pisnging sinampal nito.
"Akala ko kasi ay nananaginip ako dahil nasa isang palasyo ako at kasama ko ang isa sa maimpluwensyang tao sa bayan ng Prado." sabi ni Hakeem, nasaktan siya sa pagkakasampal niya sa kanyang sarili.
"Baliw ka ba?! Paano naging panaginip ito kung nararamdaman mo ang init ng kamay ko na nakahawak sa'yo?" kunot noo sabi ni Marcus, napapailing na lang siya sa ginawa ni Hakeem, sa sarili nito Nagpatuloy sila sa paglalakad papunta sa dining area. Hindi pa rin niya binibitawan ang pagkakahawak niya sa kamay ng guwapong binata.
Patingin-tingin si Hakeem, sa dinadaanan nila ni Marcus. Para nga siyang nasa isang palasyo. Marami siyang nakikitang mga magagandang kagamitan. Napansin lang niya na parang may pagkaAsian style ang mala palasyong bahay na ito. Bumaba sila sa isang malaking hagdanan ng bahay na lalong nanlaki ang kanyang mga mata sa kanyang nakitang malaking crystal chandelier na nakasabit sa gitna ng bahay. Nakarating sila sa isang napakagandang at asian inspired dining area.
"Habang kumakain ako ay hayaan mong sagutin ko ang lahat ng mga tanong mo sa akin." umupo na si Marcus, sa isang upuan at pinaupo rin niya si Hakeem, sa katabing upuan niya. Nagsimula ng maglapag ng mga pagkain ang mga kasambahay niya.
"Kung gusto mong ulit kumain ay wag kang mahiya." sabi ni Marcus, nakatingin siya kay Hakeem, na nakatingin sa mga pagkain na nasa ibabaw ng lamesa. Nakita niyang kumislap ang mga mata ni Hakeem, ng makita nitong inilapag ng isang kasambahay nito ang dalawang cake na paborito ni Hakeem. Tumingin siya sa mga kasambahay niya na nakaantabay sa may gilid ng dining area. Napangisi na lang siya ng biglang masi-alisan ang mga ito.