My Name Is Lualhati Canlas Datu Chapter 17 "Anong masasabi mo sa nangyari kanina?" ngising tanong ni Charloth, nandito siya sa loob ng opisina ni Marcus. Hindi na bago sa kanya ang nangyari kanina. Maraming beses na niyang nakita ang mga pagluhod ng mga tao sa harapan ni Marcus. Para magmakaawa na wag kunin ang mga ari-arian o kaya mahal sa buhay ng mga ito. "Anong gusto mong marinig sa akin?" seryosong tanong ni Marcus, kay Atty. Charloth. Ayaw na ayaw niyang may lumuluhod sa kanyang harapan para magmakaawa sa kanya. Nagmumukha lang siyang masamang tao kapag may mga ganung pangyayari. Hindi na rin bago sa kanya ang mga ganung eksena kanina. Lumuhod sa kanyang harapan ang mga magulang ni Hakeem, at nagmakaawa ang mga ito na ibalik niya si Hakeem, sa kanila. Agad niyang pinatayo ang mga

